"Hyung pasama naman." Sabi ni Danik
"Sa?"
"Bahay, may kukunin lang ako."
"O sige. Sama mo si Seongwoo, para ma-drive yung sasakyan."
"Okieokie."
Nagbihis ako, pagkalabas ko ng kwarto, nag-aantay na yung dalawa
"Antagal mo naman magbihis hyung." Sabi ni Danik
"Nagpasama ka nalang nagreklamo ka pa. Tsk." Sabi ko at inirapan siya.
"Jisung-hyung, alis lang kami nila Daniel tsaka Seongwoo. Samahan ko lang sila." Sabi ko
"San kayo pupunta?" Tanong niya
"Kela Daniel."
"Sama ako." Sabi ni Jisung hyung. "Minhyun alis lang kami ah." Sabi niya. Tumango lang si Minhyun habang naglilinis
Maingay sila habang nasa sasakyan. Nakikisabay sila sa music pero ako, tahimik ulit.
"Hyung. Bakit ba ayaw mo sabihin sa amin yung rason ng break up niyo?" Tanong ni Danik.
Gusto ko man sabihin, natatakot pa rin ako. Pinsan mo yung rason, Danik.
"'Wag muna. Di pa ako handa eh." Pagpapalusot ko nalang.
Pagkarating namin sa subdivision nila Danik, katahimikan ang bumungad sa'min. Pati si Jisung hyung hindi na rin nagsalita.
Nung makarating kami sa tapat ng bahay nila ay bumaba na kami. Iniwan nalang ni Ong sa labas ng gate nila Danik yung kotse since safe and secured naman dito sa subdivision nila Danik.
Nagulat nalang kami nang may marinig kaming sumisigaw sa likod ng bahay nila Danik, dun sa may swimming pool.
Nagkatinginan kami tas tumakbo kami papunta sa likod ng bahay nila. Laking gulat namin nang makita namin yung buong tropa nila Pat na andon at...
Sinasabunutan ni Ayhessa si Reese?
"Pota ka! Di ka aamin?! Ha?! Nanggigigil na ako sa'yo eh!" Sigaw ni Ayhessa habang hila hila yung buhok ni Reese
"Ouch! My hair!"
"Kakalbuhin talaga kita, impakta ka! How dare you?! Ano?! Di ka aamin o itutulak kita sa pool?! O baka gusto mo naman kaladkarin kita palabas ng subdivision?!"
"Ano nangyayare?" Natatarantang sabi ni Ong
"Hi Kuya." Sabi ni Pat sabay kiss sa cheeks ni Danik pagkalapit niya.
"Pat? Ano nangyayare? Bakit sinasabunutan ni Ayhessa si Reese?" Mabilis na tanong ni Danik. Tumingin sa'kin si Pat at tumaas ang kilay.
Mukhang wala na akong choice.
"Siya ang rason kung bakit kami nagbreak ni Ayhessa." Sabi ko.
"Ha?!" Gulat na sabi ni Daniel.
"Oo na! Oo na! I planned it all! Pinainom ko si Sungwoon ng pampatulog tas dinala siya ng bodyguards ko sa kwarto niya! Walang nangyare sa'min! Ouch! Let go of my hair!" Sigaw ni Reese. Binitawan ni Ayhessa yung buhok niya rason para ma-out of balance si Reese at mahulog sa pool
"Edi umamin ka rin! Girl, mali ka ng binangga! Next time na manggulo ka pa sa'min ni Sungwoon, mas malala pa diyan aabutin mo. Get lost!" Sabi ni Ayhessa sabay lakad dito sa direksyon ko—ay hindi sa pinto pala. Feeler lang ako.
Nagulat siya nang makita niya ako pero madali siyang nakabawi.
"Ikaw, mag-usap tayo. Sumunod ka sa'kin." Sabi ni Ayhessa sabay lakad paalis. Napatingin pa ako kela Danik tsaka kela Pat, sinenyasan nila akong sumunod kay Ayhessa
Ano meron?
Hahayaan niya na ba akong mag-explain?
**
happy 2k reads, cactus!!!AND GUYS if you have time, please do read my friend's new epistolary. kay xiumin 'yon ng exo hehehehe. Service by behindthestage yayyy
BINABASA MO ANG
❝ cactus ❞ ➳ h.sw
Cerita Pendek↝ ❝ 'di pa ako nakakamove on sayo may bago ka na?! cactus ka ah! ❞ ↜ ↭ epistolary & narration ↭ wanna one series # 5 ↭ date started (05/19/18) ↭ date completed (06/24/18) highest Ranking Achieved: #2 in wannaone (09.14.18) #1 in hasungwoon (09.02...