Chapter 14"It's Jonathan's day"

2.4K 54 1
                                    

Light's POV

Nakakaloka kasi mahigit dalawang linggo na ako nililigawan DAW nina Jonathan at Stephen. Parehas silang maeffort at gusto na masolo ako so kailangan ko pa gumawa ng schedule kung kailan sila pwede lumapit sa akin, kahit na si Jonathan ang gusto ko hindi pwede na maging unfair ako.

Sobrang bait ni Stephen at aaminin ko na ideal guy siya para sa aming mga babae pero hindi mo talaga mapipilit ang puso kung sino ang gusto mo para sa sarili mo. Kaya nga naglalaan ako ng time para malaman ko kung sino ba talaga sa kanila.

" So saan mo gusto pumunta?" tanong sa akin ni Jonathan at ngumiti. Nagdadrive siya at hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta ngayon. Araw niya kasi ngayong friday so kakain daw muna kami bago niya ako ihatid pauwi.

" Kahit saan ikaw na bahala."sagot ko sa kanya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportable na kausapin siya. Napakilala ko na din naman sila kay mommy at daddy as usual wala daw silang pipiliin dahil parehas daw na kabusiness partner nila ang mga magulang nina Jonathan at Stephen.

Nasa sa akin na daw yun kung sino daw ang sasagutin ko. Sinabihan din nila ako na huwag magmamadali sa pagpili at hayaang tumagal muna ang panliligaw ninaJonathan at Stephen.

" Ayos lang ba sayo kung sa may Sampaloc Lake tayo pumunta?" tanong niya sa akin. Pero malayo yun kung dito kami sa may Maynila nakatira. Baka gabihin kami at pagalitan ako nina mommy.

" Huwag ka mag-alala pinagpaalam na kita kay na tita at sabi niya ay iuwi lang daw kita before 8, Maaga pa naman 4:00 pa lang kaya makakaabot tayo dun." Sabi niya.

" Ah ganun ba, sige." Sabi ko sa kanya,nanatiling tahimik ang kotse niya. Hindi ko namalayan na nakatulog na ko habang nasa byahe kami. Nagising na lang ako ng may naramdaman akong umaalog sa akin.

"Light, Nandito na tayo." rinig kong sabi ni Jonathan kaya dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Wow! ang ganda pala dito.

Ngayon lang ako nakapunta dito pero ang ganda talaga.May mga streetfoods sa gilid at pwede ka pa magrent ng bike para umikot sa buong palibot ng lake. Basta ang ganda. Siguro mas nakaapekto yung sunset, mga 5:45 na kasi pero perfect naman talaga ang scenery.

" Lagi kami napunta dito nina Mommy nung buhay pa siya." sabi niya kaya tumingin ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

" Kung hindi mo mamasamain, ano nangyari sa mommy mo?" tanong ko

" Namatay siya sa isang plane crush 5 years ago, nalaman niya kasi na kaya matagal umuwi si daddy dito sa pilipinas ay dahil may iba ng pamilya ang daddy sa Australia kaya sinundan niya ito." malungkot na sabi niya habang nakatingin sa lake. Hindi ko alam na may ganitong pangyayari sa buhay niya, naawa ako bigla sa kanya.

" Si mommy ang the best na nangyari sa buhay ko, lagi siyang nandyan para damayan ako sa lahat ng problema. Siya ang nagpuno ng pagmamahal na hindi mabigay sa amin ni daddy, kahit ang bunso kong kapatid na si Jillian ay minahal talaga ni mommy ng sobra sobra. Tinatanong ko minsan na bakit siya pa ang namatay? Sana si Dad na lang! After 1 year lang, Light ng namatay si mommy ay pinakasalan ni daddy ang kabit niya at itinira sa bahay namin." may halong galit na sabi niya.Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa nalaman kong ito.

" Tara na ,Light kain tayo dun sa mga street foods. Nakain ka ba nun? kung hindi ay may malapit na restaurant dito dun na lang tayo kumain."pag aaya niya na kumain kami.

" Dun na lang tayo sa streetfoods, paborito namin yan ni Dark. Pinagbawalan lang kami ni mommy kumain kaya hindi na ulit kami makakain." sabi ko naman. Kung sa pagiging health conscious si mommy talaga yun, Lahat ng sa tingin ni mommy na masama sa kalusugan namin ay hindi namin pwede kainin kaya pinagbawalan kami ni mommy na kumain ng streetfoods, madumi daw kasi at hindi daw namin alam kung saan ginawa.

Nagpaihaw na kami ng mga isaw at umupo sa isang table na medyo malapit sa lake. Ngayon na nililigawan ako ni Jonathan, nalaman ko na ang dami kong hindi alam sa kanya.

" Ah Jonathan,Ilan kayong magkakapatid?" tanong ko sa kanya.

" Kay mommy ay 2 lang kami ni Jillian, si Jillian ay 8 years old na, kay tita emilie ay 3, dalawang lalaki at isang babae. "sagot niya sa tanong ko.

"Ahh, kamusta naman kayo sa stepmother niyo?" tanong ko pa, nacucurious kasi ako eh.

" Ayos naman, Mabait siya kaya pinapakisamahan ko sila. Hindi ko pa rin kasi matanggap na namatay si mommy dahil sa kanya kung hindi niya nilandi anh daddy siguro buhay pa rin ang mommy ngayon." sabi niya at sakto naman dumating na ang pinaluto naming mga streetfoods, tahimik kaming kumain at nung natapos na kami ay naglibot libot lang kami sa palibot ng lake at umuwi na kami.

Mga 7:36 ay nakarating kami sa bahay namin, Ang bilis naman ng byahe kapag pauwi siguro ay dahil walang traffic.

" Bye, Light. Good night sweet dreams, Salamat sa araw na ito." Sabi sa akin ni Jonathan.

"Salamat din,Jonathan lalo na sa pagshare mo ng tungkol sa mommy mo, Good night din at sweet dreams. Babye" pagpapaalam ko at pumasok ng gate.

Dumeretso na ako sa loob ng bahay at mabilis na pumuntang kwarto namin ni Dark. Sa sobrang pagod ko ay dumeretso agad ako sa kama at nahiga hanggang sa makatulog na ako ng tuluyan.

--------------------------------------------------

Author's Note

So what do you think, readers? Ayos lang ba ang UD ko? Anyway enjoy at vote for this chapter! thanks ng marami @chinita_queen21 sa pagpatuloy na pagbabasa at pagsuporta sa story ko! thank you din sa ibang silent readers dyan, naaappreciate ko din kayo😍😘

Good Eve and Saranghae😍😘

The girl you never notice (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon