4: Nakaka-in love siya. Super.

112 1 0
                                    

Chapter 4:

*Chelsea's POV*

Ayoko na muna isipin si Seth. Gusto ko muna makita sila Katsumi at Lester. Tagal ko na din silang hindi nakita eh. Pati sila JC at Daniel.

Nung natapos yung kaklase, pinakilala sakin ni Seth si Blythe. "Hi Chelsea, ako nga pala ulit si Blythe." sabi niya sabay ngiti. "Pano mo nakilala si Seth?" 

"Naliligaw kasi ako kanina eh, tas nakita ko siya kaya sa kanya ako nagtanong." sabi niya. "Eh bat parang namumula 'yang noo mo?" tanong ko. Tumawa siya, "Wala 'to." sabi niya. "Ako nalang magkekwento, 'to kasi si Blythe, medyo shunga, nabangga sa poste." sabi ni Seth tas sabay tawa at akbay kay Blythe. Si Blythe naman, parang wala lang sa kanya, nakatungo lang. Hindi man lang tinanggal yung kamay ni Seth sa balikat niya.

Seth, wala na ba talaga akong pag-asa?

"Tara, makipagkita tayo sa Parking 5." sabi ni Seth. "Teka lang Seth, saan yung Parking 5?" tinanong ni Blythe. Gusto kong tumawa, kaya lang new student nga pala siya. Shempre hindi niya kilala yung Parking 5, yung mga bestfriend ko!

"Grupo ko yun Blythe." sabi ni Seth sa kanya. "Ahh, mabait ba?" Tumawa lang si Seth, ano ba? Bat nakaakbay ka pa din sa kanya? "Oo naman, magugustuhan ka nila sa grupo, diba Chels?" tanong niya sakin. "Ah, oo. Mabait ka naman eh. Wag ka lang lalandi-landi, okay na." sabi ko sa kanya. 

"Seth, kausapin ko muna si Blythe ha." sabi ko kay Seth.

*Seth's POV*

"Anong sasabihin mo? Bawal ko bang malaman?" tanong ko. "Basta mauna ka na!" sabi ni Chelsea. "Sige na nga." Sabi ko tas sabay alis.

*Blythe's POV*

"Babalaan kita Blythe, yung mga babae dito sa school na 'to, akala mo kung sino." sabi sakin ni Chelsea tas ngumiti siya. "Bat mo naman nasabi?" tanong ko. "Kasi yung Parking 5, sikat na grupo dito sa school. Daming fangirls, kaya mag-ingat ka sa kanila. Kailangan magkasama tayo, o at least may kasama kang isang member ng Parking 5. Gets?" 

"Oo. Gets ko. Thank you Chelsea." sabi ko. "Chels nalang." sabi niya. "Sige, tara Chels, gusto ko makilala yung Parking 5." sabi ko.

*Chelsea's POV*

Pagpasok namin dun sa rooftop, yung Parking 5 nakaupo sa parang picnic cloth, kumakain. "Hoy Seth! Pakilala mo si Blythe. Ikaw unang friend niya eh." sabi ko, kahit masakit. 

Tumayo si Seth tas inakbayan si Blythe, "Guys, 'to nga pala si Blythe. New student. Mabait 'to, and magaling mag-gitara." sabi niya. Kumaway lang si Blythe, "Hello po. Ako po si Blythe." 

"Blythe, yun si Lester tapos yun si JC. Nawawala si Daniel, as always, tapos si Katsumi, wala pa din." sabi ni Seth. Nung tinignan ko si Blythe, nakatingin siya kay JC. Tas parang may something sa  mata niya. Love? 

"Hi Blythe, ako nga pala si Lester." sabi ni Lester tas nakipagkamay siya kay Blythe. Tas si JC, tumayo tas nakipagkamay din kay Blythe, "Hi Blythe. Ako si JC." sabi niya tas umakbay kay Blythe tas kinurot pisngi niya. "Ang cute mo~" sabi niya. Nakita ko si Blythe, namumula tas nagtatago ng ngiti. "Thank youu.." sabi niya.

*Seth's POV*

Bat namumula si Blythe nung pinakilala ko siya kay JC? Hmm... may something.

*Katsumi's POV*

Pumunta na 'ko sa rooftop para makipagkita sa iba. Pagpasok ko, si Lester nakangiti sa babaeng inaakbayan ni JC, si Seth, nakikipag-usap kay Chelsea, sino yung isang babae?

"Chelsea! Natanggap ko text mo! Kailan ka dumating?" sabi ko habang palapit sa kanya.

"Kats?" sabi niya. Tumakbo siya tas tumalon sakin payakap, tas sinalo ko siya tas inikot-ikot sa air, "Grabe, na-miss kita Kats!" sabi niya sabay yakap ulit. I kissed her on the forehead, "I miss you too Chels." sabi ko.

Habang nakaakbay sa kanya, tinanong ko kung sino yung isang babae. "Hello po. Ako po si Blythe."  sabi nung babae. Nginitian ko lang siya tas pag-angat niya ng ulo niya, namumula siya. Baka kasi nakaakbay sa kanya si JC? Nako, alam na.

"Ui guys, since nandito na si Chels, gala tayo mamaya!" sabi ni Lester. "Bakit? Matagal bang nawala si Chelsea?" tanong ni Blythe.

"Ah, kasi dati lumipat sila Chels dahil sa business ng parents niya, kaya ayun. Tara gala tayo later. Saan niyo gusto?" tanong ko. "BOWLING TAYO!" sabi ni JC at Seth tas nag-apir sila, si Blythe naipit sa braso ni JC tas mas lalo siyang namula. Ako naman, stay calm lang kasi naka-akbay pa din ako kay Chels.

"Basta bowling later, text niyo si DJ ha. Alam niyo naman yun eh." Sabi ko.

Tas biglang nagtanong si Blythe, "Sino si DJ?"

Best Thing I Never Knew I NeededTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon