Chapter 3

67 1 0
                                    

MINSAN iniisip ko kung kailangan ko na nga ba ng katuwang, alam mo yun? Yung magiging inspirasyon ko. Maka "katuwang" kasi kala mo nag hahanap na ng asawa! Haha. Pero di nga! Sa tuwing nakaka kita ako ng mga lovers minsan na sesweetan ako sa kanila e. Pero kadalasan mas na iirita ako alam mo yun? Minsan kasi ang pag pPDA nilulugar yan... Jusko! Kaya ayokong tumambay sa mga park e!.

One time na tumambay ako dun...

*flashback*

Ganito kasi may hinhintay ako.. (Wag nyo na tanungin kung sino! Basta may hinhintay ako! Haha) e sakto mag aalas syete narin yun ng gabe.Takte nag lipana ang mga SPG. Kaliwat kanan may mga naghahalikan. Naku! Nakakarindi talaga! Kaya naman iniba ko na lang yung location nang pag kikitaan namin. Sabi ko sakanya sa fastfood na lang tayo!

So habang nasa jeep ako. May nakasabay akong love birds nasa harapan ko sila, eh yun nga! Pilit hinahawakan nung lalaki yung kamay nung babae. Ito namang si girl kunware ayaw. Tas may binulong si girl kay boy tapos tinignan ako, syempre sino pabang pinag uusapan nila? Yun nga! Nahiya ata sakin si girl. Kaya naman nginitian ko lang sila. Kaya ayun! Nag harutan na sa harap ko.. Yung boy bulong ng bulong sa babae tas yung babae naman kileg na kileg. Ang haharot! Yung itsura ko hindi na mawari, alam  mo yung ngiti ko nun naging half smile na lang tas parang makikita mo talaga sa akin na nanririndi ako sakanila! Hays! Nginitian ko sila kanina kasi akala ko may respeto parin sila sa katulad kung gurang esti loner na katulad ko. Tsaka medyo naswetan din ako sa kanila kahit papano. pero hindi ko naman akalain na iba pala ang magiging meaning sa kanila nun! Jusko baka alaka nila sa ngiti ko "sige ipag patuloy nyo lang yang pag lalampungan nyo! I don't mind :)".

So pumasok nako sa loob ng mall dahil yun nga ang napag usapan namin, nasa loob kasi ng mall yung fastfood chain na gusto naming kainan.. At tsaka mas malapit kasi to sa bahay ko. Kaya mas pinili ko to. So habang nag lalakad ako..

Kaliwat kanan na naman ang mga naka HHWW (holding hands while walking). Kaloka! Akala ko makakaiwas na ako! Pero nakalimutan kung mas marami nga palang nag dadate sa mga malls. Kaasar!

Hindi lang yun! Pag dating ko sa MCdo na pag kakainan namin.. Pinili kung umupo sa gilid kung saan wala na kong mga makakatabi pa. At wala na kung makikitang mag couple, feeling ko kasi mag kakaroon na ako ng sore eyes pag nag patuloy pa ito.. So ayun na nga naupo nako. Ang kaso, mahaba tong lamesa ko. Kaya nag dadasal ako na sana walang makikiupo.

Pero nag kamali ako kasi may lumapit agad saking babae may dala na syang tray. Tapos nag tatanong kung may nakaupo daw ba sa tabi ko. Tinignan ko muna ang paligid, muka ngang wala ng mauupuan.. Syempre sinabe kung wala at mukha namang mag isa lang si ate kaya hindi masakit sa mata. At kampante ako. Pero nag kamali na naman ako, maya maya biglang may dumating na lalaki, akala ko kuya nya lang pero hinalikan nya sa labi e. Kaya na confirm kung boyfriend nya nga. My ghad! My eyes!! Nang makaupo na yung lalaki saka na nag umpisa ang landian 101 may pa subo subo pa ng spagh dun sa girl. So ako dahil d ko na ma take. Bigla akong tumayo nang pa dabog. Sabay na napatingin sakin yung mag kasintahan.

Sabay tinawagan ang ka meet ko at sinabing "WAG NA TAYONG MAGKITA!! May sore eyes nako!! OKAY? Sa susunod na lang! BYE!"

"Pero kate! Malapit nak--".

"Wag na! Ang tagal tagal mo! Kanina kapa! Buysit!".at umalis na dun.

*end of flashback*

Kaya nga iniisip ko kung kailangan ko na nga sigurong mag jowa o wag muna?, dahil hindi ko alam kung naiingit ako sa kanila o napipilitan lang ako sa mga nakikita ko sa paligid. Syempre mas gusto ko yung una ko yun na din ang huli ko. Yan naman siguro yung mga gusto ng mga NBSBing katulad ko. Pero parang walang trill pag ganun nun noh? haha biro lang!. Ampangit naman kasi nung andaming mong jowa ibig sabihin andami mo ring heartbreaks haha.

A Perfect TimeWhere stories live. Discover now