Chapter 15: Unexpected Party?

85 3 0
                                    

Yanna's POV

Nang makauwi ako bitbit ang nabili ko ay agad kong nadatnan ang mga kaibigan ko na nag aayos ng gamit ni Meanne. Samantalang yung pinsan ko eto dali daling lumapit sakin.

"Good timing. I really want to drink some coffee." Nang makalapit na sya sakin ay agad nyang ginulo ang buhok ko pagkatapos ay kinuha ang mga hawak ko. Sya na rin ang nagpamigay ng mga ito dun sa tatlo.o

Kaya naman agad na akong tumuloy sa kwarto ko para magpahinga dahil busy naman sila napagdesisyonan ko na lang  na magpahinga muna. Agad akong humiga sa kama at ipinikit ang aking mga mata.

*whispers* *whispers* *hihihi* *poink*
                *Bounce* *whispers*

Agad akong napamulat dahil sa pagyanig ng higaan ko at ang tumambad sakin ay sina Shyrie at Meanne na nagbubulunga at bounce ng bounce sa higaan ko at si Janice naman na busing-busy sa pamimili ng papatugtugin nya sa speaker.

Seriously? Dito pa talaga sa kwarto ko. Hindi ba nila nakikitang nagpapahinga ako. Nilingon naman ako nung tatlo ngunit imbes na tumahimik ay nilakasan pa nila ang pag uusap.

"Yes!! Haha! Nakapili na ako." Tuwang tuwang sigaw  ni Janice nang sa wakas ay nakapag play na sya ng music agad niya itong nilakasan na halos dumagundong na ang buong kwarto ko.

"Bakit ba dito kayo nambubulabog. Hah?" Kunot noong tanong ko.

"Bakit hindi mo muna itanong kung anong ginagawa namin dito. Yanna?" Tanong ni Janice na patalon pang sumampa sa kama.

"Obvious naman, bakit itatanong ko pa? Bakit nga dito pa kayo magwawala hah? Pede naman sa mga kwarto nyo." Untag ko at bumangon para maghilamos.

"Gusto ko kasi makita ang kwarto mo Yanna. Tsaka kanina tumambay na ako sa mga kwarto nila kaya naisip ko dito naman." Nakangiting pahayag ni Meanne sakin.

"Akala ko ba tambay lang eh bakit may pa music kayo dyan? At talagang nilakasan nyo pa talaga ha." Pamewang ko kay Janice ng makalabas ako galing sa cr.

Agad naman itong nagtago sa likod ni Shyrie kaya sa kanya naman nabaling ang atensyon ko, nagkibit balikat lang sya pero tinaasan ko lang sya ng kilay senyales na hindi ako naniniwala na wala syang kinalaman.

"Okay! Fine! Gusto naming mag inom dito sa kwarto mo. Para hindi ka makatakas. Sakto naman na wala si Kazler dahil pumunta sa kaibigan nya kaya pinalock namin yung pinto galing sa labas para go ka samin." Paliwanag ni Shyrie na talaga namang nagpagising sakin.

"What? Alam nyong ayoko mag inom at lalo na ang tumambay at guluhin nyo ang kwarto ko." Inis na sagot ko.

"Sorry na Yanna! Ito na lang yung paraan namin para makabonding ka." Si Meanne.

Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Meanne bagkus ay humarap ako sa may pintuan. Ngunit parang mga baliw ang tatlo kong mga kaibigan para kumaripas ng takbo at yumakap sakin para pigilan ako.

" Yanna!!! Please wag mo sirain yung pinto huhuhu!!" Umiiyak na pigil sakin ni Janice.

"Yanna! Ano bang akala mo kaya mo yang sirain ha. Baka masugatan o mabalian ka pa. Makisama ka nalang." Gatong ni Meanne.

"I know naman na ayaw mo to. Pero pagbigyan mo na kami. Jebal!" Translation: please. Pagmamakaawa ni Shyrie.

"Ano bang sisirain? Naloloka na ba kayo ha? Sinisigurado ko lang kung talagang naka lock ba sa labas yung pinto.Bitawan nyo nga ako, Hindi pa nga kayo umiinom bangag na kayo. Haysst." Pagkatapos kong tanggalin ang kapit nung tatlo sakin ay umupo na lang ako sa sahig at kumuha na lang ako ng isang lata ng beer para mawala ang stress ko.

Ms.Mapambara Meets Mr.ArrogantWhere stories live. Discover now