Chapter 15

49 2 0
                                    

~ROVEN'S POV~

Flashback (before the debut)

Papunta ako sa cafteria nun, at nakita ko sila na mag kakasama sa isang table. Nagulat ako ng bigla akong tinawag ni deiys.

Nagkatinginan naman kami ni lineng pero saglit lang din iyon dahil agad syang nag bawi ng tingin.

Kinausap ako ni deys kung pupunta raw ba ako sa birthday nya this saturday. At umuo naman ako dahil alam kung dadalo ang mga kaibigan nya lalong lalo na si kate.

Habang nag uusap kami, narinig kung tinawag ni kian si kate kaya naman agad nag divert yung pandinig ko sa usapan nila.

Narinig kung susunduin sya ni kian sa kanilang bahay sa darating na kaarawan ni deys. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni kian, ganun na ba sila ka close? Para ihatid sundo pa sya? Tss.

Pero mas lalong napakunot ang noo ko ng biglang pumayag si kate. Pero habang nag uusap sila. Biglang may pumasok sa akin na idea, na pa smirk na lang ako dahil sa naisip ko. Pasensyahan na lang pero mauna una na lang! Yan ang bumuo sa isip ko kasabay nun ay na pa smirk.

Pinadalhan ko si kate ng dress para sa kaarawan ni deys. Pero hindi ko nilagyan ng specific name doon sa card. Ang nilagay ko lang ay Letter K which is my second name, "kyle". For sure kapag nalaman nya agad na ako ang nagpadala nun hindi nya ito susuotin kung galing ito sakin.

Nag hired pa ko ng kunwaring delivery boy para maibigay sa kanya yung regalo. Pero hindi nya alam ay nasa labas lang akong ng bahay nila nun. Habang nasa kotse ako, biglang may dumating na delivery boy ito naman ay legit na. Dahil sa kanyang uniporme, napakunot ang noo ko habang tinitignan sya papalapit sa bahay nila kate.

Napapababa agad ako sa kotse at agad na tinanong ang lalaki.

"Para kay Charline kate ba yan?" Tanong ko habang nakatingin sa isang malaking box din.

Napatingin naman sakin yung delivery boy sabay tango.

"Kung ganun... Kanino galing?".

"Dito po ba kayo nakatira? May tao ba jan ngayon?".

"Wala e kakaalis lang". Buti na lang at madalim ang bahay nila kaya hindi halatang may tao sa loob.

"Kung ganun kamag anak nyo po ba ang maya ari nito". Na tinutukoy ay yung hawak nyang box.

"Ahh... Oo". Dahil future wife ko ang naktira jan, napangisi na lang ako dahil sa naisip ko.

"Kay... Mr. Kian Reyn po galing ito". Sabi nya habang binasa ang sender nung gift.

Napakunot naman ako ng noo.. Kung ganun balak nya rin palang bilhan ng susuotin itong si kate.

"Kung ganun... Ako na lang ho ang mag bibigay nyan". Sabi ko at na pa ngisi.

"Ay! Sige, po sir! Salamat medyo nag mamadali rin po kasi ako ngayon, Pakipirmahan na lang po dito".

Kinuha ko iyon at agad na pinirmahan na.

Pag kaalis pa lang nung delivert boy, kinuha ko ang box at nilagay sa sasakyan ko. Asa namang ibibigay ko to kay kate. Tss.

~NATHAN'S POV~

Nagulat ako nang mapapayag ko si charline na ihatid sya at bilhan ng damit.

Nakilala ko si kate nang mapadaan ako sa classroom nila, break time nun kaya halos lahat ng mga estudyante nasa cafeteria parke o nasa library.

Napatingin ako sa bintana ng classroom nang may narinig akong magandang tinig na nag mumula roon. kaya bahagya ko itong sinilip.

May babaeng nag susulat habang kumakanta, wala ng tao dun at mag isa lamang sya. At sakto pang nasa gilid lamang sya ng bintana kung saan ako nakatayo. Hindi nya ko napansin dahil sa ginagawa nyang pagsusulat, sinilip ko kung anong sinusulat nya at nakita kung nag susulat sya ng handouts habang kumakanta, mahina at tama lang ito upag marinig ang boses nya kapag malapit ka sa bintana.

A Perfect TimeWhere stories live. Discover now