Chapter 1 - First Love

48 10 67
                                    

4 months ago - Before I went to Canada.

Princess' POV

"Hello Mark?" Sinagot ko ang tawag ni Mark habang naglalakad sa hallway ng school.

"Hi Babe? nagustuhan mo ba yung mga flowers na bigay ko sayo?" tanong niya.

"Nag-abala kapa, nakakahiya tuloy sa ibang mga teachers and Students na nakakita ng ginawa mo. Sinabi ko naman sayo diba, I'm not your kind of girl na materialistic. Di naman na kailangan na maging ganito pa kabongga ang celebration ng anniversary natin." Inaamin ko, kinikilig din naman ako sa ginawa ni Mark, pero hindi lang talaga ako komportable dahil maraming mga mata ang nakatingin samin.

Shy type kasi ako.

And isa pa, famous si Mark sa school. He's everybody's dream guy. Kaya simula nung naging kami hindi narin ganun kadali para sakin na kasama siya dahil alam ko maraming mga malalanding babae ang ayaw sa relasyon namin.

Kung magkasama kami, madalas kaming pagtinginan ng mga tao.

Kung sabagay, ano nga ba naman ang nakita sakin ni Mark? Bakit sa akin siya nagkagusto? Bakit ako ng minahal niya?

Hindi naman ako maganda...

But I'm used to that.

Magkasama na kasi kami mula pa pagkabata. Sabay kaming lumaki, Iisa lang ang school na pinapasukan namin, Madalas din ako sa bahay nila dahil wala namang ibang magkalaro kundi kaming dalawa lang. Kaya minsan, marami ding mga girls ang nagtry na umaway sakin dahil gusto nila si Mark.

But, hindi yung pagiging famous at gwapo ang dahilan kung bakit alangan ako sa relationship namin. Family din kasi ni Mark ang may ari ng Private School na pinapasukan namin. I'm just an ordinary girl sa paningin ng iba.

Hindi kami ang dapat para sa isat isa.

Simula kasi nung mamatay si Daddy at nalugi ang business ng Family namin, ako nalang ang naiwan sa Family dahil wala din naman akong Nanay. I dont even know her, I dont even know if she exist.

All I know is she left me dahil hindi na niya kami mahal.

Ganun naman talaga diba?

 Dahil kung totoong mahal ka, Iiwan kaba niya?

Mark's family helped me to recover dahil matalik na magkaibigan ang Father ni Mark at ang Daddy ko. Kaya para hindi mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng Daddy ko, Pumayag ako na gawing Stock ng Company ni Mark ang natitirang yaman namin.

Sa madaling salita, Stock holder ako ng Company.

Pero wala yun kung ikukumpara sa kung anong meron ang Family ni Mark.

Kulang nalang na maging pag-aari na nila ang buong bayan namin.

"Huy Nics! Nakakaloka ang pasabog ng Boyfie mo ha! Infairness, Siguro kung sakin gagawin yun ay malamang isasampay ko sa buong building ang buhok ko. Haba ng hair mo Girl!" Inggit na sambit ni Justine.

"Hay nako. ganyan naman silang mga lalaki diba? pa-sweet kapag may nagagawang mali. Kapag Okay na ang lahat at Okay na ulit kayo, Balik nanaman tayong mga babae sa pagiging 'Option' lang." Sagot ni Zei.

"Huy wag mo namang lahatin. Kung may nag-iisang matinong lalaki sa Earth sigurado akong ako na yun." Pagyayabang ni Drew sabay hawak sa balbas niyang limang taon niya yatang pinahaba? Ewan ko ba..

"Hindi naman siguro, Parang hindi niyo naman kilala si Mark, Famous siya dito sa School so natural lang naman siguro na maging malapit siya sa iba." Pagtatanggol ko.

Faith, Hope, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon