CHAPTER 14: >>> JAMES SANCHEZ <<<

11 7 5
                                        


Nemmie's POV

Mall mall mall -_-

Sino ba nagsabing gusto kong magmall. Ang dami daming tao, ang haba haba pa ng pila kahit saan. Dapat pala nagpabili na lang ako dito kay Cheann ng gamit para sa school, kaso kawawa naman sya kung madami syang bibitbitin. haaaays -_- nandito na kami eh, wala nang atrasan.

"Nem, alin maganda dito? ang hirap naman mamili, ang gaganda kasi ehhhhh" sabi ni Cheann na mukang nagniningning ang mata nya sa mga notebooks na nakikita nya. Di naman ako mapili masyado sa mga notebooks kaya kahit anong may touch of violet lang, okay na sakin ^_^

"Kahit alin dyan okay lang naman. Isang sem lang naman gagamitin"

"EEEEEEEEEEEHHHHHH. Gusto ko talaga sila lahat. ang hirap mamili. ang gaganda lahaaaat"

"Eto yung sakin. Pili ka na muna dyan, dun lang muna ko sa mga books"

"Oh sigeee. Puntahan na lang kita pag nakapili na ko hahaha."

Titingin muna ko ng mga manga, mukang matatagalan pa sya dun sa pagpili ng extravagant notebook nya hahaha.

"Ayy kuya, nalaglag nyo po yung pan--- JAMES?!" nalaglag nung lalaki yung panyo nya, at may nakaburdang James ulit dun. Gaya nung panyo na binigay sakin nung anonymous nung BH ako.

"Ayy, thank you miss. Pano mo ko nakilala?"

Waaaaah! Bakit ang gwapo naman ng nasa harap ko? Sya ba yung nagbigay ng panyo sakin? Very generous na, very handsome pa hahahaha.

"Hehe, nakaburda kasi sa panyo mo eh" ^_^

"HAHAHA! Oo nga pala, yung mga panyo ko may burda ng pangalan ko. Teka, parang pamilyar ka sakin"

"A-ako? Hmm. Di ko sure kung nagkita na ba tayo dati? Sige una na ko. Bye!" Baka mamaya naman kasi holdaper pala to. Nako! kahit pogi to, ayoko maholdap noh!

"Wait! Ne-Nemmie?"

Halaaaa. Bakit nya ko kilala? Baka hindi to holdaper, baka stalker ko? Wow! ganda ka teh? ganda ka? HAHAHA teka teka! di ko sya lilingunin bahala sya!

"Di mo na ba ko nakikilala Nemmie?" hinawakan nya yung wrist ko para pigilan ako. Hindi kaya, hindi kaya ... O-M-G!

"James Sanchez?"

"YES YES! Ako nga!" :)

OMG talaga! ang gwapo gwapo na ni James! Ang laki laki na nya! Matangkad, maputi, singkit, machoooo! OMG! gwapo talaga!


"Nemmie? Okay ka lang? bakit natulala ka na dyan?"

"Ah- eh, ano kasi. ahm .. Ang laki ng pinagbago mo. Ilang years din ang nakalipas. Sorry kung di kita nakilala agad."


"Ayos lang. Hahaha, ikaw din. ang laki ng pinagbago. Who you na sayo lahat ng nang aapi sayo noon. Sobrang ganda mo na at di na chubby" nakangiti nyang sabi. nasabi ko na bang muka syang anghel? ang gwapo nya ngumiti at tumawa.


"Namiss kita Nemmie" hindi ako makagalaw. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. His voice was so sweet. I feel the sincerity of his words. Parang nagugustuhan ko yung moment na to. Yakap yakap nya ko. Para syang kapatid ko na matagal nang nawala at ngayon nagkita na ulit kami.


"Ehem!"

"Ayy, Che kanina ka pa ba dyan." mukang tapos na mamili ng notebook si che. Pero mukang napipi na rin sya. Di na sya makapagsalita.

"Uy cheee!"


"Ah o-oo, gu-gusto ko. Mukang masarap nga!" hala, nabaliw na ata tong kasama.

"Wala naman akong tinatanong kung gusto mo. Sya nga pala, si James, kaibigan ko nung bata pa ko. James, si Cheann..." hala, ano ko ba si cheann ahahaha "kasama ko sa bahay"


"You mean sa ganda nyang yan, kasambahay nyo lang sya?" sabi ni James na mukang nagpapula sa cheeks ni che. Kahit naman sinong babae ang sabihan nito ni James ng ganon, talagang kikiligin noh kaya di ko sya masisisi



"No. Basta kasama ko sa sa bahay. Sige James, una na kami ha. Mukang napipi na tong kasama ko. Bye bye!"

"Sige, See you soon!" ^_^

THE NEW BEGINNINGMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon