Chapter 1

20 3 0
                                        

Chapter 1

Kathrina's POV

"Anak, gumising ka na! You're going to be late on your first day sa school." narinig kong panggigising ni Mama sa maganda kong tulog habang niyuyugyug ako. Hayyyy!

Pagbukas ko sa mga mata ko, nakita ko ang nakangiting mukha ni Mama sa harap ko."Bumangon ka na dyan at mag ayos ayos. Nakuuu! Kanina pa naghihintay ang mga kapatid mo sa baba. Dalian mo na, anak..." Pagkasabi palang ni Mama na naghihintay na ang mga kapatid ko biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang mga naiinis na mukha ng mga kapatid ko. Sermon time. --_--

"Ano ba! Kanina pa kami naghihintay sayo sa baba! Bangon na at First day natin ngayon sa school! Wag ka nang magbagal bagalan diyan at malelate na tayo! Nakakabadtrip ka alam mo ba yun?! Panget mo!" Nakabusangot na pagpapangaral sa akin ng pinakabungangero kong kapatid na si Kuya Jason. Ang panganay sa aming magkakapatid.

"It's already 6:00 am, at 7:30 ang simula ng klase! Hindi pa natin nahahanap ang mga classrooms natin! Faster kung ayaw mong iwan ka namin! Panget ka na nga mabagal ka pa!" Pananakot pa ni Kuya Jacob na pinakapanget sa kanila. Hahaha! Joke lang! Siya rin ang pinakamaingay.

"Hanggang 6:40 lang kami maghihintay sayo at pag hindi ka pa natapos ng 6:40, iiwan ka na namin. Bahala ka na sa buhay mo pag nahuli ka sa First day. Marami na niyang tao kaya bilis bilisan mo. Bruhilda." Dagdag pa ni Kuya Joshua na pinakakalmado sa kanilang lahat at pinakamasungit rin. Ang harsh naman nila sa akin. Huhuhu! To the max sila kung manghusga! ToT

"Oo na! Oo na! Magsilabasan kayo dito sa kwarto ko kung gusto niyo akong makapag ayos ng mabilis! At saka maganda ako kahit saang part ng mukha noh! Nagmana kaya ako sa kagandahan ni Mama at kagwapuhan ni Papa! Chupi!" Pagtataboy ko sa kanila para hindi na sila dada ng dada sa kwarto ko dahil lalo lang akong naaalibadbaran. Ang iingay!

Ang aga aga pa eh! Palibhasa kasi ayaw ng nakikipagsiksikan ng mga yon kaya maaga silang nagsipaggising. Kalalakeng tao akala mo kung mag inarte mga babae! Kainis kasi nagiisa lang akong babae sa aming apat. Meron akong mga bwisit at nakakairitang mga kuya na mukhang tsonggo. --_--

Saktong 6:40 ako natapos sa lahat ng kailangan kong gawin sa sarili ko at nagpasyang bumaba na. Nakita ko naman na abala si Kuya Jason at Kuya Jacob sa video games habang si Kuya Joshua ay nagbabasa habang nakaupo sa sofa sa sala.

Napaangat ng tingin si Kuya Joshua sa akin at tumayo na siya. Nakita ni Kuya Jacob si Kuya Joshua na tumayo kaya napalingon siya sa hagdan at nakita akong papababa. Natalo si Kuya Jason kaya siya yung nagliligpit ng pinaglaruan nila." Hay salamat natapos ka rin! Grabe ang bagal mo! Suot mo nanaman yang disguise na yan,panget ka na nga, pinapapanget ka pa lalo! Bakit kasi hindi ka nagmana sa akin?" Sabi pa niya at nag inat.

"Maputulan ka sana ng ugat sa paghihikab. Ang panget mo kaya." Bulong ko sa gilid ko at mukhang narinig niya ako kaya agad niya akong sinugod.

"Anong sabi mo?!" sabi niya pa habang nakakurot sa pisngi ko. Ouch!

"Kuyaaaa! Machaket!" Shocks! Sobrang lawlaw na ng pisngi ko sa kakakurot niya. Huhu.

"Jacob, tigilan mo na sya. Malelate na tayo. Mas lalo siyang pumapanget eh."
Pang aasar pa ni kuya Jason at nagtatakbo siya ng tawa ng tawa palabas sa bahay. Hayyyy...

"Bwisit kayong mga tsonggo kayo! Mas panget kayo sa 'kin noh! Kamukha niyo yung mga alagang unggoy ni Mang Kaloy!" Bwisit! Hirap maging bunso.

"Jason at Jacob, tigilan niyo na ang kapatid niyo. Hindi na kayo nagsitino. Kinakawawa niyo si bunso eh." Nagulat ako kasi biglang sumulpot si Mama sa likod ko. Aatakihin yata ako sa puso ni mama eh. Parang kabute."Wag mo nalang pansinin yang mga kuya mo. Para rin naman sa misyon niyo yan eh. Para sa akin ikaw parin ang pinakamaganda kong anak." She never fails to make me happy. Kahit nahalatang nambobola lang si Mama. Nag iisa lang kaya akong babae.--_--

How To Make You Fall?Where stories live. Discover now