Chapter 3- Natalie or Ann?

77 16 50
                                    

I was pacing back and forth in the hospital hallway for quite a while now.

Pagkatapos mawalan ng malay ng babae kanina ay natatarantang sinugod siya sa ospital ng bugaw niya. Hindi na nagtanong ang mga tao sa ospital dahil sinigurado ko na nabayaran sila ng malaking halaga para hindi na lumabas pa ang balita. Para sa naman sa bading na 'yon alam kong hindi siya kakanta dahil ako ang pinakagalenteng costumer ng negosyo niya.

Natalie...

I know that she denied it just before she lost consciousness but I know better than to believe in her. I need to get to the bottom of this. She's a conniving bitch at malamang isa na naman ito sa nga plano niya.

Paano niya ako nahanap dito? Hindi ba't matagal nang binalita ang pagkamatay niya?

Hindi ko na hinarap ang babaeng iyon pagkatapos ng nangyari. Nandito lang naman ako para malaman kung ano na namang kademonyohan ang binabalak niya. Hindi nagtagal ay lumabas na sa ward ang bakla kanina at mabilis ko siyang hinatak papunta sa fire exit.

Kanina pa nandidilim ang paningin ko. Bakas ang takot sa mukha niya.

"I need you to tell me where you found her and what on Earth are you two planning," nanilisik ang mga mata ko habang hinala ko pataas ang kwelyo ng damit niya.

"S-sir... hi-hindi ko po talaga alam ang pinagsasabi niyo. Pakiusap po 'wag niyo akong saktan. Sasabihin ko lahat ng gusto niyong malaman tungkol kay Ann," sabi niya. Nanginginig ang mga mata niya sa takot.

Ann?

What nonsense is this?

"Start talking kung ayaw mong samain sakin!" marahas kong sabi.

"Dinala ko lang naman siya dito dahil kailangan niya ng trabaho. Mag-iisang taon na po mula ng nakita siya ng kapatid ko sa kalye sa Maynila. M-medyo wala siya sa sarili at hindi alam ang mga nangyayari. Hindi din niya alam kung paano siya naging palaboy at hindi siya sumasagot kapag tinatanong siya kung anong pangalan niya. Pinangalanan nalang siya ng kapatid ko na Aning-aning kasi parang nababaliw, palaging tulala, at umiiyak," mahabang paliwanag ng bading.

"You expect me to believe that? Anong akala mo sakin tanga? Sabihin mo kung ano ang pinaplano niyo!" hinigpitan ko ang hawak sa kweloyo niya. Iniwas niya naman ang tingin at halata ang takot sa mukha niya.

"To-totoo po iyon Sir. Hindi po ako magsisinugaling sayo. Pinasama siya sa 'kin dito kasi masyado ng masikip doon sa puder ng kapatid ko at wala din naman silang ibubuhay sa kanya dahil marami din silang anak. Wala naman siyang kahit na anong pagkakakilanlan maliban sa maliit na tattoo sa batok niya. Iyon lang po talaga ang alam ko Sir. Parang awa niyo po," basag na ang boses niya dahil sa takot. It seems like he might be telling me the truth but I need to be more careful. Minsan ng nagkanda leche-leche ang buhay ko dahil nilinlang ako.

"If what you say is true, I will let you live but from now on that girl in there is mine. Sa puder ko na siya ngayon at wala kang pagsasabihan ng kahit ano. Naiintindihan mo?" binitawan ko siya.

"P-pero Sir ano po ang gagawin niyo kay Ann? Sir, 'wag niyo po siyang patayin wala talaga siyang alam. Hindi naman po niya sinsadya na galitin kayo," hinawakan niya ang braso ko at nagmakaawa.

"You have a nerve to say that? Ikaw nga itong nagpasok sa kanya sa pagiging puta!"

I swear I'm keeping myself from going berserk right this moment.

Huminga ako ng malamin bago ako nagsalita ulit.

"Five million for the girl and another five million for your silence. Siguro naman ay sapat na 'yon para magsimula ka ng magarang buhay. I will add another two million as my gift to you for a bargain well struck," malamig na sabi ko. Nilahad ko ang kamay ko para isarado ang transaksyon. Nag-aalinlangan pa sana siya pero dahil sa takot at sa gutom niya sa pera ay pimayag na rin.

Mending Memories [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon