Chapter 5

102 19 2
                                        

A/N Sa dinedicate-an ko, thank you po sa pagbabasa. :)

~*~

Hindi ko napigilang panghinaan sa natuklasan.

Idagdag pa ang kung anu-anong napagdaanan ko, na tila ba biglang bumaliktad ang aking mundo.

Muntik na akong matumba, kung hindi ako nakahanap ng pagkakapitan.

Siya namang pagyugyog ng lamesang nahawakan ko—dahilan para matumba ang vase sa ibabaw nito.

"Sino 'yan?" Boses iyon ng gobernador.

Mabilis ang mga yapak na papunta sa akin. Bumukas ang sliding door sa balkonahe at niluwa niyon si Adrienn.

"Miss Olivar," dismayado nitong sabi.

Sunod na lumabas si Gov. Lucio. "JD? Anong ginagawa mo dyan?"

Isiniwalat nila sa akin ang mga nangyari.

Simula pagkagaling sa paaralan ay hindi na nakauwi si Maine. Wala itong paramdam ni pagtawag.

Sinubukang i-track ni Adrienn ang lokasyon ng cellphone nito, ngunit wala ring resulta.

Nawawala si Maine.

"Posible kayang naglayas siya?" Ibinaon ni Gov. ang kaniyang mukha sa kaniyang mga palad.

"Wala naman siyang nabanggit sa 'kin," tugon ko. "Kung mayro'n man, mapapansin ko 'yon."

Bumalik ako sa ospital nang walang napala at mabigat ang loob. Kaya naman pala ganoon na lang ang pag-aalala ko kay Maine.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kaniyang masama.

Binago ko ang mga pangyayari sa pagbalik ko sa panahong ito. Kung hindi dahil sa akin, dapat nasa bahay na siya.

Idagdag pa si Nanay. Nakausap ko ang doktor.

Kailangan ni Nanay ng maintenance para tuluyang mawala ang bacteria na nagdudulot ng TB.

Hindi na sasapat ang perang nahiram ko mula kay Tiyang.

Kailangan ko nang gamitin ang natitira kong kahilingan.

Bumalik ako sa rooftop. Hinaplos ko ang palayok.

Lumabas si Chen.

Kagaya ko, tila pinagsakluban siya ng langit at lupa.

Nakasimangot siya, mas lalo pang nagmumukhang masungit dahil sa singkit niyang mga mata.

Pero gwapo pa rin.

"O bakit?" tanong ko.

"Istorbo ka. Natutulog ako, mortal."

"Aba't—" Nagtimpi ako ng sarili. "Dapat nga'y magalak ka at sasabihin ko na ang sunod kong kahilingan."

Humalukipkip si Chen. Nakangisi siya—iyon bang ngising tila nababagot.

"Sigurado ka bang gusto mong gawin 'yan? Kapag natapos na ang mga kahilingan, hindi mo na 'ko makikita."

"E ano naman?" bulalas ko.

Nag-uusok na yata ang aking ilong sa inis sa lalaking 'to.

"Bahala ka. Binabalaan lang kita."

Inirapan ko siya.

"Bumalik ka na nga muna sa palayok mo!"

Kibit balikat siyang sumunod sa akin.

At ako na namang muli mag-isa rito sa rooftop.

Kung nandito lang si Tatay, tiyak akong alam niya ang gagawin. Alam niya kung saan magsisimula para mahanap ang kaibigan ko. Hindi rin kami magkakaproblema sa gamot ni Nanay.

Genie and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon