Chapter 2

113 25 4
                                        

A/N To the one I dedicated this chapter to, salamat sa suporta sa story na to :)

~*~

Pagmulat ko ng aking mga mata, nasa harap ko si Maine.

May ikinukwento siya tungkol sa isa niyang kaklase—si Brennan.

Panay raw ang pangungulit nito sa kaniya na makipag-date kanina habang nag-eenroll sila.

Takte?

Nangyari na 'to a?

Narito kami sa tapat ng school niya, nakaupo sa isang carinderia habang umiinom ng softdrinks. Oo. Sigurado akong nangyari na ito.

Habang nagsasalita siya ay hindi naman ako magkandaugaga katitingin sa paligid.

Mataas ang tirik ng araw. Wala si Jomar at Nanay. Wala ang kambal.

Ang narito lang ay ang palayok na aking yakap.

Anong nangyayari?

"Teka, sa'n nanggaling 'yan?" usisa ni Maine. Nakaturo siya sa palayok.

Muntik ko na itong mabitiwan sa pagkagulat. Sa halip, napatayo na lang ako—natutuliro pa rin.

"Hindi ba grounded ka?" tanong ko sa kaniya.

Bakas ang pagkalito sa mukha niya.

"A-anong araw ngayon?" dugtong ko nang hindi siya sumagot.

"Tuesday. June 5. Ano bang nangyayari sa 'yo, JD?" Inabot niya ang braso ko sa pag-aalala.

"Pumayag ka, 'di ba?"

"Ha?"

"Sa date. Pumayag ka, 'di ba?" Nataasan ko siya ng boses. Hindi ko naman sinasadya pero nababahala talaga ako. Kailangan ko ng kasagutan.

May pag-aalangan siyang tumango.

"Sa Regal Brews, 'di ba?"

"Pa'no mo nalaman?"

Tila umikot ang tiyan ko sa narinig.

Totoo nga ang hinala ko. Bumalik ako sa kahapon.

Kagaya na lang ng hiling ko.

"Huy, ayos ka lang?" Naramdaman kong hinapit ako ni Maine sa katawan niya para alalayan ako dahil sa biglang panghihina ng mga tuhod ko.

Hindi man ganoon ka-epektibo, pinakalma ko ang sarili ko saka tumango.

Kailangan ko ng kasagutan, at sa hindi malamang kadahilanan, alam kong may kinalaman sa kababalaghang nangyari ang palayok na ito.

"'Wag kang sasama kay Brennan. Hindi ka mag-eenjoy." Niyakap ko siya at akmang aalis para tuklasin ang misteryong ito.

Nahawakan niya kaagad ang siko ko. "Sigurado kang ayos ka lang? You can tell me anything." Naroon sa mga mata niya ang genuine concern para sa akin.

Kung titingnan, magkaibang-magkaiba naman talaga kami. Gayon pa man, pinagpapasalamat ko na nakilala ko siya. Para ko na rin siyang kapatid. Para ko na siyang pamilya.

Nginitian ko siya. "Oo naman."

Nagmamadali akong umalis. Walang destinasyon sa isip ko pero patuloy ang mga binti ko sa pagtakbo.

Mabigat ang palayok ngunit mas mabigat ang mga katanungan sa isip ko.

Hanggang sa nakarating na lang ako sa isang eskinita, at sa pagmamadali ko ay napatid sa bato sa harap ko.

Tila tumigil ang oras. Nakita ko kung papaano tumilapon mula sa mga kamay ko ang palayok, at ang nagbabadyang pagbagsak ko sa lupa.

Hinanda ko ang sarili ko sa sakit.

Genie and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon