Princess'POV
"Ngayon ko lang napansin na sobrang bagay na bagay talaga kayong dalawa." banggit sakin ni Tito Lucas sabay turo kay Mark na noon ay katabi ko habang nag-uusap usap kami sa may Sala.
Napatingin lang ako at ngumiti. Pero di ko parin maiwasan na tumingin sa pintuan. Mayat-maya ang lingon at nagbabaka-sakaling dumating si Matthew.
Ilang oras narin akong naghihintay pero hindi parin siya nagpapakita kahit na anino man lang.
Napabuntong hininga lang ako.
Medyo malungkot sa pakiramdam. Tikom ang mga palad.
"Looks like she's waiting for someone." Nakangiting sabi ng Daddy ni Matthew. "Kanina pa siya lingon ng lingon sa may pintuan." Dugtong pa niya.
Napayuko lang ako at napakagat ng labi. Feeling ko namumula nanaman ang mga pisngi ko.
"Waiting for Matthew?" tanong sakin ng Mom ni Mark. "I think he really missed this place. Kaya naglibot-libot siguro." paliwanag niya. Tama, he's never been here since mga bata pa kami. I think he really needs to explore the whole place first before meeting his childhood bestfriend.
Medyo nakakatampo lang.
'Sino nga ba naman ako para unahin?' I told myself kahit parang medyo nahu-hurt ako.
Tahimik lang si Mark habang nakatingin lang sakin. Nasa gilid ko man siya at hindi masyadong nakikita ang reaction niya, alam kong sakin lang siya nakatingin.
I looked at him at ngumiti lang. (Yung parang pinilit lang na ngiti.)
Pero hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa pagtingin sa mga mata ko. Agad kong ibinaling ang tingin kila Tito at Tita na noon ay nagtatawanan lang habang nagkukwentuhan ng mga bagay-bagay.
"I still cant imagine why he's still under that hood? 12 years na and nakalipas pero hindi parin nawawala ang pagiging introvert ng batang yun." Dismayadong sabi ng Mom ni Matthew.
"Don't say that dear. Tayo ang may pagkukulang. We gave him all, he has everything he wanted, pero mas marami pa tayong time sa ibang mga bagay kesa sa kanya. I totally understand his situation. We don't even know his lovelife, Nainlove naba siya? Nagkagirlfriend naba siya?" mahabang paliwanag ng Dad ni Matthew.
Natahimik lang kaming lahat.
"But Mark is different. He excels a lot and he can even express himself. Marunong siyang tumayo sa sarili niyang mga paa." Sagot ng Mom ni Matthew.
Hindi ko maintindihan kung bakit may mga parents na hindi kayang suportahan ang sarili nilang mga anak. Inaamin ko, medyo naiinis ako ngayon.
"There you are again. Comparing those two. They have different personalities, that doesn't mean that someone is better and someone is not." Sagot ng Daddy ni Matthew.
"Ah wait!" biglang singit ni Tita Nicole (Mom ni Mark)
"Do you remember the first time we heard his voice? Oh come on, naalala ko pa. That time sabay-sabay tayong naglulunch. Dumating and Daddy ni Princess to join us, pero wala si Princess nun dahil nakatulog sa sobrang pagod sa paglalaro." Napatingin sakin si Tita Nicole habang nakangiti.
"Then suddenly, out of the blue......" Dugtong niya.
"Oh right! I remember. He suddenly stood and walk around the table to reach Princess'dad. Parang ganito." Tumayo and Dad ni Matthew at ipinakita kung paano ang ginawa ni Matthew on that event.
Lahat sila natahimik.
Sinundan ko lang ng tingin and Dad ni Matthew na noon ay nagpipigil ng tawa habang ipinapakita ang mga childhood deeds niya.
BINABASA MO ANG
Faith, Hope, Love
RomanceFAITH - Sabi nila 'Faith conquers everything'. I believe Faith is simply Trust itself. Maraming bagay sa mundo ang madaling makuha at matanggap. Pero pag dating sa Trust, kailangan pagpaguran. But sometimes, we should ask ourselves if Trust is real...