Chapter 6

38 5 1
                                        

Nagising ako sa pagtatalak ng akin tiyahin. Marahil ay tungkol sa utang ko sa kaniya.

Bahala siya. Ang gusto ko ngayon ay magpahinga at wala siyang magagawa roon.

Nang maalala kong bigla...

Mabilis akong bumangon at lumabas sa kinaroroonan ni Tiyang.

Mayroong lalaki roon sa pormal na kasuotan.

Ngumiti siya nang makita ako. Binabati ako dahil nanalo raw ako sa isang raffle.

Huh. So sa ganitong paraan pala ibibigay sa akin ni Chen ang hiling ko.

Ipinangbayad ko kaagad sa ospital at sa mga utang ang natanggap kong pera. Bumili na rin ako ng gamot para kay nanay.

Labis ang galak niya, hindi dahil sa maipagagamot na siya, kundi dahil secure na raw ang future naming magkakapatid. Wala na siyang ibang inisip kung hindi kami.

Ang natira namang pera, inilagay ko sa bangko para nakatabi lang habang hindi kailangan.

Sa sobrang busy ko ngayong araw, hindi ko na napasalamatan si Chen. Hindi pa rin naman siya nagpapakita kaya hinayaan ko na lang. Baka abala rin siya kung na saang dimensyon man siya naroon.

Gusto ko pa man sana na mag-celebrate kasama siya. Kahit kumain lang kami sa labas, gano'n. Teka, kumakain baa ng mga genie?

Pauwi na ako para magpahinga. Papalapit ako sa bahay nang makita ang dalawang pulis na nag-aantay sa labas.

Tatay?

Hindi ko maiwasang maisip.

Nahanap na ba siya?

Tumatakbo akong lumapit sa kanila.

Lumingon sila sa akin. Diretso ang ekspresyon nila.

Hindi magandang balita.

Bumagal ang pagkilos ko. Baka mas mabuting hindi na lang malaman ang totoo.

"Ma'am, ikaw ho ba si Juliet Danica Olivar?" tanong ng isa.

Bago pa 'ko makasagot, may lumabas na lalaki mula sa bahay.

Mahaba ang buhok nitong nakapuyod. Nakasuot ng payak na shirt at pantalon. Nakatitig ang singkit na mga mata sa akin.

Si Chen.

"Kanina pa kita hinihintay, JD," sabi niya sa akin, nakahalukipkip.

Anakngtinapaanggwaponiya.

At hinihintay niya 'ko? Bakit?

Inagaw ng isa pang pulis ang atensyon namin nang kunwa'y umubo ito. "Iimbitahan sana namin kayo sa presinto. May mga katanungan lang kami tungkol sa pagkawala ni Romaine Monteverdi."

Teka, tatanungin ako? Suspect ba 'ko?

Pumagitna si Chen sa akin at sa mga pulis. Hindi ko na sila makita habang nakaharang ang malapad niyang likod.

"May warrant ba kayo kay JD?" mapangbintang na usisa ni Chen. "Kung wala, hindi siya sasama sa inyo."

"E may itatanong lang ho sana kami. 'Wag naman ninyong masamain. Gusto lang naming malinawan."

"Hindi. Siya. Sasama," mariing sabi ni Chen.

Pinagbibintangan ba nila ako sa pagkawala ni Maine? Bakit, porque ba mahirap lang ako?

Pwes, patutunayan ko sa kanilang wala akong alam doon.

"Okay lang, Chen. Baka makatulong din ako sa paghahanap kay Maine."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Genie and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon