pag dating namin sa stadium tinanong ko san kami uupo dahil alam ko nasa ibaba sila sara hindi ko alam pano mag papaliwanang sa kanya..
sa taas tayo katabi natin sa upuan sila margareth.. para makita ka na nya..
ammm violet may papakiusap ako sana ako..
ano yon?
ok lang ba kung hawakan ko paminsan minsan ung kamay mo? para effective ung plano natin...
hindi ko alam bakit pero namumuro na si ivan sakin. ewan bakit ang sweet sweet pala ng taong ito! ni sa panaginip hindi ko inakala.
ok lang adik mag tataka sila kung wala kang ka sweetsweet sa girlfriend mo. kaya ok lang... maging sweet tayo..
talaga? ngumiti nanaman ito na parang bata na binigyan ng candy.
na ngiging kahinaan ko na ngayon..
tara na hinawakan nya ung kamay ko ng naginginig nginig pa natatawa nalang ako pero na cucutan ako sa kanya i mean kasi kapag ay ewan! ..
anong feeling ito paki explain. nababaliw kana violet yun lang ang explanasyon ng utak ko.
umakyat kami sa taas bago ako umupo naglagay ng paper si ivan hindi ko alam san nya galing yon pero siempre pa dahil hindi un ginagawa ng mga naging boyfriend ko poging pogi na naman sya sa paningin ko.
ngumiti lang ako hindi ako nagpahalata na na amaze ako sa mga ginagawa nya.. ng makaupo na kami binulungan nya ko na papunta na raw si margareth at ang boss nya. lumapit ako sa kanya para mag mukhang close na close kami tapos tinignan ko yung babae
natawa ako ng mapaet sa itchura ni margareth oo may ichura pero san kanaman nakakita ng manunuod ng basketball na naka cocktail dress.. ung tutuo day mukha syang nalate sa graduation effort na effort ung lola nyo naka kulot pa.
tinanong ako ni ivan..
bakit?
natatawa lang ako wag mo kong pansinin..
ng mapansin nila kami bumati si nate daw na boss nya. at ang babaeng nalate sa graduation...
ivan andito kapala sino yang kasama mo?
(halatang babaero ang lalaking ito may kasama ng babae babae padin ang tinatanong)
ah sir nate ,margareth si violet girlfriend ko..
nakita kong nanlaki ang mata ni margareth kaya umiksena na ko.
helo nice meeting you ;)
may girlfriend kapala ivan.. hindi ko sya nakikitang dumadalaw sa company
ako na ang sumagot para kay ivan.
yumakap ako sa bewang ni ivan ng may halong paglalandi.. ayoko ng tabas ng dili ni nate e
kasi sa sobrang pagmamahal sakin ni ivan kulang nalang ibulsa nya ko para hindi ako makita ng iba seloso kasi sya... (^__________^)
yumakap naman si ivan sakin tapos nagsalita sya oo masyado kasing attractive ang girlfriend ko kaya gusto ko ako lang nakakakita sa kanya mahal na mahal ko kasi sya e..
nagenjoy ako infairness. (binubulong bulong ko sa hangin ang sweet kasi ng pagkakasabi ni ivan)
sabagay kung ganyan siguro kaganda yung girlfriend ko magiging seloso din ako sabi ni nate..
sa isip isip ko napaka landing lalaki. alam na nyang may boyfriend ako andami pang sinasabi..
bago pa humaba ang discusion naming apat nag simula na ang game..
nate dito ba tayo uupo? baka madumihan kasi ung dress ko sabi ni margareth.
ang sarap kutusan ng babaeng ito sa tutuo lang.
im sorry i told you naman to wear something comfortable...
umiral ang pag ka gentle man ni ivan at binigay ang papel na inuupuan nya...
margareth eto oh.. gamitin mo nalang maong lang naman ung suot ko ikaw nalang gumamit white pa naman yung dress mo,..
thank you so much ivan..
welcome ok nako basta ok si violet tapos kumindat sakin.. :)
siempre pa natuwa ako sa gesture na yon. ang sweet kase...buset
habang nanunuod kami kumakain kami ni ivan renequest ko yon dahil naiinip ako pag walang pagkain..
pero hindi ko naman inakala na isang bag ang dadalhin nya..
adik ka talaga bat ang dami nyan?
hindi ko kasi alam anong gusto mo kaya dinamihan ko nalang para sure..
nakita kong tumingin samin si margareth kaya.. hinawakan ko ang pisngi ni ivan.. tapos sinabi kong hayyy ang sweet talaga ng baby kooo...
ngumiti si ivan na parang gustong gusto nyang nilalambing ko sya...
nagpatuloy ang sweetsweetan namin ni ivan..
hangang sa pagkatapos ng game..
