Chapter 10

46 0 0
                                    

NAGLALAKAD ako ngayon sa corridor patungo sa klase. Medyo nahihikab pa nga ako habang nag lalakad. Hindi kasi ako nakatulog kagabe kung ano ano kasing kaharutan ang pumapasok sa isip ko. Haha. Biro lang! Paano kasi nagbasa pa ako ng story sa wattpad yung 'accedentally in love?' By grey sick. Try nyo isearch at basahin haha.. Medyo cliché sya, pero nabilib lang ako dun sa babae kasi, kaya nyang magtapat ng nararamdaman nya kahit na nareject na sya noon.. Aww..

Kaso ampangit lang kasi, bat ganun? Babae na ba talaga ang kailangan mag tapat? Parang nakakahiya naman yun, ganun naba ngayon? Ganun naba katorpe ang mga lalaki at kailangan pang babae ang unang gumawa ng paraan? Hays.. Kung ako yun! Hindi ko gagawin yun. hinding hindi ko sasabihin o aaminin sa taong gusto ko. Bahala na lang siguro kaming mag hintayan. Haha

Pero ito nga, habang pasimple akong humihikab habang nag lalakad, alam nyo yun? Yung feeling na hihikab ka pero hindi mo pinapahalata, kaya lalaki lang yung butas ng ilong mo tas maluhaluha kapa haha,

"Hey!".

"Ay! Gustokita!". Ay! Potek na yan! Akala ko ba kate hindi mo sasabihin? Jusko! Eei! Nabigla ako eh!.

"Ha?". Sabi ni kian. Bakit ba kung saan saan na lang sya sumusulpot? Ha?!

"Ha?! Wala...teka papasok kana?".

"Oo". Sabay ngiti nya. Natulala ako sa labi nya. At biglang namula ang mukha.

"Oh? Bakit may lagnat ka ba?".hahawakan nya sana ang noo ko, pero inilag ko ito.. Nagulat naman sya sa ginawa ko. Kahit ako nagulat din e. Ayoko lang kasi na malaman nyang iba ang dahilan ng pamumula ko.. Kaloka!

"Ah, pasensya na".

"Naku! Hindi! Ano.. wala akong lagnat! Nag lagay kasi ako ng blush on kanina hihi".

"Ahh. Ganun ba? Haha nga pala papunta kana ba sa room mo?".

"Oo". Parang tanga naman tong mga estudyante sa paligid ko ano? Ngayon lang nakakita ng maganda't gwapong nag uusap? Tsss. Makatitig kasi parang gulantang na gulantang...

Oo nga pala hearttrob pala tong katabi ko tsk. Ayoko talaga sa lahat ng attensyon lalo na kapag ang binibigay nilang attensyon ay negatibo para sakin. Hays.. Siguro nag tataka sila kung bat kami mag kasama e nung nakaraan lang inakala rin nila na mag kasama kami. pero di nila alam na mag kasabay lang talaga kami sa pag lalakad nun. Ni hindi ko pa nga sya nakakausap nun e. Pero parang ang bilis ng pangyayari kasi kung dati, hanggang tanaw lang ako sa kanya. Ngayon nakakausap ko pa sya.

"Hatid na kita".

"Naku wag na! Pumasok kana sa room nyo baka malate kapa. At baka mabugbug na ako sa mga tingin nila sakin". Hininaan ko lang yung huling sinabi ko.

"Ha?".

"Sige na mauna kana!".

"Okay lang, may 10mins pa ko bago mag start ang klase!". Sabi nya at ngumiti ulit.

Bakit ito pala ngiti, pero yung isa... Arghhh erase erase..

"Naku! Wag na may 10 mins kapa para makipag bond sa mga kaibigan mo".

"Nope! I insist... Halika na!".

"T-teka! Arayy..".

"Bakit?" Sabay tingin nya sa siko na may bandaid..

"Napano yan?".

"Ah. Ito hihi dahil sa katangan ko hihi".

Nakatingin lang sya sakin.

"Patingin nga". sabay hawak nya sa siko ko.

Nakatitig lang ako sa kanya, yung pag oobserba nya sa siko ko, shet! I want to melt right here right now. Jusko! Napapa english na ko. Kitang kita ko yung pag siside view nya ng mukha. Yung tungki ng ilong nya. Perfect! Yung panga. Yung manipis at mapupulang labi sh*t what am i thinking?. Kaya bago pa ko mawala sa huwistyo, ay! nawala na pala ako. Agad kung binawi ang siko sa kanya..

A Perfect TimeWhere stories live. Discover now