Chapter One : Examination

521 26 10
                                    

Chapter One : Examination

Benedict.

Hindi gaya ng mga nababasa sa libro, napapanood sa telebisyon o movie, at napaparinggan sa radyo. Ako 'yung tipo ng lalaki na mahina, walang laban, sunud-sunuran, mababa at higit sa lahat, walang kwenta. Hindi rin OA ang pagkaka-describe ko sa sarili ko, dahil 'yun talaga ako.

Dalawang taon na nang mawala ang kapatid kong si Beatrice. Hanggang ngayon wala kaming balita sa kaniya. Kung nasaan siya, o kung may kumupkop ba sa kaniya. Dahil sa nangyari na 'yon, naging madalas ang away nila Mama at Papa. Iniisip ni Papa na pabaya si Mama, at paulit-ulit namang dinidiin ni Mama na sumunod daw si Beatrice kay Papa at wala siyang kasalanan.

Hanggang sa naghiwalay nalang din sila kalaunan. Sinama ni Mama si Bernadine, ang isa ko pang kapatid, sa probinsya kung nasaan sila Lolo at Lola.

Minsan nga naiinis ako sa kaniya dahil iniwan niya ako. Iniisip ko nalang minsan na sana, sinama nalang niya ako para hindi ako nag-kaganito. Kung hindi ako iniwan ni Mama kay papa, siguro maayos ang buhay ko. Pero kahit isipin ko 'yun ng ilang libong beses, wala naman ng mag-babago. Dahil nandito ako, alila ng pangalawang asawa ng tatay ko.

Ilang buwan lang nang maghiwalay sila Mama at Papa, may dinalang bagong babae si Papa. Galit na galit ako no'n dahil parang wala lang nangyari. Parang biro lang ang naging relasyon nila ni Mama para sa kaniya.

Noong una mabait ang pakikitungo saakin ni Tita Jena, ang pangalawang asawa ni Papa. Pero tumagal nang tumagal, kada wala si Papa sa bahay, palagi niya akong inaalila. Umuuwi si Papa every weekend. Doon lamang namin siya nakakasama. Unfortunately, mayroong isang anak si Tita Jena. Nakakatawa lang, magdadala na nga lang ng babae si Papa rito sa bahay, 'yun pang may anak na.

Katulad niya, demonyo rin ang ugali. Isang lalaki na gahaman din. Joshua ang pangalan at kung gaano pa ka-biblical 'yon, siya namang ikinasama ng ugali. Halos dalawang taon na akong nag-titiis sa ganitong sitwasyon. Halos dalawang taon na akong nagtitiis sa mag-inang 'yon.

Kapag wala si Papa, pinapatulog ako sa lumang kwarto rito. Ang double deck na hinihigaan ko kanina ay walang foam, tanging kahoy lamang. Kapag naman alam ni Tita Jena na pauwi na si Papa, pababalikin niya ako sa maganda kong kwarto, sa totoo kong k'warto. Malayong-malayo ang itsura no'n sa silid na tinutulugan ko kapag weekdays.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil pinapakain pa nila ako at pinag-aaral. May sakit ako sa puso, kailangan ng pang-paopera. Nakuha ko 'tong sakit na 'to sa lahi nila Papa. Nadiskubre lang namin 'to right after umalis nila Mama.

Itong si papa, nag-susumikap para makapag-ipon ng pang-paopera ko. Pero ito namang bago niyang asawa at anak, hindi niya alam, pinahihirapan na ako, todo waldas pa.

Umaga nanaman at kailangan ko nanamang maging kasambahay sa sarili kong bahay. Nag-asikaso na ako sa kusina.

Matapos kong magluto, naghugas ako ng mga pinggan. Ang daming nakatambak dito at halata ang pagiging gahaman sa pagkain ng mga kasama ko. Ni isa kila Tita Jena at Joshua ay wala man lang nakakaisip maghugas ng pinggan. Palibhasa, buhay mayaman. Waldas dito, waldas doon. Hindi ko lang maintindihan, bakit hindi nararamdaman ni Papa iyon?

Manhid ba siya? O pinababayaan nalang niya dahil ayaw niyang mawalan ng isa pang asawa? Hindi kasal si papa at Tita Jena. Hindi pa kasi napapawalang bisa ang kasal nila Mama at Papa.

Mayaman si Papa, gano'n din si mama. Pero hindi ko din maintindihan kung bakit pakiramdam ko namumuhay ako bilang isang katulong. Hindi ako payat, hindi rin mataba. Sakto lang dahil nakakakain ako tatlong beses sa isang araw. Kapag weekdays kung kelan wala si Papa, sabay kumakain si Tita Jena at Joshua. Ayaw nilang kasabay ako dahil baka daw mahawa sila sa sakit ng puso ko.

Benedict DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon