Chapter 2

17 5 0
                                        


Chapter 2

Kathrina's POV

Pagkatapos ng kwentuhan namin ay umuwi na rin kami. Bago ako umuwi nagpunta muna ako sa locker ko para ilagay yung mga librong hindi ko na kakailanganin sa pag uwi para magaan na lang yung bag ko. Bago ako makapunta sa mga lockers may narinig akong nag uusap.

"Kilala ko na kung sino siya..." sabi ng isang boses babae..

"Sino?" Tanong ng isang boses ng babae ulit.

"Si---"

'Booooogshhh!!!'

Di na niya natapos yung sasabihin niya kasi may bigla nalang sumabog sa may bandang parking lot ng school. Tumakbo silang dalawa dun at syempre curious din ako kaya nakitakbo rin ako sa mga kumpulan ng students.

Nakita ko na lumapit yung isang babae na nakikipagusap kanina sa locker sa kotseng umuusok pa and then bigla na lang siyang napaiyak ng malakas. Lumapit ako ng konti para mas makita ko yung nasa loob ng kotse at laking gulat ko nang makita ko ang isa sa mga kaklase kong babae na si Cartania, ang pinakamatalino sa batch namin, na puno ng dugo ang katawan at mukhang patay na.

"STUDENT'S!!! UMALIS KAYONG LAHAT DIYAN AT PUMUNTA SA SOCCER FIELD! NOW!!!" Sigaw ng head ng teachers dito sa school. Ano ba yan! Uuwi na nga lang ako, di pa matutuloy. Kumakalam na yung sikmura ko Serrrr!

Pumunta na kaming lahat dito sa scoccer field at nakinig sa mga pinagsasasabi nitong Principal na toh. Sinabi niya lang naman sa mga estudyante ng HU na wag daw matakot dahil mareresolba rin daw nila toh at ipapakulong ang may sala. Bwisit na mga pulis! Kung alam niyo lang, Bluehead Gang nanaman yung may gawa niyan. Di na sila nasanay. Since last last year, pag wala sa mood at walang magawa ang mga Blueheaders ay nagpapasabog sila ng kung ano ano at kung saan saan. Nakakabanas na. Paulit ulit nalang.

Pinauwi na kami matapos ianounce ng Principal yung mga ipapaalala niya. Hayyyy! Salamat at mararamdaman ko na rin ilang minuto nalang yung mga masasarap na pagka---!!!

"HOY! BABAENG NAKA UNIFORM NA HILAW AT NAKA RUBBER SHOES NG ITIM! IKAW BABAE NA ANG PANGET PANGET! LUMAPIT KA NGA RITO AT NANG MAY MAGAWA KAMI!" Sigaw ni Bryan. Leader ng Bluehead gang. Mukhang mabibitin yata ang sikmura ko dito ah? Kanina pa ako gutom! Bakit ayaw niyo akong pakainin?! At ano daw? Panget ako?! Ako ba yung tinutukoy niya?!

Humarap ako sa kanila at tinignan ko sila ng masama. Pag gutom ako ayaw ko nang nabibitin! Ginagalit niyo yung Anaconda sa tiyan ko! At positive! Ako nga yung sinigawan niya. Naka uniform at naka rubber shoes ako ng itim. Tignan natin kung hanggang saan kang bakulaw ka! Nambibitin na nga, nanglalait pa! Bwisit!

"Ano?!" Galit na sigaw ko sa mga impaktong ito. Lumapit naman sa 'kin yung dalawang unggoy na alagad ni Brayan bakulaw at nakangiti pa sila. Wait lang tummy ha? Tatapusin ko lang ang mga unggoy na ito. Wag ka muna mag wawala dyan ah? Baka bigla ko nalang silang ipalamon sa tigre sa Zoo. Naku! Mauubos sila dun!

"Mukhang matapang ka miss ah? Ang pangat panget mo, may gana ka pang magalit sa amin?" Aba! Aba! Aba! Sumusobra na toh ah! Panget daw ako?! Lumapit ako sa unggoy na mukhang aswang tapos hinawakan ko yung mukha niya ng may ngiting matatamis sa labi. Ang gaspang naman ng mukha nito. Mukhang kulubot na tinubuan ng mukha eh. Kadiri!

"Baby, wag ka naman ganyan, magtatampo ako sa'yo niyan eh.." Malambing na sabi ko sa kanya. Hoy, kung hindi niyo naitatanong eh best actress po ako sa theater arts namin ano!

Lumapit siya sa 'kin at akmang hahawakan na sana niya yung beywang ko pero agad akong lumayo sa kanya at sinipa ko yung ano niya! May uulamin ka na mamaya unggoy! Scrambled na ata eh! Bwahahaha!

How To Make You Fall?Where stories live. Discover now