Chapter 7

51 1 0
                                    

NAG hintay ako ng mga limang minuto sa labas ng silid nila kian, grabe antagal ah!.pero worth it naman hihi, kasi nakausap ko pa sya kahit papano. :')

"Charline?". Gulat na sabi nya. Nang nakalabas na sya ng klase, nag pahuli ata sila ng mga kaibigan nyang lumabas, Kaya natagalan din.

"Ahmm... Hi? :)". Medyo pilit na ngiti ko.

"Mauna na muna kayo!". Sabi nya kala mark at nathan.

"Ok!" Sabay tapik ng dalawa sa balikat ni kyle at umalis.

"Hi!... Anong ginagawa mo dito?". Tanong nya.

Nakatulala lang ako sa kanya... Habang binibigkas nya yung mga salita na yun.

"Charline?".

"Ha?!" Gulat na tanong ko, saka lang ako natauhan...

"Ah ano! Ibabalik ko lang sana tong payong na hiniram ko...". Sabay ngiti ko sakanya.

"Ha? Pero, hindi ko maalala na humiram ka sa akin?". Naguguluhan nyang tanong.

"Ah, hindi kasi... Pano ba to.. Humiram kasi ako kay deys ng payong, then ang binigay nya saking payong eh yung hiniram ng pinsan nya sayo.. Na gets mo? Kaya yun... Pasensya kana kung hindi ako nakapagpaalam". Sabay kamot ko sa ulo...Huy! Wala nga akong kuto! Mannerism tawag dito. (Sabay irap sa mga nag babasa) haha.

"Ah... Hindi ka na sana nag abala pa". Sabay ngiti nya...

Napakurap ako.. Tae! Ampogi ng dimple nya. May naalala tuloy ako... Aishhh! Erase erase! ...

"Naku!, okay lang ito oh!" Sabay abot ko ng payong.

"Salamat!". Sabi nya.

"Ahmmm..."

Napataas naman sya ng kilay. Na parang hinhintay pa yung susunod kung sasabihin.

"Ah.. Matanong ko lang pano mo nalaman yung pangalan ko?".

"Ha? Di ba pinakilala ka ni mark kanina?".

"I mean... Hindi naman nya sinabi yung full name ko.. Kate lang yung sinabe nya". Kate lang ! KATE, so pano mo nalaman... Wag mong sabihin stalker ka... Jusmi! Don't assume things kate pls.

"Ah. Yun ba". Sabi nya na napakamot pa sa sentido nito. At napaiwas ng tingin.

"Kasi... Ano.. Nasabi lang ni mark yung mga buo nyong pangalan, kaya ganun". Sabay ngiti nito

"Ahhhh.." Sabi sayo kate, hindi sya stalker, wag ka nga! Ang feeling nito.. Hays. Ano ba to.

"Bakit nga pala charline tawag mo sakin? Masyadong mahaba mas prefer ko kung tatawagin mo akong kate".

"Ah, ganun ba? Gusto ko lang. Para maiba naman". May ibinulong pa sya pero, hindi ko na naring yung dulo...

"Ha?".

"Ahmm.. Pero kung gusto mo kate na lang itatawag ko sayo".

"Ay naku! Hindi okay lang sakin hihi". okay lang kahit ano pa itawag mo sakin. Gusto mo baby, babe, love, pa yung itawag mo sakin eh! Hihi biro lang..

"Charline?"

"Ay butiki!"

"Hahahaha!" Natawa naman sya dahil sa gulat ko.

"Ano ba yun?".

"Nakatulala kana kasi jan, hahaha pasinsya na kung nagulat kita.. "

"Ay.. Hihi sige na una na ko!". Sabay ngiti ko sakanya at umalis...

"Sige bye!". Kumaway pa ito sakin habang paalis nako...

***

Paguwi ko ng bahay agad akong nag ligpit ng mga dadalhin para sa sleep over mamaya. Nakaka excite at nakakamiss!. Nakapag paalam narin ako kala mudra at pudra na hindi muna ako dito matutulog, at pumayag naman sila.

A Perfect TimeWhere stories live. Discover now