Chapter 3
Kathrina's POV
"Ha. Ha. Ha. This is not a good joke, you b*stard! What are you saying?" Kunwaring tawa ko sa sinabi niya. Sa totoo lang, di na ako natutuwa sa mga pinagsasasabi nitong b*stardong lalake na ito na bigla nalang sumulpot nung isang gabi at may kung ano anong sinabi sa akin na nagpasakit ng ulo ko and boom! Nahimatay nalang ako then nasa ospital na ako at nandito na naman siya, kung ano anong mga walang kwentang biro ang pinagsasasabi. Dalawang araw akong nakahilata dito sa ospital pero yung sakit sa ulo na naramdaman ko nung nahimatay ako eh nandito parin. Mas lalo pa ngang sumakit nung nakita ko nanaman siya eh. Mapapasabi nalang ako ng 'WOW! Magic!' dahil sa nakakalokong mga pangyayaring nagaganap ngayon sa mundo. Nakakahigh blood(PS. Wait hihinga muna ako. Ang lalim nung mga sinabi ko ah? Big word!)
"Totoo yung sinasabi niya, Elly..." Dagdag pa ng kuya kong tsonggo. See? Ang gagaling nilang magbiro. Lalong sumasakit ulo ko eh. Buset.
"So? Tingin mo paniniwalaan ko kayo? Ma, patigilin mo na nga sila kuya sa pagbibiro. Di na ba nila alam yung salitang 'serious'," Nag quote and unquote sign pa ako."--yung gusto kong pag usapan?" I asked, with frustated voice, to Mama.
"Jacob! Wag niyo nang pasakitin ang ulo ng kapatid niyo. Kagigising niya lang oh. Pagpahingahin niyo muna siya. Saka niyo nalang sabihin yang mga yan pag magaling na siya. Kayo ang gumawa ng kalokohan dito kaya kayo ang magtiis." Sabi ni Mama sabay tingin sa akin."Anak, gutom ko ba? Gusto mo bang magluto ako ng sopas para sayo? Sigurado ako miss mo na yung luto ni mama. Wag kang mag alala dadamihan ko yung lulutuin ko para makabawi ka ng timbang. Ang payat mo na Princess oh!" Malambing na aniya. Tumango nalang ako kasi ayoko namang humindi kay mama, baka magtampo siya eh di niya pa ako pakainin. Ganyan ugali niya eh. Masyadong matampuhin. Buti nalang selosa lang ako. Di ako masyadong tampururot katulad ng modrakels ko. XD
"Jacob bantayan niyo muna yang kapatid niyo ha? Magluluto lang ako dyan sa baba. Wag niyo siyang papabayaan ha?" Paalala ni Mama kila kuya.
"Ma, may pupuntahan po kasi kami ni Jason eh. Diba Jason?" Napasimangot nalang ako kasi hindi naman kapanipaniwala yung pinagsasasabi niya. Tamad lang yan magbantay eh.
"Ma, ako rin. May date kami ni Sandra." Sabat naman ni Kuya Joshua. Weh? Kala ko ba break na sila nun? Nakita ko siyang may kahalikang boylet sa school ah? Bulag sa pag ibig ang mga kuya ko. Buti nalang ako di pa nasasaktan. Bwahahaha! Matibay ata toh? Di naiinlababo kaya di ako naniniwala sa mga sinasabi nila Kuya kanina. Paano ako magkakaroon ng boylet kung hindi pa ako naiinlab? Mga peste! Bumalik nanaman yung sakit ng ulo ko. Ughhh! It hurts a lot pero di ko pinapakita kila mama na nasasaktan ako para di na sila mag alala.
"Kung aalis kayong tatlo, sinong magbabantay sa kapat--?"
"Si Alex!" sabay sabay na sabi nila kuya.
Nah! Never in my 'hella world that I'll be with this nonsense guy! I rather be alone in this white room.
"Alex, ayos lang ba sayo 'yun?" Hah! At talagang siya pa ang tinanong ni Mama imbis na ako?! Great! Just Great! Sakit sa bangs ehh!
"It's my pleasure to be with my girl, Mama. At saka ayaw ko naman pong maiwan ang maha-- I mean si Kathrina na mag isa dito." Nye! Nye! Nye! Hoy! Feeling pang tumawag ng Mama! Porket gwapo ka 'kala mo di kita matatanggihan?! But before I could speak my thoughts, my mother made a decision then left. Hayyy! Grabe si tadhana sa'kin ngayon.
"Bye bye 'lil sis! Hey, Alex don't hurt my sister, Arrasso?"(Arrasso-alright)
"Ne, Hyung. You can trust me. Sa tagal ba naman naming hindi nagkasama, sasayangin ko pa ba to? Kailangan ko nang masulit ang pagkakataong ito para bumalik na siya kaagad sa akin. Ingat, Hyung!" Okayyyyy? What are they talking about? I'm perfectly Out of place. When the three eggs stormed out of my room, may bigla nalang tumikhim sa gilid ko at dun lang ako naalimpungatan.
![](https://img.wattpad.com/cover/152312683-288-k615199.jpg)
YOU ARE READING
How To Make You Fall?
RomanceWritten by: joanapangit *** Three guys. The bully. The mysterious. The ex. Who will I choose? Please help me. *** PS. Wag niyo po masyadong pagtuunan ng pansin 'yong gawa ko kasi di po ako makakapag update daily. Busy po ako. PPS. Kung di ka po maru...