🐾 Chapter 12 🐾

5.6K 167 1
                                    

Ariadne's POV

By 8am ay nasa lobby na ako ng condo. Naka-black jeans at white cropped shirt lang ako. Maliit na fanny pack lang din ang dala kong bag. Dinaanan nalang ni Chad si Mockito para isama sa clinic.

Nang makita ko ang pamilyar na sasakyan ni Hunter ay kusa na akong lumabas. 

"Hi Doc Pretty!"

"Good morning, Mia."

Nang lingunin ko si Hunter ay nakashades ito. He was just wearing a white v-neck shirt and black jogging pants. Gosh, paanong hindi magkakandarapa ang mga babae sa lalaking to? Amoy palang sheeeet....ulam na.

"Good morning, pretty."

"Huwag ka nga diyan Hunter. Si Mia lang tatawag sa akin ng ganun." Natatawa kong sabi.

"Daya."

Mas lalo akong natawa sa sagot nito. Nang tanungin ko kung saan kami pupunta ay ayaw naman nitong sabihin.

"Did you have breakfast already?"

"I had coffee."

"Mia, you want to have breakfast?" tanong nito sa bata.

"Yes, Uncle!"

Tumigil kami sa isang donut chain. Hawak ko si Mia nang pumasok kami. Pumunta si Hunter para mag-order. Nang makita ko ang ayos ni Mia. 

"Uncle mo ba yung nag-aayos sayo?"

Umiling ito. "I fix myself po."

Kinuha ko ang suklay ko at i-br-in-aid yung buhok nito. Pagkatapos ay lumuhod ako para ayusin ang shoe laces nito.

"Do you know how to tie your shoelaces baby girl?"

Muli ay umiling ito. 

"O, watch me ha. You hold these two, dapat pantay sila. Then you tie them together like this." Ipinakita ko rito kung paano buhulin iyon. "Then hold these two like Mickey Mouse ears. Then tie them like this." Ipinakita ko ulit. "Easy right?"

Ipinasubok ko rito ang pagtatali doon sa isa at nakuha naman agad nito. Hindi namin napansin ang pagdating ni Hunter dala ang mga pagkain.

"Hindi mo man lang ayusan pamangkin mo." Tinignan ko ng masama si Hunter.

"How should I know?"

Pinaikot ko ang mga mata ko. Tahimik kaming kumain. Pinunasan ko ang bibig ni Mia nang paalis na kami.

"Doc Pretty, ako rin." Nagpapa-cute na sabi ni Hunter. Gago talaga to. 

"Hunter-"

"Sige na Doc Pretty. Mabait naman si Uncle."

Napabuntong-hininga nalang ako nang makitang magkindatan ang dalawang mag-uncle. Ano ba itong napasok ko.

***

So ayun nga sa isang amusement park pala kami pupunta. Honestly, I have never been to any amusement park. Feeling ko kasi I am too old for that. 

Dahil may kasama kaming bata, hindi namin mattry yung extreme rides. Marami-rami naman kaming nasakyan. May mga shows din na offered kaya nanood din kami.

Sobrang nag-enjoy kami at kulang pa ang isang araw para mapuntahan namin lahat ng gusto naming puntahan.

Ang dami naming pictures na tatlo. Kung hindi kami kilala ay aakalain mong isa kaming pamilya. 

Elites 3: Hunter Reyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon