RAKETSHIP - Unang Take Off

1.8K 38 3
                                    

"RAKETSHIP"

Once upon a time, na-inlove ako sa isang road runner. Sa sobrang bilis nya, feeling ko ako si Wile E. Coyote ng Looney Tunes na habol ng habol, at kung ano-anong ginagawa para lang mahuli sya. Ang hirap nya habulin, lalo na pag nasa "raketship" sya. At dahil din sa bilis nya, ang dami na nyang nasakyan na "raketship". So, ang tanong, nahabol ko ba sya?

First day of classes sa UP Manila. Ang hassle talaga lumipat ng campus, lalo na from UP Diliman to masalimuot na UP Manila. No choice eh. Either lumipat ako ng campus or itatakwil ako ng daddy ko. Nalaman nya kasi mga kalokohan ko sa Diliman. Mas gusto ko lumipat ng school, pero dahil solid Isko at Iska ang angkan namin, lipat-campus lang ang option ko. Kaya kahit ayoko, sige na lang. Tiis na lang sa dalawang oras na byahe at traffic. Bagong environment para sa pangalawang taon ko as Biology student. Alas nuwebe pa lang naka-upo na ko sa classroom namin pero 9:30 am pa ang simula ng klase namin. Halos mapuno na ang klase pero wala pa din yung prof namin. Biglang may isang babae na nagmamadaling pumasok sa classroom at umupo sa upuan sa kaliwa ko. Sabay naman noon ang pag pasok ng matandang lalaki na mukang prof namin. Bigla akong na-distract nung may maamoy akong hindi kanais-nais. Masangsang. Malansa. Amoy araw. Suminghot-singhot ako. Tumingin ako sa kanan ko- babaeng naka pink, nakapusod ang buhok at parang walang isang hibla ng buhok ang wala sa ayos. Siguradong hindi sya ang nangangamoy. Tumingin ako sa harap, isang lalaking nakasalamin at mukang nasobrahan sa gel sa sobrang kintab ng buhok. Mukang hindi sya ang masangsang. Tumingin ako sa kaliwa, yung babaeng tumatakbo papasok dito kanina. Lumingon ako sa gawi nya at pa-simpleng suminghot. Jackpot! Sya nga yun. Muka syang aligaga sa pag halungkat ng gamit sa bag nya na parang gawa sa sako ng arina. Gulo-gulo ang buhok nya na nakatali ng goma na ginagamit para sa bungkos ng kangkong. Nakadilaw sya na t-shirt na parang may malilit na talsik ng dugo. Kupas ang pantalon nya na may bahid ng putik sa laylayan. Ngunit ang nakakapagtaka, malinis na malinis ang sapatos nya. Saan kaya sumuot ang babaeng 'to?

"May kailangan ka?"

Nagulat ako nung nagsalita sya. Di ko namalayan na nakatingin na pala sya sakin. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang malaking ngiti nya pagkasabi nya nun. Hindi ako nakasagot agad. Pero alam kong kumunot ang noo ko at medyo nagsalubong ang kilay ko. Hindi dahil sa nainis ako, kundi dahil sa pagtataka. Ano yung kumikintab-kintab sa leeg nya? Isa. Dalawa. Tatlo. Anim. May anim na maliliit na kung anumang makintab sa leeg nya. Napawi yung ngiti nya at kinapa ang leeg nya. Napansin nya siguro na nakatitig ako doon. Tinignan nya ang kamay nya.

"Naku... Salamat ah. Buti na lang napansin mo. Kung hindi, ako na naman ang pulutan sa asaran." Maligalig nyang sabi.

"Meron ka pa malapit sa batok." Sabi ko.

Kinapa-kapa nya yung leeg nya papuntang batok pero hindi pa din nya matanggal. Lumapit ako ng bahagya sa kanya at inalagay ang kamay nya sa kung saan naroon yung makintab. Nginitian nya ko pagka-tangal nya.

"Salamat ah." Sabi nya at bumalik na sa paghahalungkat sa bag nya.

"Ano yung mga makikintab na yun?" Tanong ko. Masyado akong na-curious sa kanya.

"Ah. Kaliskis ng isda."

Ano daw?! Tama ba kong ng narinig? Kaliskis ng isda? San ba talaga galing ang babaeng 'to? Binaling ko na ulit ang atensyon ko sa prof namin na pinapakilala ang sarili nya.

"Wuy... Wuy... Pogi."

Lumingon ako ulit sa kaliwa. Nakangiti na naman sya.

"May extra ka bang ballpen? Kahit lapis okay lang." Tanong nya.

Hindi ako sumagot. Kinuha ko na lang yung extra kong ballpen sa bag at inabot sa kanya.

"Salamat ulit." Sabi nya.

Binuksan nya yung notebook nya na parang pang elementary. Nilipat nya ng nilipat yung pahina. Unang araw pa lang ng klase, bakit madami na agad nakasulat sa notebook nito? Ngayon ba talaga unang araw ng klase namin? Nang makarating sya sa pahina na wala ng nakasulat, tinupi nya yung page at sinulat sa malalaking letra ang "CHEM 31". Anong meron sa babaeng 'to?!

"Anong pangalan mo?" Biglang lumabas sa bibig ko na parang ubo na hindi nagpa-awat.

"Ian." Bumaling sya sakin at ngumiti ulit. Hindi kaya sya nauubusan ng ngiti? "Iren Adrianne Garcia. Sosyal ng pangalan ko noh? Pangalan lang yun." Medyo sarcastic nyang sabi. "Ikaw, ano palang pangalan mo?"

"Robi." Matipid kong sagot.

"Ahhh... Sige. Hindi ko na aalamin buo mong pangalan. Feeling ko naman sosyal ka eh. Medyo level naman tayo sosyal ka, sosyal ang pangalan ko- quits lang tayo."

Hindi ko naintindihan mga sinabi nya. Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa prof namin. Pero ang atensyon ko, naiwan na nakatingin sa kaliwa. Anong meron sa weirdong babae na 'to?

---------------------------------------

RAKETSHIP by Robi CastilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon