Prologue

62 13 50
                                    


"Oh my Gosh! Princess! nandito kami!" narinig ko ang sigaw mula sa kabilang kalsada.

Napatingin agad ako sa kanila, Napakaraming sasakyan sa daan, Maingay na kalsada, mga batang naglalaro sa kalye, mausok, mabaho, pero on the other side maiisip mo parin na totoo nga pala talagang "There's no place like Home."

Home...... Am I really home?

"Hey! Princess! Wag kang tatawid, Hintayin mo kami dyan! hahanap lang kami ng way para mailipat itong car diyan sa kabilang kalsada. Remember! Wag na wag kang tatawid mag-isa!" Sigaw si Drew. 

Sinunod ko naman ang request nila. And besides, they knew that I really won't cross the Highway by myself. They knew that may phobia ako sa maraming sasakyan at crowded na lugar.

Agad silang nagtakbuhan papalapit sakin. Inaamin ko, I really missed them. I really missed my best friends.

'Drew': Ang nag-iisang lalaki sa barkada, even if he's a guy, his heart is as soft as girl. basta para sa aming mga kaibigan niyang babae, gagawin niya ang lahat.

'Justine': He's a gay, but he's more like a brother to me. his heart might be soft an ordinary girl, but his heart is as firm as a real brother.

'Zei': She's more like a sister to me, the most mature sa aming magbabarkada. She's an Intelectual girl, Straightforward and always on point. Kaya nga siguro walang lalaking papasa sa kanya. lahat nalang yata ng nanligaw sa kanya wala ni isa man ang pumasa.

"Ano kaba naman Nics, kung nagsabi ka lang ng maaga edi sana nasundo kapa namin sa Airport. Nakakaloka ka Gurl!" Pagrereklamo sakin ni Justine.

"Oh ano na? Kamusta ang Canada? I'm sure mayaman, mayaman sa mga gwapo.!" Pahabol ni Justine.

"Huy! Tumahimik ka ngang bakla ka!" Pagbabawal sa kanya ni Zei.

"Alam mo naman diba? Pwede wag muna yan ang itanong mo?" Paalala sa kanya ni Zei.

"Ano pa nga ba, Halika ka. Marami tayong pagkukwentuhan, And Remember! lahat ikukwento mo samin. Lahat lahat." Sabi ni Justine.

Agad nila akong hinila at inaya sa sasakyan. Hindi manlang nila ako hinayaang magsalita. Well, I understand them, dahilan lang siguro yun ng sobrang pagkamiss nila sakin. Remember, hindi ko sila nakita within 3 months, that 3 months was like 3 years for me. Sobrang namiss ko sila.

Naglalakad kami ng biglang may narinig nalang akong isang sigaw mula sa malayo. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko ang boses na yun.

Si Mark.....

Teka, nabanggit ko ba sa kanya na ngayon ang balik ko galing Canada? Paano niya nalaman?

"Speaking of the Devil." Mahinang sabi ni Zei sabay irap.

"Hay ano pa nga ba, Wala tayong magagawa, boyfriend yan alangan namang bawalan natin diba?" Sagot ni Justine.

Yes, Mark is my Boyfriend..... Pero,

"Kung di lang dahil sa kaibigan natin matagal ko nang pinagapang sa simento yan." pagyayabang ni Drew.

"Princess, sabay kana sakin? Halika na." lumapit sakin si Mark at hinawakan ako sa kamay.

"Teka-teka, Bro. We're here para sunduin si Princess. and Besides, pagkatapos ng ginawa mo kay Princess sa tingin mo papayagan namin siyang sumama sayo?" Hinawakan ni Drew ang braso ni Mark na nakahawak sa kamay ko.

"Mark please, hindi ba malinaw sayo na ayaw kang makita ng kaibigan namin? So please Mark, para wala ng gulo umalis kana." Pakiusap sa kanya ni Zei.

"Pwede ba wag kayong makialam? Mga kaibigan lang kayo! boyfriend niya ako, kaya pwede bitawan mo ang kamay ko kung ayaw mong basagin ko yang mukha mo!" Pagbabanta sa kanila ni Mark.

"Sige subukan mo! Bakla ako pero sayo ko pa lang masusubukan ang pagiging lalaki ko! baka mauna pang mabasag ang mukha mo." Pasigaw na sagot ni Justine.

"Aba mayabang kana ngayon ha. Gusto mong tirisin kitang bakla ka!" Sigaw ni Mark

"Sige Subukan........" agad ko silang pinigilan. Ayoko ng ganito, ayoko ng gulo.

"Please stop.. Tama na!" Sigaw ko sa kanila.

"Sige, sasama na ako sayo. basta wag mo lang sasaktan ang mga kaibigan ko." pakiusap ko kay Mark.

"Princess! Ano kaba? mamaya kung ano nanamang gawin sayo ng siraulong yan!" pagtatanong sakin ni Drew.

"Drew please. Okay lang ako. Promise, tatawag ako kaagad pag nakauwi nako." Pakisap ko sa kanila.

Huminga siya ng malalim at tumingin samin..

"oh sige, basta tumawag ka kaagad sa kahit na sino samin ha? magkakasama lang naman kami. magsabi ka lang kung may nangyari sayong masama. kahit nasaan kapa pupuntahan ka namin." Sambit sakin ni Zei.

Lumapit si Mark kay Drew at Justine..

"Abswelto kayo ngayon, may araw din kayo." sambit ni Mark sa kanila.

Agad akong hinatak ni Mark papalayo. Agad na sumakay sa sasakyan at pinaandar ito ng mabilis. Hindi ko manlang nagawang magpaalam sa mga kaibigan ko. pero wala naman akong magagawa. Para makaiwas gulo at mapahamak ang mga kaibigan ko ako nalang ang magpaparaya.

Tumulo nalang ang luha sa mga mata ko.

"Daddy, miss na kita." bulong ko sa sarili ko.

"Im sorry. I didnt mean to hurt you, Mahal lang talaga kita ng sobra kaya takot akong mawala ka." hinawakan ni Mark ang kamay ko.

Hindi ako sumagot at tumingin nalang sa malayo. pasimple kong pinunasan ang mga luha ko para hindi niya mahalata na umiiyak ako.

"Hindi ka manlang nagparamdam ng 3 months sakin. I know nasaktan kita, pero pinagsisisihan ko na ang nagawa ko sayo. hinding hindi ko na uulitin."

Hindi ako umimik sa mga sinabi niya at nagpatuloy sa pagtingin sa malayo.

"Ano ba ang nangyari sayo within 3 months?" tanong niya sakin.

"Magkwento ka naman sakin. Susunod sana ako dun kaso hindi ko naman alam kung nasaan ka. hindi ko alam kung okay ka lang o napano kana. Kung tatanungin ko naman ang mga kaibigan mo im sure, 100 % na hindi sila magsasabi ng totoo kung saan ka tumutuloy." Pahabol niya.

Tumahimik lang ako. tumitig sa araw na palubog ka. Sa mga ibong masayang lumilipad sa langit.

Kung sasagutin ko ang tanong niya?

ang masasabi ko lang.

Sa loob ng 3 months na naroon ako sa Canada, Every day na binigay ng Diyos was the most happiest days of my life. Not because I felt the freedom na matagal ko ng hinihiling.

But because of someone...

That someone made me feel my worth, and made me believe na kahit sa sandaling panahon lang mahahanap mo yung kokompleto sa buhay mo.

I would never regret that moment na kasama ko siya sa kahit na sandaling panahon lang.

I grab the piece of safety pin (Pardible) inside my pocket at tumitig dito.

hindi ko mapigilang tumulo ang luha sa mga mata ko.

I'm sorry Matthew... I'm sorry...

---

The greater your capacity to love, The greater your capacity to feel the pain.

The greater your capacity to love, The greater your capacity to feel the pain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Faith, Hope, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon