Two

3.2K 70 8
                                    

" Where is Meg?" Ursula sighed. Kaya ayaw niya sanang pumunta sa victory party na ito eh, wala na siyang gagawin sa buong durasyon ng okasyong ito kundi ang sagutin ang umuulang tanong kung nasaan ang boyfriend niya, na supposedly ay escort niya sana ngayong pagtitipon na ito.

But sadly and to her dismay ay hindi makakapunta si Meg, because he needs to attend some family affairs na hindi nito maiiwasan since Meg came from a very well known traditional Chinese family.

She readied her practiced smile, and turned to face the person who is asking, pero nabitin ang sagot niya ng sa pagharap niya ay sinalubong siya ng mukhang pamilyar na pamilyar sa kanya.

That handsome yet rugged face na pinapantasya ng mga kababaihan dito sa campus. Plus the fact that he is one of the owner of this school. So yeah he is freaking familiar.

Well hindi niya alam kung kilala ba siya nito maliban sa pagkakaalam ng lahat na girlfriend siya ng isa sa mga kaibigan nito, but she is certain for one thing.

Kilalang-kilala niya ito.

And damn right! Just like everybody, there comes a time na inasam niya rin na sana ay mapansin siya nito, but him being the obnoxious and notorious handsome, kahit kailan ay hindi man lang siya nito nagawang sulyapan kahit pa panandalian lang , kaya naman iwinasiwas niya ang anumang paghangang nararamdaman para dito, na napagtagumpayan naman niya, because now she is happy with her relationship with the man who is the exact opposite of this man.

Of Frank Montreal!

" Well alam kong guwapo ako, that's a given fact already, pero hindi ko alam na kahit ang bagong kakokorona pa lang na si Miss Calixta ay matutulala sa itsura ko," he flashed her a smile, " I'm really flattered. So do you want my number, miss—?" Sadyang ibinitin nito ang huling salita.

Letse!! Mas lalo tuloy niyang naramdaman na hindi nga talaga siya kilala nito.

" I really don't think that I have that effect on woman. But I can surely say that  this is great. Wow I just rendered you speechless aren't I?"

Grave naman po pala ang kayabangan talaga ng isang ito. Daig pa ang ipo-ipo sa sobrang hangin.

And one thing she really can't handle ay ang attitude ng mga taong ganito.

Sobrang talented.

Talented sa pagiging mayabang.

" Hey Miss Calixt—"

" Don't flatter yourself and your ego Mr. Whoever-you-are . I wasn't faze by your so-called handsome face na kanina at paulit-ulit mo pang ibinabato sa akin. I was just surprised that somehow ang katulad mong hindi marunong lumingon sa mga katulad ko ay heto at nasa harapan ng isang commoner na katulad ko. It was a surprise of a lifetime, nagulat ako so what do you expect?"

" Hmmm... I wonder.." umakto itong tila nag-iisip. " Do you really?"

" Huwag kang mayabang! At saka kung ang hinahanap mo ay ang boyfriend ko na si Meg, surely it is obvious na hindi ko siya kasama, and if you notice too, I have no time to spare para ipaliwanag sa mga taong hindi ko naman kilala ang reason kung bakit hindi ko kasama ang boyfriend ko ngayon. There does that answer your annoying question? Well I guess it is! So would you mind if you'll excuse me?" aniya at walang pakundangang tinalikuran na ito, not even waiting for his answer.

She can't stand that man.

So full of himself.

Nakakailang hakbang na si Ursula ng marinig niyang nagsalita ng malakas si Frank.

" I really had no idea that you are like that! Snob pala sa personal ang aming bagong Miss Calixta eh! I thought  you are different from the previous one,"

She immediately stopped on her track, lalo na ng mapansin niyang nawala ang ingay ng tugtog sa paligid. Even the wildest and never ending chatting ay biglang nawala dahil lang narinig ng mga ito ang biglaang pagsigaw na iyon ng binata.

" You solemnly swear on your coronation night, who just finished about one or two hours ago that you will be very accommodating, and down to earth queen of Calixta. Why all of a sudden you snob me and literally not answer my question. Paano mo pala mapapanindigan ang sinabi mo na magiging trait mo towards the tenure of you being our queen kung ako nga ngayon ah hindi mo nasagot ng maayos sa aking naging katanungan,what would happen to those lower rank who wants to question you too? Iisnabin mo rin ba sila just like how you did on me,"

Umugong ang bulong- bulungan. Ang ibang nga mata ay pinagpiyestahan na ang lugar kung saan siya nakatayo at natigilan. Others were taking pictures of her and the infamous Frank Montreal. Alternately.

Shit!!!

Buwiset na lalaki.

At talagang nanguha pa ng atensyon at balak pa siyang ipahiya sa mga taong  narito sa pagtitipon na ito ngayon.

Kahit kailan ay hindi niya pinangarap na makuha ang atensyon ng ibang tao, in this kind of manner.

Kumuyom ang kamay niya .

Sarap ding sapakin ng isang ito eh.

" I believe I answered you already Mr.  Montreal and I don't make it a habit to answer twice. It's either you get my point or your deaf that's why you haven't heard me. And for your information, I answered with utmost sincerity, the reason why all of a judges in the contest favor me the most, I think. And I didn't steal someone's crown so naniniwala akong hindi na natin dapat pang ipakipagtalo ang bagay na iyan. " She half turned and smiled coldly at him. " Goodnight Mr. Montreal. Don't let this moment ruined the rest of the evening okay. And give my regards and thanks to your family for giving me this lovely and extravagant  victory party. Don't worry, I will be the most hardworking and down to earth Calixta queen in the duration of my term, you need not to worry about my reputation okay."

If I know ikaw ang may reputation na kailangan bantayang maigi.

Muli siyang tumalikod at napabuntong hininga. Hindi na niya tiningnan pa ang kinatatayuan at ang naging reaksyon ni Frank Montreal.

Dahil sigurado siya. She hit nerve, nagkataon lang na ang binata ang receiving end

Palibhasa mayabang kasi!

Buti nga sa kanya!!!

First encounter no sweat!





















Authors Note....

Dito muna ako mag- aupdate ... Though still contemplating whether to continue writing or to stop nlng ...

Sobrang TOXIC sa work... Hayssszz!!!

Sinnersaintbitch...

My Accidental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon