8: Mukhang Couple Lang

56 2 0
                                    

Narrator's POV

Dumating sila Blythe at Seth sa bowling center. 

"Nauna pa tayo sa kanila? Nice!" sabi ni Blythe.

Seth's POV

"Nice ba dahil tayong dalawa lang?" tanong ko. Tumingin sakin si Blythe, "Corny mo." sabi niya nang patawa.

Sana sinabi mo "Oo. Dahil tayo lang dalawa dito." 

"Tara, kuha na tayo ng shoes dun sa counter tas start na tayo." sabi ko. Hinawakan ko kamay niya tapos pumunta na kami sa counter.

"Ano size ng paa mo?" tanong ko. "6 and a half."

"Isang X at isang 6 1/2 nga po." sabi ko. "Upo ka muna dun tas dalhin ko nalang yung shoes mo." 

Tumingin siya sakin, "Sure ka?" tanong niya, "Oo."

Pagkuha ko ng sapatos, pumunta nako sa kanya. Nakita ko na naka-socks nalang siya. "Wag kang gagalaw!"

"Eh pano ko masusuot yung sapatos ko?!" tanong niya, bewildered.

"Ako nalang magsusuot." sabi ko. Kaysa nang makasalita pa siya, na-speechless nalang siya kasi lumuhod na 'ko sa harap niya tas sinusuot ko na yung sapatos sa paa niya.

Habang sinusuot ko, may dumaan na 2 matanda. 

"Tignan mo Honey o, napaka-sweet nung lalaki. Parang tayo lang nung ganyan edad natin eh noh? Serbisyong totoo." sabi nung matandang babae.

"Oo nga eh, kayong dalawa.." sabi nung matandang lalaki at lumapit sa 'min, "Hindi na kami magtataka kung kayo ang ikakasal ha? Patagalin niyo lang yan."

Nagtinginan kami ni Blythe... okay awkward silence..

Nagbigay ng blessing si lolo sa kasal namin, ibig sabihin kami na ikakasal for good sa future diba? Saya naman!

"Ang tagal nila dumating." Sabi ni Blythe. "Gusto mo practice tayo ng bowling?" tanong ko.

"Ayoko, mamaya nalang, tinatamad pa ako eh." sabi niya. "Tara, let's get to know each other more nalang." sabi ko.

"Game."

Blythe's POV

Okay, nagsisisi ako na nakipaglaro ako dito kay Seth. 

"HAHAHAHAHAHA."

Tawa nang tawa o.

"SERYOSO? HAHAHAHAHAHA."

Kwinento ko kasi yung kumakain ako tas biglang natapos sakin yung pagkain ko nang di sinasadya, as in yung buong plato. Tas naalala niya yung moment na muntik daw ako mabangga sa poste ulit sa isang araw.

Badtrip.

"Ui yun na sila o!" sabi ko. Dumatin si Katsumi at si Lester, tas sa likod nila si Chelsea na nakangiti habang nagtetext.

"Nasan si JC?" tanong ko kay Seth.

"Papunta na raw. Kaw ha, JC ka pala ha." asar ni Seth sa 'kin.

"O anong meron? Wala naman eh. Nagtatanong lang kasi siya nalang yung kulang."

Seth's POV

Ouch. Wala pero namumula ka.

DJ's POV

Nakatambay ako sa may billiard area tapos nakita ko sila Seth at Katsumi nandun kasama sila Chels, Lester at isang babaeng hindi ko pa kilala pero suot yung uniform namin.

"Bagong student." sabi ko sa sarili ko. Nako, alam na.

1 new message.

From: JC

Kuya, pasabi nalang kina Seth di ako makakapunta, dun nalang sa restaurant after magbowling. Thanks bro.

Typical. Lagi naman ganto si JC simula nung nagka-girlfriend siya eh.

Seth's/Katsumi's/Lester's/Chelsea's POV

"Tara start na tayo magbowling." sabi ng isang tao. Pagtingin namin dun sa nagsabi sabay sabay kaming nagsabi ng "UI DJ!"

Blythe's POV

"Daniel..?"

Best Thing I Never Knew I NeededTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon