Chapter 2

10.9K 104 24
                                    

Napagisipan na ni Leslie na ipasok si Ben sa Gym kung saan nagtatrabaho ang kuya niya.

"Ben, kuya ko pala. Si Herman. Siya ang Gym Instructor dito". Pakilala ni Leslie.

Nagshake hands naman ang dalawa pero parang duda ang kapatid na lalake.


Nakalipas ang ilang mga buwan ay nagsimula na mag try mag workout si Ben sa gym nina Leslie.

"Leslie, ang hirap! Hindi ko na kaya. Mamamatay na ako sa pagod". Paiyak ni Ben.

"Dapat magkaroon ka ng Self-confidence sa sarili mo. Hindi yung tago ka ng tago sa sarili mong shell bro! Tingnan mo ako. Ganyan din ako nung una. Pero ngayon! Habulin na din ng mga lalake". Yabang ni Leslie.

Bigla napatingin si Ben sa hubog ng katawan ni Leslie na mala hugis Coca cola.

"Ano tinitingin tingin mo dyan gago!" Sabay binatukan ni Leslie si Ben.

"Alam mo! Hindi habang buhay mabubully ka dahil sa salitang baboy o kaya, hirap ka makahanap ng girlfriend dahil Habol na ng mga babae ngayon, yung may pandesal katawan. Kaya malaking tulong din to sayo Ben! Tyaga lang". -Leslie.

Biglang hinawakan ni Leslie kamay ni Ben "Magtiwala ka lang sa akin. Kaya mo yan". At nagkatitigan sila.



Makalipas ang isang taon.

Lumabas ang kagwapohan ni Ben bilang isang mestisohing binata. Natigil na din ang pambubully sa kanya at marami din kinikilig at nagkakagusto sa kanya.

Working student pa rin. Sa tulong ni Leslie ay napasok siya sa Modeling agency na mas malaki ang kita at income.

Madalas silang asarin dalawa na bagay. Pati mga kaibigan ni Leslie kilig na kilig na din pag magkatabi sila dahil perfect chemistry daw.

"Leslie, nanligaw na ba sayo si Ben?". Kilig na tanong ni Sabrina.

"Kaya nga sis bagay na bagay kayo". Pasigaw ni Jean sa kilig.

"Wag kayo pakasiguro. Wala pa rin ako tiwala sa lalakeng yan!". -Bora.

"Di pa naman, kaibigan lang kami". Sagot ni Leslie.

"Pero aminin mo, may feelings ka ba?. Kaw nag-transform kaya sa kanya as hearthrob hunk". -Sabrina.

"Alam mo sis, wag ka masyado pakabait kasi maaabuso ka lang". -Bora.

"Bakit ba sungit nitong tibo na to!". -Jean.

"Excuse me, di ako tomboy! Ayoko lang na masaktan tong kaibigan natin. Dami dami nagkakandarapa sayo tapos siya. Ang dali makuha ang matamis mong oo? Shit talaga! Mas trip ko maglaro ng online games kaysa laruin ako ng lalake. Magpakababa? Amputa naman! No way!". -Bora.

"Tumigil nga kayo dyan. Bestfriend lang kami". -Leslie.

~~~

Pagkauwi na pagkauwi niya. Kumpleto ang Pamilya sa hapagkainan.

"Anak, upo ka muna". Sabi nanay niya.

"Bakit ho? Ano mayron?". Sagot ni Leslie nagtatakang umupo at binaba ang backpack.

"Anak, gusto ka namin ma-engage. Sa kaibigan namin ng nanay mo. Wag ka magalala. Mabait naman yun. Kilala nga ng kuya mo eh". Pakiusap ng tatay niyang na isang kilalang mayaman na business man.

"Ayoko! Ayoko! Ayoko!!!". Pasigaw na sabi ni Leslie at nag walk-out siya't umakyat sa kwarto niya at nag-lock ng pinto at umiyak.

"Ayoko na maikasal ng Parental. Gusto ko muna makaramdam ng True love. Never pa akong nagka-boyfriend." Ani ni Leslie ng paiyak na kinakausap ang sarili.

Biglang may tumawag sa kanya at si Ben ito.

Sinagot ito ni Leslie at nahalata ni Ben na parang umiiyak ito.

"Leslie, kita tayo sa park! Wag ka umiyak!". -Ben.

~~~

Nagkita sila sa park at sinabi ni Leslie lahat ng problema niya kaya napayakap si Ben kay Leslie.

Don na nag-confess bigla ang binata sa nararamdaman niya.

"Leslie, matagal ko na itong tinatago. Kaya wala pa ako nagugustohan dahil tumitibok na ang puso ko sa isang babae lamang at di ko na to mapigilan pa". -Ben.

"Sniff! Congratz! Sino naman yung masuwerteng babae na yun?". -Leslie.

"Ikaw". -Ben.

Biglang napatingin si Leslie sa mga mata ni Ben at biglaan itong hinalikan ni Ben.

~~~

Kinabukasan habang papasok sila sa college nila ay nakita nila itong mga madaming rosas galing kay Ben.

Biglang nagtaka si Jean at nasilip ang nakasulat sa papel kaya sinabi na ni Leslie lahat patungkol kay Ben at ang First kiss niya!

BEN DEATH AHH Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon