5: What We Really Feel Deep Inside

90 1 1
                                    

Chapter 5

*Blythe's POV*

"Ui Seth~ sino si DJ?" tanong ko ulit. Ngumiti lang siya, "Kasama din dito sa grupo. Ang crush at playboy ng bayan." Sabi niya. "Oo nga, every second of the day, 24/7, nakikipaglandian sa mga babae. Walang katapusan. Di ko nga alam kung paano ko naging kapatid yun eh." Sabi ni JC tas ngumiti. Ang sweet ng smile niya. Omaygash. :">

"Kita tayong lahat mamayang uwian sa may gate ha." Sabi ni Seth. "Ui pano si DJ my dear?" sabi ni JC. "Bahala na yun. Kaya na niya sarili niya." sabi ni Lester. "Oo nga." sabi ni Katsumi.

~ DISMISSAL. (SORRY NAGSKIP EH. :]] )

*Chelsea's POV* 

Alam mo yung nakaka-asar? Yun yung hindi ko kaklase si Seth sa iba kong class, pero magkaparehong-magkapareho sila ni Blythe ng schedule. Sorry, selos lang ako eh. Pero shempre hindi ako magagalit sa babaeng friend ko. Kung nakikita niyo lang yung mga tingin sa'min ng mga babae dito. Mangangain na ewan eh. Sarap dukutin yung mga mata eh. HAHA. XD

Naghihintay ako sa gate, kasama ko si Kats at si Lester. Tas pagtingin ko sa paligid, nakita ko si Seth at Blythe, papunta dito. Si Seth nakaakbay sa kanya tas nagtatawanan sila. Ang sweet. :(

*Katsumi's POV*

Tinitignan ko lang si Chels. Halatang may problema siya, and halata namang may gusto siya kay Seth. Talaga naman 'tong babae na 'to, sakin ka nalang please? Alam mo, aalagaan kita. Mamahalin kita. All the way 'tong pag-ibi ko para sa'yo Che-- wait nga lang. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Naka naman, ang cheesy. Dejoke. Chill lang, bestfriends kayo diba? Wag mong sirain yun.

*Blythe's POV*

Grabee. Nagtatawanan lang kami ni Seth. Kinekwento niya sakin yung mga nangyari kay Gino dela Rosa sa Princess and I. "Naalala ko yung episode na nagbebenta sila ni Jao ng ticket dahil dun sa contest na sinalihan ng mommy ni Mikay, tapos yung pinagbentahan ni Gino bakla o parang bakla. Humihingi ata ng hug o kiss yung bakla eh. Dami kong tawa dun eh. Mga 69." sabi niya. Nagtinginan kami, nanahimik.

1......

2.....

3....

"PUHAHAHAHA." lakas ng tawa namin. "Grabe, sa sobrang kakornihan mo nakakatawa na." Sabi ko. Pagtigil namin, nakita naming nakatangin sa'min yung mga tao.Yung mga babae, maka-glare sa'kin wagas. Di ako matutunaw girls~ sorry. I rolled my eyes, buhay namin 'to. Wag na kayo. HAHA.

"Ui tara, yun na sila o!" sabi ni Seth tas tinuro niya. Hinawakan niya yung kamay, scratch that, he entwined our hands together and pulled me to run with him.

Pagdating namin dun, nakita ko si JC nakangiti tapos may kausap sa phone. "I love you~" sabi niya ng pabulong, pero rinig pa din namin. Medyo fail?

"Sino yun?" Sabay sabay naming tinanong pagkatapos niya makipag-usap sa cell phone. "Wala. Tara. Tinext ko na si Kuya dear ko." sabi niya.

JC... sino yung sinabihan mo ng 'I love you.' ? :(

*Seth's POV*

Loko talaga 'to si JC. Di ba niya nahahalata na may gusto si Blythe sa kanya tapos kung bumulong ang lakas lakas. Aynako. 

Tas 'to pang si DJ his brother dear, lagi nalang humihiwalay sa grupo. Landi talaga, kalalaking tao eh. 

"Seth.." bulong ni Blythe. "Bakit?" bulong ko ulit. "Diba sabi mo playboy yung si DJ?" tanong ni Blythe. "Oo, anong meron kung playboy siya?" 

Tuloy tuloy lang paglakad niya with her head down. Kung hindi ko siya hinila, babangga nanaman siya sa poste. HAHA. FTW talaga yun eh. Ok, stop Seth, keep your cool. "Blythe, ano ngayon kung playboy siya? Bakit? Magpapalaro ka ba?" 

Tumingin siya sakin, her eyes filled with sadness. "Playboy kasi yung ex ko dati eh." sabi niya. "O tapos? Anong konek nun? At break nanaman kayo eh."

"Feeling ko kasi di ko siya makakasundo. Ayaw ko kasi sa lahat, mga playboy." sabi niya.

*Chelsea's POV*

Naririnig ko si Seth at Blythe na pinag-uusapan si DJ. "Kats, teka lang." sabi ko. "Sige lang, susunod lang ako." sabi niya tas ngumiti. Pumunta ako kina Blythe at Seth. 

"Kahit playboy si DJ, mabait pa din siya." sabi ko tas ngumiti ako. Okay, alam kong rude yung pagsabat ko pero ayaw ko sa lahat yung makapang-judge wagas. Totoo nga naman na playboy si DJ pero wag muna siyang ganun. "Bakit? Natatakot ka kasi baka masaktan ka? Di mo pa naeexperience yung True Love. Yung tipong mahal ka din nung mahal mo. Kasi diba playboy yung ex mo dati?" tanong ko. 

Tumingin siya sa'kin, paiyak na. I felt guilty. I didn't want to cross the line. Sobrang selos ko ganito na yung nangyayari. "Ano ba Chels! Ano bang problema mo?" tanong na pasigaw sakin ni Seth. Nakita ko yung mata niya, talagang nagalit siya. "Sorry Blythe.." sabi ko tas cinomfort ko siya. Pero yung ginawa ni Seth... masakit.. Yinakap niya si Blythe tas hinimas-himas yung likod. "Wag ka nang malungkot." sabi niya tas sabay kiss sa forehead ni Blythe. Nakikita ko sa kanya na may gusto siya kay Blythe. Seth... wala na ba akong pag-asa? :(

Lumakad ako patalikod, yung tingin ko hindi umaalis sa kanila. Tapos biglang may tumakip sa mga mata ko. Dalawang kamay. "Wag mo nang tignan, masasaktan ka lang." sabi ni Katsumi. "Alam kong mahal mo siya, tiwala lang." sabi niya.

*Katsumi's POV*

Ako nalang Chels.. ako nalang. :(

Best Thing I Never Knew I NeededTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon