Hindi nawalan ng pagasa si Ben kay Leslie. Muli siyang naghanap ng trabaho, kahit sa pagmomodel para kumita ulit ng pera at hindi siya nabigo.
Tinigilan na din niya ang pambababae niya, pinilit niyang tapusin ang kanyang pagaaral habang nagtatrabaho.
Kinuha niya ang kursong HRM dahil alam niyang mahilig kumain ng masasarap si Leslie, para pagdating ng panahon ay maipatikim niya rito ang putaheng singsarap ng pagmamahal niya. Mga naipon niya sa kanyang pagmomodelo ang kanyang ginamit sa kanyang pagaaral at tuition.
Matapos niyang gumraduate ay ginawa niya ang lahat para lang matanggap na chef sa isang five start hotel at dahil din sa tsaga ay hindi siya binigo ng tadhana.
Malaki ang pinagbago niya dahil inulan siya ng suwerte matapos dumami ang nahumaling sa mga niluluto niya. Hanggang sa makapagpatayo siya ng sarili niyang restaurant na pinangalanan niyang BenLeslie. Nakaraan man ang sampung taon ay hirap pa rin niya kalimutan ang kaisa-isang babaeng na espesyal sa kanyang puso.
Kaya naman ay nagawa niya muling balikan ang alaalala nito nang puntahan niya ang dati nilang nirerentahang dalawa na condo at bilhin.
Umuwi din ang Ina nito galing america dahil sa nangako siya na doon ititira ang ina sa dating condo dahil masyado nang dumami anak ni Riza sa kanyang asawa na hindi na maalagaan anv ina. Napapatanong na lang si Riza, bakit wala pa rin siyang asawa? Nabakla na ba?
Bago sila pumasok ay bumuntong huminga si Ben. Pakiramdam niya ay andoon pa rin ang presenya ni Leslie sa condo na iyon kaya naman ay medyo nanubig ang kanyang mga mata at nanginig ang mga kamay nang hawakan ang door knob nito.
"Bakit anak?" Tanong ng kanyang ina.
Hindi napigilan ni Ben at agad siyang napayakap sa kanyang ina habang umiiyak. Akala niya ay kaya niya pero bakit ganun na masakit pa rin sa kanya mga alaala ni Leslie. Parang hirap pa rin niyang tanggapin at nagmistulang tattoo na ito sa kanyang isip.
Naiyak naman ang kanyang ina at ito na ang nagbukas ng condo.
Nang pasukin nila ito ay medyo na rin niluma ng panahon. Dahil lumipas ang sampung taon ay iba't ibang tao na ang umupa rito.
Dahan-dahan namang umakyat sa taas ng condo si Ben ng makita niya ang puwesto kung saan madalas magaral si Leslie. Naalala niya kung gaanu ito ka studious na tao, dito din naganap ang araw kung saan ibinigay ni Leslie sa kanya ang pagkababae niya.
Nasaktan si Ben nang maalala niyang bumagsak sa thesis si Leslie dahil lang sa pambababae niya, noong una niya itong lokohin kay Tenten.
Biglang nagring ang kanyang cellphone kaya sinagot naman niya ito, "Hello."
"Hello, kuya Ben. Kamusta? Andyan na ba si mama?" Si Riza ito't nagagalak sa pagbabago ng nakakatandang kapatid.
"Okay naman siya. Andito na kami sa condo. Ikaw at mga anak mo? Kamusta?"
"Heto, buntis ulit ako. Kuya, may nahanap ako dito sa America na nagngangalang Leslie na pinay daw."
Natuwa si Ben at muling dumalo ang ngiting bihirang dumadalaw sa kanyang mukha.
Hindi siya nagatubiling magayos ng mga gamit at nagbook agad ng ticket papuntang america.
"Ma, kayo na muna bahala sa mga restaurant natin. Mabilis lang ako pupunta sa America."
Ngumiti naman ang kanyang ina at hinalikan siya sa nuo, "Kung magkita kayo muli ng dati mong kasintahan. Siguradohin mong kaibigan lang kayo dahil may asawa na siya at mga amak."
"Opo, mommy. Pangako, ipapakita ko lang sa kanya na nagbago na ako at hindi na ako iyong dating Ben na kilala niya at ipapatikim ko sa kanya ang pinakamasarap na putaheng gawa ko."
BINABASA MO ANG
BEN DEATH AHH
Fiksi UmumThe story is about unconditional love. Yung tipong away bati na relasyon. Bida ay si Ben at si Leslie, san nga ba hahantong ang relasyon nila. Dedicated sa mga tatanga tanga sa pagibig. Warning!! Bawal po to sa may mga sensitive minds and heart. A...