3: Childhood Friend daw Siya

84 1 0
                                    

Chapter 3

*Seth's POV*

Pagpasok ko ng classroom, lahat sila nakatingin hindi sakin, kung hindi kay Blythe. Si Blythe naman nagtatago sa likod ko, mahiyain pala 'to. Haha, pero nung nabangga sa poste talaga eh, ang epic lang. "Blythe, lumabas ka dyan at wag mong hilahin yung vest ko. Sige ka, baka masira yan." sabi ko.

Sumilip muna siya tapos paunti-unting nagpakita. "Ikaw ba yung new student?" sabi ng isang lalaki. "Opo.. ako po si Blythe." Sabi niya tas ngumiti. Ang cute niya talaga.... wait, okay ka lang Seth?! Ano ba pinag-iisip mo?!

"Hi Ate Blythe! Ang cute mo!" sabi ng isang lalaki. "Hala, bat may Ate?" tanong ni Blythe. "Wala lang." sabi nung lalaki. Napangiti si Blythe tas kinurot niya yung mga pisngi nung lalaki, "Ang cute mo~" 

Namula yung lalaki, "Thank you Ate Blythe!" Nung sinabi ni Blythe yun, parang may stinging pain sa chest ko, cute din naman ako diba? Nung tumingin ako, nakita ko lahat ng lalaki nakatitig sa kanya, tas ung mga babae masama yung tingin sa kanya.

Tatayo na dapat yung isang babae pero biglang dumating yung teacher, tawa naman ako. "Ang fail mo  ate." sabi ko ng mahina.

"Okay, may bago tayong student, pakilala mo sarili mo." sabi nung teacher. "Hello, ako po si Blythe, sana magkasundo tayo." sabi ni Blythe tas ngumiti siya. Nakita ko yung mga lalaki, yung iba napangiti, iba napa-huhhh sa ganda niya tas yung iba nakatitig lang sa kanya. Yung mga babae naman mukhang mga palaka, ang lalaki ng mata tapos lumolobo yung pisngi. HAHA!

"Alam mo kasi Blythe.." sabi ng isang lalaki. "Yung mga bagong student na pumapasok dito, nagpapakita ng talent. Music class 'to eh." 

Namula si Blythe, "pwede ba akong manghiram ng gitara?" sabi niya. Tumayo ako tas binigay ko gitara ko sa kanya, "kaya mo yan." sabi ko sa kanya tas nag thumbs-up sign.

Bago pa magsimula si Blythe, bumukas yung pinto, tas may pumasok na babae. "Sorry po ma'am, late ako! Nakipagchika pa ako sa Principal." sabi niya. Chelsea..? "Sige, okay lang, pakilala mo sarili mo after magperform ni Blythe ha." 

"Sino po si Blythe?" tanong nung babae. Tumingin siya dun sa mayhawak ng gitara, "Ui! Gitara ni Seth yan ha! Ikaw ba yung Blythe?" tanong niya.

"Opo. Ako po si Blythe." sabi ni Blythe. "Ako nga pala si Chelsea, pwede mo akong tawaging Chels, childhood friend ako ng Parking 5." sabi niya.

Ikaw na ba talaga yan Chelsea?!

*Chelsea's POV*

Seth... bakit mo pinahiram yung gitara mo? Diba nangako ka na ikaw lang gagamit niyan kasi ako nagregalo sa'yo niyan?! Bat ganun?! 

Ano bang meron kay Blythe, bakit mo kailangan pahiram sa kanya 'yan? Marami naman dyan na may gitara eh..

Best Thing I Never Knew I NeededTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon