Light's POV
Mahigit 5 taon na ng nangyari ang aksidente na nagpabago sa aming lahat, 5 taon na ng iligtas ako ni Jonathan sa muntikan ng pagkakabaril sa akin ni Razzielle, at dahil dun ay 5 taon akong naghihintay at patuloy na naghihintay kung gigising pa si Jonathan mula sa pagkakacomatose niya.
" Jonathan, gumising ka na please, ang dami ng naaksayang taon sa atin. Sabi mo hindi mo ko iiwan kahit anong mangyari pero bakit ganito, hindi mo naman tinutupad ang pinangako mo eh, sabi mo hindi mo na ko paiiyakin pero heto ako iyak pa rin ng iyak, gumising ka na dyan please" naiyak na sabi ko sa kanya, malinaw pa rin sa akin ang pangyayari ng araw na iyun, akala ko tuluyan na akong iniwan ni Jonathan buti na lang at dumating na agad ang ambulansya, si Razzielle naman at si Natalia ay hinuli ng pulis ngunit si Natalia lang ang nakakulong ngayon dahil nasa mental hospital na si Razzielle, baliw na kasi siya, matagal na jusko baliw na talaga ang babaeng yun kahit kailan simula pa dati!
" Light, Hija umuwi ka muna at kahapon ka pa nandito,wala ka pang pahinga." sabi sa akin ng daddy ni Jonathan.
" Okay lang po , tito dito lang po ako hanggang magising si Jonathan, gusto ko po kasi ay ako ang una niyang makita pagkagising niya"sabi ko kay tito at ngumiti.
" Sige! maiwan na muna kita!"sabi sa akin ni tito at umalis na, tinitigan ko lang si Jonathan. Sana magising na siya.
*Kinabukasan
"Light"sabi ni Jonathan, gising na siya!
" Jonathan sa wakas gising ka na din!" sabi ko at niyakap siya.
" Sabi ko hindi kita iiwan diba? namiss kita" sabi niya sa akin, tuwang tuwa ako dahil gising na si Jonathan.
" Namiss din kita!"sabi ko sa kanya habang naiyak.
" I love you!" sabi niya, hindi ko na magawang sumagot dahil nagising na ako, hays panaginip na naman. teka asan si Jonathan?!Wala siya sa kama niya?! what the!
" Jonathan!" sigaw ko, hinanap ko na din siya sa buong room niya pero wala siya! Hindi kaya?! No!
" Light! hindi ka ba ginising nina mommy"biglang sabi ni Dark sa likod ko, naiyak pa siya, Ano bang nangyayari?
" Wala na si Jonathan, kanina lang!" sabi pa ni Dark kaya napaupo ako sa sofa at umiyak. Bakit?! bakit hindi nila ako ginising bakit?!
" N-nasaan siya ngayon, Dark?" tanong ko.
" Nasa may morgue na siya , I'm sorry Light"huling sabi niya dahil tumakbo na ko papuntang morgue, napadaan ako sa may garden ng ospital at may nakita akong familiar na tao, napatigil ako sa pagtakbo at lumapit dito.
" J-jonathan?!"patanong na sabi ko, humarap siya sa akin at siya nga!
" A-akala ko iniwan mo na ko!"sabi ko sa kabya habang naiyak at hinahampas hampas siya, tumawa lang siya at niyakap ako.
"Magagawa ko ba yun sa babaeng mahal na mahal ko"sabi niya sa akin, kita ko sina mommy, daddy, tito,Dark, Stephen , Laxx at Ethan na nasa likod niya. ano bang meron? at nagawa pa nila akong lokohin ng ganun?
" Tagal kong nawala, Light and let me take this chance para gawin ito."sabi niya at lumuhod sa harapan ko, Oh my gosh?!
" Will you marry me, Miss Light Delevigne De Torres?" tanong niya kaya lalo akong napaiyak.
" I've waited 6 years para mapansin mo ang isang tulad ko tapos another 3 years before nung sinaktan mo ko and another 5 years now, ngayon pa ba ako aayaw? I love the thought of marrying you Mister Jonathan Eli Mendoza!" sabi ko at inilagay na niya ang singsing sa daliri ko at hinalikan ako.
Hindi man naging maganda ang aming lovestory, Hindi man ito naging katulad ng ibang love story na masaya simula sa umpisa pero ayos lang basta sa huli ay kami pa rin, wala na akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari sa amin maganda man o masama.
---------------------------------------------------
Author's Note
Tapos na ang TGYNN! mamimiss ko kayo mga readers ko lalo na ikaw @chinita_queen21 sobrang thankful ko sayo sa lahat ng votes at comment! thank you din sa lahat ng silent readers nitong TGYNN! See you sa next story ko! Gusto ko lang malaman kung gusto niyo ng Book 2 ng TGYNN, Comment lang para malaman ko! Salamat! Saranghae😍😘💕
BINABASA MO ANG
The girl you never notice (Book 1 and 2)
FanficI was the girl you never notice but things change and now I am the girl you always wanted. I am Light Delevigne De Torres, The girl you never notice.