Chapter 5 - Revenge of Jess

2.4K 64 2
                                    

PAGPASOK KO PALANG SA  SCHOOL AY MAY HUMATAK NA AGAD SA AKIN.

Si Angeline. Galit na galit.

"What the hell did you do to my hubby? Ginayuma mo ba siya? Kadiri ka! Umalis ka sa kanya. Baka bumaho siya. Kadiri ka! Kadiri! Kadiri! Kadiri!"

Sinampal sampal niya ako. Napaiyak nalang ako kasi once na lumaban ako, mababawasan ang grades ko at mahirap na dahil running for valedictorian pa naman ako. Pinagkalat na pa naman ni Lola Pie sa mga ka amiga niya na ako na daw ang Valedictorian kaya sobrang pressured ako na makuha talaga yun.

Dumating ang principal namin at nakitang umiiyak ako  at sinasabunutan ako  ni Angeline.

"STOP  IT! ANGELINE SARTEJA, JESSICA FORTUNA! IN MY OFFICE! NOW!"

***

"Ma'am! Wala po talaga akong ginagawa. Pumasok lang ako sa school tapos bigla niya akong sinabunutan!" Mabait at nagpapaawa kong sinabi. Hirap na. Baka mabawasan ang grades.

"Ma'am! She stole my boyfriend! She stole my hubby!" Iyak  na maarte at peke  ni Angeline.

"Is that true, Ms. Fortuna?" Tanong ng principal.

Ito na! Ito na ang chance ko  para gumanti kay Angeline. At kay  Jeff. Kaya mo yan Jess. 1 2 3 GO!

"It's not true madam. The truth is, yung boyfriend niya na si  Jeff ay umamin sa akin na may gusto siya sa akin at gusto niya akong ligawan. Sinabi niya sa akin na iiwan daw niya si Angeline para sa akin. Pero sinasabi ko madam na pag-aaral nalang muna. At ayoko sa kanya. Ayoko mag boyfriend. Na mas bagay sila ni Angeline. Ngunit kinukulit padin po niya ako at sinusundan ako lagi.  Tapos nagseselos pa itong si Angeline at nasabunutan pa ako kanina. Imbis na magreview dahil bumabagsak na ang grades niya, nagsisimula pa sila ng boyfriend niya ng gulo at isinasangkot pa ang isang huwarang estudyanteng tulad ko  na ang nais lang naman ay makapag-aral ng mabuti." Sinabayan ko  ng konting hikbi.

BWAHAHAHA.

Ang galing ko doon. Kitang kita ko ang awa sa akin ni madam principal at  si Angeline naman? Ayun. Parang bulkan na sasabog na anytime. Nakakatawa. Ang sarap din pala kapag ikaw yung nakakalamang minsan.

***

Paglabas ko ng principal's room. Rinig na rinig ko ang mga bulungan ukol sa mga sinabi ko.

"Grabe, ikaw na girl! Sayo na  pala si Jeff  ngayon!  Sagutin  mo na!"

"Ano kayang nakita niya sayo? Hahaha"

"Oh bakit wala siya ngayon?"

"Hintayin niyo mamaya kung susundan parin siya."

"Kadiri talaga bat di nalang ako. Si Fortuna pa ang napili!"

Nagsimula na ang class  namin sa unang subject and as usual naka dikit sa akin si Jeff. Naka  magnet nanaman siya. Naririnig din niya ang mga bulung-bulungan na naliligawan niya ako. Kitang kita ko sa mata niya na  galit na galit siya sa mga  nangyayari. Kasi ba naman, alam ng buong school ni nililigawan niya ang nerd ng school na binubully niya dati at galit na galit pa sa kanya ang pinakamamahal niyang wifey  na si Angeline.

May nagtanong sa klase kung nililigawan ba talaga ako ni Jeff.

"OO!" sabi ko.

"HINDI. YUCK!" sabi niya.

"Nako nako ano ba talaga! Feelingera ka lang yata Fortuna e! Patunayan mo! Kiss kiss!" sabi ng mga kaklase ko.

Naiinis ako. Hindi dahil sa mga kaklase ko. Kundi sinabihan ako ng "yuck" ni Jeff. Ang kapal ng mukha niya. Mas maganda pa nga ako kay Angeline niya kapag naayusan ako eh.

"Masyado lang kasing mahiyain yang si Jeff. Pero pag tumayo ako, susunod din siya. Kasi gandang ganda siya sa akin. Baka narealize niya na mas maganda ako at di hamak na mas matalino sa kapwa bully niyang girlfriend. Hindi ba? Angeline? Jeff?" Sinabi ko sa sobrang inis.

"Sige nga patunayan mo! Tignan naming kung susunod si Jeff!" sabi ng isa sa mga kaklase ko.

Na-challenge ako kaya naman tumayo ako at lumabas ng room. Since naka effect padin ang magnet, sinundan padin ako ni Jeff palabas. Namangha ang mga kaklase ko. Si Angeline galit na galit na sumunod sa amin ni Jeff sa labas.

Pilit kaming pinaghihiwalay ni Angeline sa isa't isa ngunit hindi padin makahiwalay si Jeff sa akin dahil sa epekto ng magnet. Sa huli, si Angeline din ang napagod.

"I thought you love me! I hate you so much, Jeff! Magsama kayo ng nerd mo! Break na tayo!" Umiiyak na sinabi ni Angeline.

"Wifey! Babe! It's still you! I  just don't  know what happened! Angeline!!!!" Pasigaw na sinabi ni  Jeff habang tinitignan na tumatakbo palayo ang girlfriend.

Humarap sa akin si Jeff, galit na  galit. Sakto tapos  na ang bisa ng magnet.  Naka 5 hours na. Aalis na sana  ako para umuwi ngunit hinila niya ako papunta sa dingding. Nakalock yung kamay niya sa kin kaya hindi ako makaalis o makatakas man lang.

Mommy Juliana! Mika! Lola Pie! Jenny! Nasaan kayo? Tulong!

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon