Bonus Chapter: Dreaming Down Memory Lane (Mycko's Story)

46 1 1
                                    

[A/N] Bold and Italic for dreams. Italic for flashbacks. Bold (not italic) for dialogues in the present time. Normal for events and thought in the present time.

Ang akala ng Parking 5, umalis si Chelsea dahil sa business ng parents niya. Gusto niyo malaman yung totoo?

Dahil sakin yun.

"MYCKO AYOKO NA! LAGI NALANG GANITO!" sigaw ni Chelsea.

*sigh* "Ano ba talagang gusto mo? Diba sabi mo ayaw mong naiistorbo? Chels bata pa lang tayo, kung makipag-away ka parang mag-asawa na tayo eh!" sabi ko.

"Mangiistorbo ka kung kailan alam mong stressed ako. Tas kapag magyayaya ka sa date, sige go lang ng go. Pero tuwing darating na 'ko sa meeting place natin, WALA. WALA KA. ANO BA?! MYCKO, FOR 7 MONTHS. S-E-V-E-N MONTHS, GANITO NANGYAYARI! NAKALIMUTAN MO PA NA MONTHSARY NATIN NGAYON!"

"KASALANAN KO BANG NAKALIMUTAN KO?! EH NI HINDI KA NGA NAGPAPARAMDAM EH. AKO NALANG BA GAGAWA NG LAHAT?"

"AH SO NGAYON AKO MAY KASALANAN?! MYCKO, AKO LAGING NAGSISIMULA. AKO NAGSASABI. EH MINSAN NGA KA-DATE KO NA SARILI KO EH."

Awkward Silence. Tapos biglang nagring yung phone ko.

Bago ko pa makuha yung phone ko, hawak-hawak na ni Chelsea.

"Sino 'to ha?" tanong niya.

Bago pa 'ko makaimik, sinagot niya yung tawag at in-on yung speaker.

"Babe? Babe nasan ka? Magkikita tayo ngayon diba?"

Nabitawan ni Chels yung phone ko pero ongoing pa rin yung call. "Babe? Babe... babe prinomise mo na magkikita tayo eh."

Tinapakan ni Chelsea yung phone ko tas nasira. After nun, nakatingin lang siya sa sahig.

"Chelsea.." Walang sagot.

Try ko ulit. "Babe.."

Wrong move.

"BABE?! BABE?! ANO?! ILANG BABAE NA NASA LISTAHAN MO HA? PANG-ILAN AKO?! HA? SABIHIN MO!"

"Chels.. Chelsea wag ganito. Wag ganyan please."

"I.." Speechless siya. Kinuha niya yung jacket at bag niya tapos umalis.

Hinabol ko siya. "CHELSEA! CHELSEA!!!" Nung nahabol ko na siya, yinakap ko siya. (backhug)

"Chelsea.. Chelsea, please. I'm sorry. Alam mo namang mahal kita eh. Wag ganito." 

Hinawakan niya yung mga kamay ko tapos umalis siya sa yakap ko. "Mahal din naman kita eh, pero ayoko ng ganito."

Matapos niyang sabihin yun, umalis na siya. 

~

Bumalik ako sa bahay at humiga sa sofa.

Nakatayo yung parking 5 sa may rooftop, may mga balloons at banner na nakasulat "Will you be my girlfriend?"

Ako naman, nasa baba, tinatakpan yung mata ni Chelsea.

"Pag tinanggal ko na kamay ko, wag kang magugulat, magagalit, mananakit, mananapak, maninigaw, ma-"

"Oo na, gets ko na. Dali, nakaka-excite!"

Pag tanggal ko ng kamay ko, narinig ko yung gasp ni Chelsea. 

"Mycko..."

"Chelsea. Ilang taon na tayo magkakilala, ilang buwan na rin nang simulan kitang ligawan. Ngayon ko na siguro dapat itanong 'to. Chelsea, will you be my girlfriend?"

Ngumiti siya, "Ang tagal kong hinintay ng tanong na yan." Sabi niya tas tumawa.

Yinakap ko, "I love you."

"Awww." "Ang sweet." Sabi ng audience.

Yun na ata yung isa sa pinakasweet na moments namin.

Sorry Chelsea..

~

One day after, bumalik si Chelsea.

"Babalik ka rin pala. Thank God.."

"Hindi ikaw binalikan ko dito. Kukunin ko lang yung gamit ko. Pumayag na 'ko sa offer nila mama na umalis dito. Di naman kasi dapat ako sasama eh, pero ano pa ba magiging dahilan ko para magpaiwan dito?"

~

"Mycko!"

"Huy Mycko gising!"

Nagising ako tas nakita ko yung Parking 5, si Chelsea at isang babae na di ko kilala na nakapalibot sakin.

"Anong nangyari?"

"Ewan ko sa 'yo. Pupunta ka dito tas tutulugan mo kami. Tagal tagal na ngang hindi nagkita, ganyan ka pa. Bastusan lang pre?" sabi ni Katsumi.

"Bahala kayo dyan, basta kami ni Blythe maglalaro. Diba Blythe?" Sabi ni DJ dun sa babae sabay akbay at punta dun sa bowling area.

Bakit ba tuwing matutulog ako, yung araw ng paghiwalay namin ni Chelsea laging napapanaginipan ko?

Best Thing I Never Knew I NeededTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon