Chapter 5

49 0 0
                                    

PAG-UWI ko sa bahay, dumeritso agad ako sa kwarto at agad na humiga. Pakiramdam ko kasi nakaka pagod ang araw na ito.

Habang nakahiga, naalala ko bigla yung payong na hiniram ko kay deys kanina. Kaya agad kung kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag at agad na tinext si beshy...

"Deys. Kakauwi ko lang, kanino ko nga pala isasauli itong payong?".

*Message Sent.*

Agad naman ding nag replay si deys.

*1 Message received.*

"Ahh. Yan ba kay reyn yan. :)".

Teka? Reyn?! As in...

"Reyn? Si kian Reyn vargas?!!".

*Message sent.*

*1 Message received*

"Yup! :) hihi".

Teka! P-panong nangyaring napunta yung payong ni kian kay beshy?.

Nang bigla kung maalala yung sinabi ni beshy kanina.. "Oo Meron! Hiramin mo muna ito... Pinahiram lang din to sakin ng pinsan ko na hiniram nya sa kaibigan nya nung nakaraan... Pero hindi kasi pumasok ngayon kaya ikaw muna ang gumamit nyan. Ibalik mo na lang bukas sa may ari".

Hala! Oo nga pala! Mag kaibigan nga yung pinsan ni deys at si kian. Naikwento samin ni deys dati na, bukod sa mag kaklase si nathan (pinsan ni deys) ay mag ka team mate din sila sa basketball...

Bakit, hindi ko na isip yun kanina?, edi sana! Hindi ko na lang hiniram. Pero kung hindi ko hiniram edi sana basang basa nako ngayon, at baka mag kalagnat pa at hindi na makapasok... Okay! Napaka advanced kung mag isip -_-

Pero paano ko to maibabalik bukas sa kanya!? Aishhh... Naman oh!.

***

Kinabukasan, himala at wala ng ulan at napakaganda ng panahon. Pero iniisip ko parin kung paano ko to maisasauli kay kian.

Maitanong ko nga mamaya kay deys. Kung saan ang room nito...

Pumasok na ako sa aming silid, at nadatnan ko si roven na nakaupo sa silya nya...

"Aga! Natin ah!". Bati ko.

Pero ang loko! Tinarayan lang ako!, aba! Lakas ah!

"Tss". Inismiran ko nga rin! Ha! Kala nya ah! Siguro may Pms (premenstrual syndrome) nanaman tong lalaking to.. O baka may problema?.

"Huy! Problema mo?!". Tanong ko.. Pero hindi parin ako pinapansin. Napakamot na lang tuloy ako sa batok.. Huy! Wala akong kuto ah! Kaya nga batok eh!!.

Pero di parin ako pinapansin... Hanggang sa matapos na ang klase at lunch break na. Hays.. Bago to ah. Walang nangungulit... Bahala nga sya.

Nasa cafeteria kami ngayon. At kasaluyang nag chichitchat or should i say gossiping haha. Eh ito naman kasing mga kaibigan ko lalo na to si coleng, lakas makapag chismis.

Katulad nito..

"Parang tanga yang babaeng yan!".

Turo nya dun sa babaeng naka glasses na pang nerd.

"Feeling nerd amp*ta!, e hindi naman matalino sa klase... Kaklase namin yan eh!".

"Hahaha, baliw! Syempre baka malabo lang talaga mata nya!". Sabi naman ni mitch.

"Pwedi namang mag contact lense! Eh! Nakakaasar, kasi an tanga tanga nya!, parang may sarileng mundo lagi, kaya laging binubully eh, hindi nya alam na pinag chichismisan na sya at pinag tatawanan ng iba".

A Perfect TimeWhere stories live. Discover now