ng lumabas si liam na naka costume pa na pang pari binulungan sya ng lalaking binulungan ni sara.
nagulat ako ng ngumiti si liam at hinubad ang costume na pang pari at sinuot yung barong..
saka naman lumapit ulit si sara at linagay sakin yung kunwaring belo ng ikinakasal. nakangiti si sara sakin sabay sabing ayan ha, dahil tumaas ang algebra ko kaka turo mo sakin regalo ko sayo tapos kinurot nya ko sa bewang at itunulak nako kay liam
dali na magpakasal kana pangarap muyan alam ko. hahah
speech less padin ako, pero siempre hindi nako nag patumpiktumpik lumapit ko nakay liam tapos ngumti,
tapos umaarte arte pa ko na sorry ah pasensya na si sara kase adik ee
sori talaga ha pati tuloy ikaw na abala. deep inside kinikilig nako hangang bituka,
ngumiti si liam tapos pinisil nya yung kamay ko na ngayon kulang namalayan na hawak nya pala shet na malagkit ng dahil sa kalndian ko hindi ko man lang napansin holding hands pala kami omg....
siempre hindi kayo kasal kung walang kiss the bride.. alam ko naman na hindi ako hahalikan ni liam dahil nakiride lang sya kay sara pero wag kayo mga te hinalikan nya ko ng bongang bonga.
ung kanina na kilig ko hangang bituka ngayon sumagad na hangang buto hahahhaha
pagkatapos nya kong halikan ngumiti sya ng napakatamis sakin at siempre sinuklian kudin ng ngiti na may halong paglalandi. hahah
pagkatapos ng kasal aalis na sana ko para hanapin si sara ng tawagin ako ni liam violet..
luumingon ako, tapos nakangiti padin sya tinanong nya ko kung pwede daw ba nya kong ligawan...
at siempre nd nako numarte arte pa oo kagad ang sabi ko ligaw palang naman e. haha..
pag katapos non nag paalam na sya sakin ang sabi nya
asawa ko babalik na muna ko dun sa marriage booth ha kailangan nila ng pari ee.. tapos umalis na sya..
kung kanina ung kilig ko umabot na sa buto ngayon nasa bone marrow na ng buto sumagad. hahahhaha
alam ko na ngayon kung bakit simula kaninang nagising ako ay masaya ako etu pala yun!
binalikan ko na si sara sa harapan ng quadrangle meron kasing upuan dun panigurado andun sya,. exited na kong i kwento sa kanya si liam sigurado akong mas malakas pa ung tili nya kesa sakin.
nang makita ko si sara nakaupo at nakita nya din ako nginitian na nya ko wala pa kong kinukwento malamang nararamdaman na nya ung aura, ko
masaya kong kwinento kay sara ung sinabi sakin ni liam tama ang hula ku titili sya ng titili. luka luka din kasi ang babaeng itu e.
pero bigla nalang lumuungkot ung mukha nya.
natanong ko tuloy,
pards yung tutuo my gusto ka din kay liam?
sira ka talaga pards wala bakit mo natanong kanina lang kasi ang saya saya mo para sakin tapos bigla nalang lumungkot ung mukha mo,
nakita ko kasing dumaan si anton naalala ko ung eksena kanina sa quadrangle.
anong nangyari?
si ivan binasted sya ni stacy, kasi kanina nakita ko si ivan na may dalang flowers at teddy bear para kay stacy jan sa gitna tapos binigay nya e kaya lang pag kabigay nya ang sabi ni stacy nagkabalikan daw sila ni nico ung boyfie nya. tapos humingi sya ng sorry kay ivan. ayun si ivan di ata ineexpect na hindi sya sasagutin ni stacy
nagwalkout tapos pinagtitinginan sya lahat ng tao kaya parang medjo napahiya, narinig ko kanina na pinaguusapan sya nung mga kaibigan nila stacy ang sabe ginamit lang daw ni stacy si ivan para pag selosin si nico yun nalulungkot talaga ako para kay ivan..
alam kung hindi kami magkaibigan ni ivan pero pangit ng ginawa sa kanya ni stacy parang ginamet lang mga ganon sabi ko nalang kay sara wag na syang magalala matanda na si ivan kaya nya un babae lang si stacy madami pa naman jan iba.
bumugtung hinga lang si sara halatang nalulungkot sya para sa pinsan nya.
oookey din yun pards wag kana mag alala.
tumago nalang si sara., umupu muna tayo dito napagod ako sa kwento mo e, ng biglang dumating si maam manuel tinawag nya si sara meron daw syang ipapakopyang lecture kay sara para sa monday. secretary kasi si sara sa clase namen kaya ayun inutusan sya ni maam manuel,
antayin kita dito ha? balik ka kagad pag tapos mo.
cge2 :)
naupo muna ko para antayin si sara, nanuod nalang muna ako sa mga naglalaro ng tennis.
10 minutes na ng nakakaraan wala padin si sara naisipan kong bumili muna ng maiinom sa canteen babalik nalng ako dito pagtapos kong bumili.
habang naglalakad ako papuntang canteen nadaanan ko ang hardin ng mga bayani ng school namin nakita ko si ivan naalala ko yung kwinento ni sara kanina lang
iniisip ko kung lalapit ba ko o hindi.
naiisip ko ng lumapit, sasabihin ko nalang na kalimutan na nya ung pustahan namin.
paglapit ko kay ivan tumingin sya skin
nasindak ako sa tingin ni ivan galit at lungkot ang nakita ko sa mata nya hindi ko alam bakit parang bigla akong natakot na nababahala kay ivan at ang masaklap pa sa sobrang taranta ko hindi ko napigilan ung bibig ko.
oi ivan balak mu bang palitan si rizal sa statwa nya?
huli na ang lahat para bawiin ko pa yung sinabi ko nadinig na ni ivan tinignan nya lang ako tapos hindi umiimik.
tapos bigla nalang syang nagsalita
oi chaka andito kaba para pagtawanan ako?
uminit ang ulo ko sa pambibintang nya. hindi ko naman sya pagtatawanan i cacancel ko pa nga ung pustahan e. hindi lang un tinawag nya pa kong chaka.
hindi ko na tuloy napigilan ang bibig ko sa pag ka bwicit.
kumag andito ko para manigil diba may pustahan tayo?
sinabi ko naman kase sayo na wala kang chance may pa fyi fyi kapang nalalaman nabasted kanaman.
huli nadin ang lahat ng maisip kong sumosobra na ang bibig ko
biglang namula ang buong mukha ni ivan tapos bigla nalang syang sumigaw.
ikaw violet napaka walang puso mo talaga nakita mo ng nagdudusa ako nakuha mupakong singilin at pagtawanan.
ikaw babae sinusumpa ko! walang lalaking magmamahal ng tutuo sayo. hindi sasaya ang buhay pagibig mo. iiyak ka din at magdudusa dahil sa pagibig. sinusumpa kong magiging masaya kalang kapag natagpuan muna at umibig kana sa lalaking may tattoo disney princess!!
hindi nako nagsalita hindi sa naniwala ako sa sumpa ni ivan kundi pulang pula sya kaya umalis nalang ako.
pagbalik ko sa quadrangle nandun na si sara kinuwento ko sa kanya ang nangyari tinawanan nya lang ako. ang bully ko daw kase kaya pati si ivan sinumpa ako.