Ariadne's POV
Nang magising ako kinaumagahan at nakita kong tulog na tulog pa si Hunter. He was still softly snoring.
Napasulyap ako sa kalendaryo at napangiti. Mabilis akong naligo at nagtungo sa pinakamalapit na bakery sa condo.
"Ate may dedication cake po ba kayong available diyan?"
"Yes Ma'am. Pakisulat nalang po yung message sa paper."
Excited kong sinulat ang message na ipapalagay ko sa cake. Nakabalik ako sa condo ng alas onse.
Napatingin ako sa treadmill ko na parang inaaya ako. Naisip kong magtreadmill muna saglit kahit 30 minutes lang. Nagpalit ako ng sports bra at leggings.
Nang matapos ako ay sumilip ako sa kwarto ay tulog pa rin si Hunter. Yakap pa nito ang unan ko. Pagod na pagod ata talaga ito.
Napansin kong nagriring ang phone ni Hunter at nang makita na si Jacob iyon ay sinagot ko.
"Hunter, you did not have to walk out on me last night! Ang daming naghahanap sa iyo!" Bumuntong-hininga ito. "But as promised, I will give you your two-week break. After that, we'll resume your commitments immediately."
"Uhm...Jacob, si Ariadne to. Irerelay ko nalang sa kanya ang message mo. Tulog pa kasi siya eh."
"Oh. Sorry about that. Hunter has been difficult since we got here. It's my fault don't worry. He begged me to let him see you but I want his undivided attention until his last concert ends."
Napangiti ako. Parang natunaw lahat ng tampo sa puso ko. Akala ko talaga binalewala ako nito kahit pwede naman na kaming magkita.
"I understand. Thank you Jacob."
Nang maibaba nito ang telepono ay pumunta na ako sa kusina para maghanda muna ng almusal. O brunch na dahil 12:30 pm na.
Dahil natuto na akong magluto kahit papaano ay naghanda ako ng egg roll, smoked bacon, toasted wheat bread, at vegetable salad.
Habang inaayos ko ang mga pagkain sa hapag ay naramdaman kong may pumalibot na mga braso sa beywang ko.
"You look so hot in your sports bra, babe."
Nakiliti ako nang halik-halikan nito ang mga balikat ko. Hinarap ko ito at mukhang nakaligo na ito. Nakatapi lang ito ng tuwalya.
"Good morning!" masayang bati ko.
He greeted me back with his scorching kisses. His hand went on my neck to pull me closer. His other hand went to caress my sides.
Dahil na rin sa 'tutorial videos' na nirecommend sa akin ni Chad ay mas may kaalaman na ako sa pakikipaghalikan.
I kissed him back with equal fervor. My tongue excitedly played with his as my hands knotted on his wet hair. He pulled me closer and I felt his raging arousal.
Marahan ko itong tinulak. "Gutom na ako. Ang tagal mong magising eh."
Mahina itong natawa. "I was dead tired." Sinulyapan nito ang mga niluto ko at napalunok ng malakas.
Tinapik ko ito sa balikat. "Those are edible. Dinadalhan ko lagi si Chad niyan. Dapat sinabi mo sa akin noon na maalat ang nailuto ko. Pinagtiyagaan mo tuloy."
Napakamot ito sa batok at nahihiyang ngumiti. "I didn't want to hurt you."
Pinaupo ko na ito at hinainan. Umupo ako sa kandungan nito at sinubuan ito. "There, is that better?"
BINABASA MO ANG
Elites 3: Hunter Reyes [COMPLETED]
RomanceElites Book 3 Hunter doesn't believe in love. Kahit may successful love stories na ang mga kaibigan niya ay hindi pa rin niya magawang maniwala. Ayaw niyang magpakatanga sa isang babae lang. Para sa kanya, ang mga babae ay pwedeng-pwedeng palitan ka...