Nemmie's POV
"NEEEEEEEEEEEEEEEEEEEM!!! GISING NA!!! FIRST DAY NG COLLEEEEEEEGE!"
waaaaaaaah! Ang sakit sa tenga! Ang aga aga parang may sunog kung makasigaw naman to si Cheann. Syempre naman kanina pa ko gising noh. First day ng college namin, kinakabahan ako nang sobra. Ni hindi nga ako makatulog kagabi sa sobrang excitement at kaba. Ang dami dami kong iniisip na pwedeng mangyari.
Scenario 1: Pano kung yung katabi ko super pogi, tapos maiinlove sya sakin, tapos sweet kami lagi, tapos sabay kami kakain sa break time, tapos sabay kaming uuwi, tapos sabay kaming mag aaral, tapos malalaman ko na sa kaibigan ko pala sya inlove, tapos inlove sila sa isa't isa, tapos maiiwan nanaman ako mag isa. TAPOS! hahaha. Deja vu ang peg
Erase Scenario 1, wag mainlove sa papogi lang. Dapat makita yung sincerity ng kalooban nila.
Scenario 2: Pano kung yung katabi ko, adik? Yung tipong manyak. Titingin lang sayo pero parang hinubaran ka na. Then amoy sigarilyo pag pumapasok. O kaya namummula yung mata kasi nakadrugs. WAAAAAAAAH!!!! wag naman po Lord!
Scenario 3: Pano kung may mga mean girls sa school at ako ang napag tripan. tapos lalagyan nila ng glue yung upuan ko at hindi na ko makaalis. O kaya lalagyan nila ng mga insekto yung locker ko. Huhuhuhu. Ayoko diiiiiin!
Scenario 4: Pano kung terror yung teacher ko tapos...
"NEMMIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE! di ka pa ba gising?!"
haaaay. tama na nga kakaisip. magbebreakfast na ko. Pero Lord, wag naman po ganun ha? Be the center of my college life <3
"Good morning Nem" ^_^ bati ni Cheann.
"Good morning ganda. Here's your breakfast" *u* eto nanaman yung papogi nyang kambal, di naman pogi. charooot haha. Pogi naman sya, magaling pa magluto. Gusto nya daw sya nagluluto lagi dito kaya eto, yung breakfast namin, sya ang nagluto.
*nom nom nom* HMMMMMM! ang saraaaaaap! sobrang saraaap. nakakagana kumain.
"hinay hinay lang ganda. di ka mauubusan. Nawawala na yung poise hahahaha"
Epal talaga tong Carlo na to -___- eh masarap tong luto nya eh.
"Ano ba tawag dito?" ngayon ko lang kasi natikman yung gantong breakfast. Bago sa panlasa ko.
"Ang tawag dyan ay.... di ko alam. Kailangan pa ba yun? Basta masarap okay na hahaha" Hay nakoooo. Weak talaga to, lahat ng pagkain may pangalan.
"Tawagin na lang natin tong PACHAM ALA CAL"
"Mukang sosyal ah, san mo naman nakuha yun? Galing talaga, maganda na, matalino pa" duuuuuh! napakasimple lang, patsamba lang nya tapos ala CAL C-Carlo, A-Austin L-Lucas, pangalan lang nya hahahaha.
"Secreeeet! Tara na pasok na tayo, baka malate pa tayo"
"SIGEEE!" sabay pa yung dalawang kambal hahaha. alangan namang tatlong kambal. edi triplets na yon. bad trip HAHAHA.
*ROMAJI UNIVERSITY*
WHOOOOO! hingang malalim. Kinakabahan akooo. Eto na yun. College na ko. Magkaklase naman kami nila Cheann at Carlo kasi gusto rin daw nila makatulong sa business namin bilang utang na loob.
Busy si Cheann magsulat sa notebook nya. Si Carlo naman nakikipag usap sa mga babae naming mga kaklase, chikboy. haaays. Walang kumakausap sakin. How sad naman :(
"Nemmie?"
OH EM GEE! yung puso ko, malalaglag na. Ang gwapo naman talaga nya kasi. Namiss ko tong lalaking to. Ang tagal ba naming di nagkita. Gusto ko pa sya makilala ngayon.
"Hi James. Dito ka rin sa class namin?" sabi ni Cheann.
"Ayy oo. Hi Cheann. Magkakaklase pala tayo. We can get to know each other better"
"Teka, eh diba mas nauna kang nag aral sakin dati? Di dapat tayo same year level." kasi nung grade 1 ako, grade 2 na sya. hmm.
"Ahh ano kasi, nagstop ako ng 1 year para talaga hanapin ka at makasabay ngayong college." ^_^
"Sweet naman" bulong ni Cheann pero rinig ko kaya hindi na bulong HAHAHAHA.
"Ahh ganun ba. Punta muna kong CR." paalam ko sa kanila.
Di ko na mapigil eh. Sobrang kinakabahan kasi talaga ako ngayong first day eh.
Sa paglakad ko, bigla na lang akong napahinto. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Para bang sasabog yung puso ko. Gusto kong tumakbo. Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak. At gusto ko syang lapitan at sabihin sa kanyang...
"Nemmie. I missed you so much" Bulong nya sakin habang yakap yakap ako. Niyakap ko rin sya pabalik. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Pero saya at kilig ang nangingibabaw. Bigla na lang syang nawala pero eto na sya ulit. Kasama ko, kahit sandali ko lang sya nakasama noon. Kahit hindi ko pa sya masyadong kilala, sobrang gaan talaga ng loob ko sa kanya at para bang ayokong di ko sya nakakasama.
"Namiss din kita Nemmuel"
BINABASA MO ANG
THE NEW BEGINNING
Teen FictionThis story is fictional but might be happening to you or someone else. This was not just a story to make readers kilig and fall in love. It will also enlighten us that we are special no matter how the world discriminate us. ❤
