Ariadne's POV
Pagkatapos kumain ay nag-antay ako sa sala. Tinitignan ko ang mga litrato doon. Kinuha ko ang frame kung saan nakalagay ang toddler picture ni Hunter.
He looked cute with his red cap, blue jumper over his white shirt. He was smiling cheekily. I can't have a little version of him. Ever.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang isang luha mula sa mga mata ko. Nakita ko ang biological mother ni Hunter na nakatunghay sa akin. Mabilis kong pinahid ang luha ko at ibinaba ang picture ni Hunter.
"What's wrong honey?"
I guess there is no point holding back. They will eventually know anyways..."I might not be able to bear a child. Nung nakita ko yung picture ni Hunter, it pained me to think that I won't be able to have a little version of him or me."
Iginiya ako nito paupo sa sofa.
"I grew up lonely because I lost my parents early. I have always wanted a big family. Kaya sobrang sakit na baka hindi ko kayang mabigyan ng anak ang mapapangasawa ko."
Hinagod nito ang likod ko. "There... there sweetie. You know what, not having a child doesn't make you a bad person. It should not make you less of a woman. You can still be a mother to a child."
Napayuko ako. "It's just that, gusto ko ma-experience kung paano ang mabuntis...manganak."
"Does Hunter know?"
Tumango ako.
"And he's okay with it?"
Tumango ako uli.
Napangiti ang ginang. "I always thought that Hunter is a hopeless case you know? Hindi ko na mabilang kung ilang babae na ang naka-date niya. I am worried that he'll grow up like that. Not experience true love. Not experience to be cared for genuinely." Ginagap nito ang kamay ko. "You taught my son how to love. Love for real."
"It just happened po. I never expected na magiging ganito kami. We just started out as friends. He wanted me to be better. To improve myself. To become stronger. I did. But in the process, I guess...unti-unti na po akong nahulog sa kanya."
"I hope you don't give up on my son."
Nginitian ko ito. "I won't. I... I love him."
***
Nakaupo ako sa isang cafe. Weekend ngayon kaya hindi ako pumasok sa clinic. Nasanay na ata akong kasa-kasama si Hunter kaya wala akong magawa ngayon. Lumabas lang ako ng condo para hindi ako masyadong ma-bore.
Napatingin ako sa TV nang marinig ko ang pangalan ni Hunter.
World renowned EDM artist Hunter Reyes rocks Singapore in his first leg of concert.
Pinapakita ang ilang kuha sa concert ni Hunter. Ang dami ngang tao ang pumunta. He looked good in his pictures.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang may isingit na short interview dito.
"How was your first concert after your break?" sabi ng interviewer.
"It feels nice to be performing again. I missed the energy and the people." Oh how I miss your handsome face. And voice.
I haven't heard from him for a while now. Alam kong busy ito pero hindi ko mapigilan ang malumbay kahit papaano.
"The last time we met you were still single. Have you met someone while you were on a break?"
Ngumiti ito ng makahulugan. "I did, yes."
"Is it safe to say you are off the market now?"
Mas napangiti ito. "I don't want her to get mad so, yes I'm off the market."
Nakaramdam ako ng kilig. So hindi naman pala nito tinatago ang mayroon kami. He even looked like he was proud to have me.
"Can we get a name, Hunter?"
Umiling ito. "I value her privacy so, I won't drop a name."
"Well, for the girls out there, Hunter is off the market!"
Natawa ako. I look forward to the day that I get to see him again.
Kinagabihan, nakatanggap ako ng isang tawag.
"Hello?"
"Hello, babe."
Napatigil ako. Hindi ko alam kung totoo ba yung naririnig ko o guni-guni ko lang.
"Ariadne? Still there?"
"Y-yes."
"Sorry ngayon lang ako nakatawag. It has been a hell month for me."
"Okay lang iyon. Nakakapagpahinga ka pa ba?"
"Nawala nga yung pagod ko nang marinig ko ang boses mo. I wanna go home and see you already."
Napangit ako. Para itong batang nagtatantums.
"Matagal ka pa bago makauwi. Magconcentrate ka na muna sa concert mo."
"God I miss you so much."
"I miss you too."
"I don't know when I can call you again, babe. Just know that I love you okay?"
"Yes."
Bumuntong-hininga ito. "Jacob is calling me. I'll call you soon, babe."
Nakatingin pa rin ako sa phone ko kahit nag-end na yung call.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Sobrang miss na miss ko na ito.
***To be continued***
BINABASA MO ANG
Elites 3: Hunter Reyes [COMPLETED]
RomanceElites Book 3 Hunter doesn't believe in love. Kahit may successful love stories na ang mga kaibigan niya ay hindi pa rin niya magawang maniwala. Ayaw niyang magpakatanga sa isang babae lang. Para sa kanya, ang mga babae ay pwedeng-pwedeng palitan ka...