🐾 Chapter 17 🐾

5.1K 143 0
                                    

Ariadne's POV

Nang pumasok ako kinabukasan ay hindi ko inaasahan na pupunta uli doon si Hunter. Naabutan ko ito sa may private office ko. 

Pinapasok na ito ng receptionist at doon nalang pinaghintay.

"Still volunteering?"

Tumango ito. "And I bought breakfast for you and the big boy."

Doon ko lang napansin na katabi nito sa sofa si Mockito. He looked comfortable beside Hunter.

"Nag-abala ka pa."

"No problem. So...what's up today?"

Kumagat ako sa egg sandwich na dala nito. "Meron kaming free rabies vaccine, spay, neuter, and deworming drive. Medyo maraming barangay pupuntahan namin."

"Can I join?"

"Hindi ba kaya ka talaga nandito?" Nakangiting tanong ko rito. "Bakit parang napapadalas ka ata rito?"

Hinaplos nito ang ulo ng aso ko. "I still have a few weeks before I start rehearsing for my concert. I'll be busy. Baka ma-miss mo ako."

"Medyo makapal yung mukha mo ngayon." Talaga ba Ariadne? Hindi ba mamimiss mo talaga siya?

"You can always use a free hand right?"

***

Nasa van kami ngayon papunta sa unang barangay. 

"Buti may volunteer tayo ngayon no?" sabi ni Tim, isa sa mga staff namin.

"Pwede ka ba naming maging endorser ng clinic? Ang gwapo mo po kasi." sabi rin ni Mela. 

Natawa si Hunter. "You can...free of charge..." tumingin ito sa gawi ko.

"Ay nakakaexcite naman ito. For sure maraming pupunta ngayon. May kasama tayong celebrity." daldal ni Mela.

"I don't think he can actually show himself in public. We are there to provide service. Not entertainment." seryosong sabi ko.

"Sorry doc. Na-excite po ako."

"It's okay. Mag-ready na kayo. Malapit na tayo."

Hindi nga nagtagal ay nakarating na kami sa barangay. Nakitulong si Hunter sa pag-aayos ng mga mesa at iba pang kagamitan namin. 

Marami nga ang pumunta at buti nalang nasa tabi ko si Hunter para tumulong.

"So how frequent do you do this?" tanong nito sa akin.

"Twice a year. Marami kaming narerescue sa areas na ito. Yun ang prinapriotize namin na serbisyohan ng mga ganito. Marami kasi dito na hinahayaan yung mga alaga nila na manganak ng manganak pero hindi maalagaan. May mga cases din na may nakakagat at hindi pala vaccinated yung mga aso nila. Optional naman ito for the pet owners."

"You love animals?"

Napatango ako. "Yup. I do. Chad and I share the same love for them kaya napagkasunduan namin na magtayo ng clinic. We have VIP clients that sponsor these kind of drives."

"You're a good doctor."

Napangiti ako. "Naniniwala ako na ang tao kapag mabait sa mga hayop, may busilak talagang kalooban. Nakakalungkot lang na may mga tao na pinagmamalupitan ang mga hayop." Napatingin ako rito. "Natatakot ako Hunter."

Kumunot ang noo nito. "Why?"

"I am part of a task force para huliin ang mga nagsasabong ng mga aso. Nung first time ko, I received a couple of death threats dahil sa pagpapasara sa mga negosyo nila. But...how could I let those animals stay with those people?

Hinawakan nito ang balikat ko. "Are you still participating?"

Tumango ako. "Actually bukas, may operation sila. Kailangan namin sumama para madala nila ang mga aso ng maayos sa clinic. May times na maayos naman pero may times na nagiging delikado lalo na pag nakikipag-palitan na ng putok ng baril ang mga sangkot."

Pinaharap ako nito. "Please tell me you'll be safe okay? Do you need me to be with you?"

Napatingin ako sa mukha nito. Bakas ang pag-aalala sa gwapong mukha nito. 

"I will be safe, Hunter." Nginitian ko ito. "I'm with the best people."

"I'll go with you."

"Pero Hunter-"

"No protesting. I'll come with you. I want you safe okay?"

Kung hindi ko lang alam ang tunay na relasyon namin, iisipin kong may nararamdaman ito sa akin. I felt that he cared. Unlike Vito, hindi niya ako pinigilan. Instead, he will be with me to keep me safe.

Tinanguan ko ito. "Yes."


***To be continued***

Elites 3: Hunter Reyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon