Chapter 4 - Letting go

39 7 25
                                    

Matthew's POV

"Ganyan naman talaga pag nagmamahal diba? Minsan may mga bagay na kahit bigyan mo ng sobrang effort, na kahit pagbuhusan mo man ng buong oras at panahon, kung hindi talaga para sayo, hindi magiging sayo." Sambit sakin ni Zei habang nakaupo kaming dalawa sa tabi ng hagdan.

Hinawakan niya ako sa kamay at pilit na pinapagaan ang pakiramdam ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, sa mga panahon na hindi ako okay, palagi siyang nandito sa tabi ko.

"Sinubukan ko namang tumingin sa iba, magmahal ng iba, buksan ang puso ko sa mga taong gustong pumasok sa buhay ko, pero kahit anong gawin ko siya parin talaga ang laman nito." sagot ko sabay turo sa puso ko.

"Matt, masyado pa sigurong maaga para sumuko ka. Ano kaba? Papayag kaba na lahat nalang ng effort mo ay i-grab nalang ng i-grab ni Mark? Syempre kung ako din naman ang tatanungin, ikaw ang gusto ko para sa bestfriend ko." hinawakan ako ni Zei sa balikat.

napatingin lang ako sa mga mata niya. Huminga siya ng malalim at pinunahan ang mga luha ko.

"Gustuhin ko man na sabihin sa kanya ang lahat ng ginawa mo para sa kanya, pero pinili ko paring manahimik dahil parehas ko kayong kaibigan, parehas kayong importante sakin. Ayaw din kitang pangunahan sa bagay na yun dahil ikaw ang may karapatang sabihin sa kanya ang lahat." pahabol niya.

"Gustuhin ko mang subukan pero huli na ang lahat." sagot ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba hindi nakakahalata si Princess this past few years?" tanong niya sakin.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Remember yung time na namatay ang dad niya? You followed her kahit saan siya pumunta. hindi mo inalis ang tingin mo sa kanya. And that time na binigyan mo siya ng panyo? hindi mo ba alam na baka pumasok narin sa isip niya na baka hindi si Mark ang nagbigay sa kanya ng panyong yun?" Tanong sakin ni Zei.

"And that time na nalasing siya dahil may event sa school? Ikaw ang nag-uwi sa kanya sa bahay namin dahil busy si Mark that time sa party at napabayaan na si Princess mag-isa sa table? Naiwan sa kamay niya yung butones ng polo mo?" Sambit niyang muli.

"And that time na nagpalipad ka ng hundreds of sky lantern nung 18th birthday niya? Yung effort mo para lang makita niya lahat ng iyon? Na walang kamalay-malay ang lahat at inakalang si Mark ang may gawa? Hindi mo ba alam na nakakaramdam na siya na ang lahat ng yun ay hindi gawa ni Mark?" kwento niya sakin.

"And yung time na nagkasakit siya at naospital ng ilang araw, hinding hindi ka umalis sa tabi ng pintuan sa labas ng kwarto niya. knowing na kasama niya ni Mark sa loob, kahit na masakit sayo. hindi mo siya iniwan? Araw-araw kang nagdadala ng bulaklak para sa kanya?" sambit niyang muli.

"Teka, paano niya nalaman na naroon lang ako sa labas?" tanong ko.

"Hayyy. Sino pa nga ba? Edi si Justine. Sinabi niya na may nakaupo sa labas ng room mo. Lalabas ng sana si Mark that time pero sinabi ko nalang na dinadalaw mo yung patient sa tapat ng room niya." Sagot niya.

"Pero alam mo, that night na pumasok ka sa kwarto niya at inayos yung mga bulaklak sa flower base at pinalitan mo ng bago. Then bago ka umalis, hinalikan mo siya sa noo? Hindi mo ba alam na kinabukasan nagtanong siya sakin? dahil yung panaginip daw niya ay parang totoo. Na may taong humalik sa noo niya at bumulong sa kanya ng 'Pagaling ka Princess. Dito lang ako.'" Sambit niyang muli.

Tama si Zei, I was there that night and hinding-hindi ako umalis hanggat hindi ako nakakasure na hindi siya okay.

"Kung kailan ang dami-dami mo ng napatunayan sa kanya, ngayon kapa ba susuko?" Sumandal si Zei sa balikat ko.

Faith, Hope, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon