Chapter Six : Dust in the Wind

143 12 12
                                    

Chapter Six : Dust in the Wind

Benedict.

"SAAN KA GALING!?"

Mas lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko nang bigyan ako ng pambungad na sigaw ni Tita Jena. Sobrang sumakit ang tainga ko at sa tingin ko mababasag na ang eardrums ko.

Lalong lumakas ang buhos ng ulan at malalakas na kulog na may kasamang kidlat— mas nakadagdag ito sa tensyon at kirot na nararamdaman ko.

Sa bawat patak ng tubig na may kahalong dugo sa sahig, ang siya namang pagbigat ng katawan ko sa bawat oras na lumilipas. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa mapipigilan ang pagbagsak ko sa sahig. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko maididilat ang mga mata ko.

Sa loob ng bahay, may nakabukas na radyo. Tuwing mainit ang ulo ni Tita Jena, nagbubukas siya ng radyo dahil nakakatulong 'to para mabawasan ang inis niya.

Pero iba ngayon.

Hindi OA kung sabihin kong umuusok ang tainga niya, at parang nag-iinit siyang kawali sa sobrang pula ng buong mukha niya.

"I close my eyes
Only for a moment, and the moment's gone
All my dreams
Pass before my eyes, a curiosity."

"P-p. . .ark," halos hindi makapag-salitang sambit ko. Nakahawak parin ako sa likurang bahagi ng ulo ko. Parang namamanhid na ito at anytime, pakiramdam ko talaga ay babagsak na ako.

Hinahabol ko na rin ang hininga ko dahil sa pilit kong pagtakbo pag-uwi rito sa bahay.

"Dust in the wind
All they are is dust in the wind
Same old song
Just a drop of water in an endless sea."

"Mom, it looks like he's having a get away with friends. Mukhang natututo ng gumala si Benedict," nakangising sabi ni Joshua na ngayon ay katabi ni Tita Jena.

Hindi ko talaga alam kung may sakit siya sa ulo, pero nilakasan pa niya 'yung radyo. Pakiramdam ko, mas lalong gumulo ang paligid ko dahil sa malakas na tugtog.

Gusto ko lalong magalit, gusto ko silang saktan. Gusto kong ilipat sa kanila ang nararamdaman kong sakit sa mga oras na 'to. Pero wala akong magawa dahil nanghihina ako.

Then, I remembered, ever since I was born. I am weak. I am frail, feeble and wimpy. I don't harm them because I can't.

Ang unfair talaga ng buhay!

"All we do
Crumbles to the ground, though we refuse to see
Dust in the wind
All we are is dust in the wind
Oh."

"Mmm gano'n ba? Marunong ka na gumala sa dis oras ng gabi? Ni hindi ka na nagpapaalam," mataray na sambit ni Tita Jena. Lumapit siya sa akin, tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, dahil mas lalo akong nagalit. Hindi man lang nila pinansin ang mga tumutulong dugo mula sa likurang bahagi ng ulo ko. Manhid ba sila o gusto nalang nila akong mamatay dito mismo sa sarili naming bahay?

I don't know if they're playing blind, o hindi lang talaga nila napapansin na puro dugo na ang kinatatayuan ko dahil sa mga tulo-tulo mula sa ulo ko?

"Now, don't hang on
Nothin' lasts forever but the earth and sky
It slips away
And all your money won't another minute buy."

Napakuyom ang kamao ko. Nanghihina na rin ang mga tuhod ko. Gusto ko ng matulog. Nakakaramdam ako ng kaunting antok.

Para bang... gusto ko nang humiga. Gusto ko ng matapos ang gabing ito. Gusto ko ng matapos ang ulan.

Benedict DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon