Chapter 43 - M. Y. Magnet

1.4K 36 0
                                    

PREMIERE NIGHT NA NG MOVIE NI MIKA.

Naka isang linggo na rin simula nung mga insidente sa airport. Kahit sobrang aligaga pa rin ako sa mga nagyayari ay pinilit ko pa rin na maging malakas at pumunta sa isa sa pinaka importanteng event sa buhay ng GBFF ko. Kahit siguro may sakit ako pupuntapa rin ako dito. Sa sobrang daming naitulong sa akin ng GBFF ko, hindi ko talaga siya magagawang tanggihan sa mga hinihiling niya sa akin. Never akong iniwan ni Mika since elementary. Kaya naman hindi ko siya iiwanan kahit kailan.

Nang nakita ako ni Mika ay pinaupo niya agad ako sa isa sa mga VIP seatsna may nakalagay na 'Reserved for Jessica Fortuna'. Nakakatuwa naman! Lakas maka VIP! Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nakita ko rin si Chester at nakipagbeso beso pa siya sa akin. Hindi nila ako tinatanong tungkol sa pag alis ni Jeff. Hindi man lang nila tinatanong kung okay lang ba ako ngayon. Bakit kaya? Usually kasi si Mika napaka over protective nito sa akin sa mga ganitong sitwasyon eh. Baka siguro sobrang busy niya sa film niya kaya na,an nalimutan na niya.

Maganda ang movie na dinirect ni Mika. Romantic comedy ito kaya naman kahit papaano ay natawa ako. Sa dalawang oras na pinanuod ko ang movie Mika ay gumaan ang loob ko. Parang nagkaroon ako ng escape sa mga dinaramdam ko ngayon. Buti pa sa mga pelikula, laging happy ending. Ako kaya? Sino naman kaya ang magiging happy ending ko? Hay! Ano ba yan! Bakit hindi ko maiwasang isipin iyon! Kailangan ko nang magmove-on! It has been a week! Oh please!

Pagkatapos ng movie ay dumiretso kami sa isang restaurant kasama si Chester. Nakakainis kasi ang sweet sweet ni Mika at ni Chester. Pero hindi ko naman pwede iwanan si Mika ngayon dahil special day niya. Kaya kahit mukha akong third wheel or kung ano anong third, hinayaan ko nalang. Isang gabi lang naman ito. Tsaka siguro okay na rin ito, para masanay na ako sa buhay na single. Kasi hindi na rin naman ako magkakaroon ng relasyon eh. Magmadre nalang kaya ako? Hmmm, pwede!

"Girl! You're quiet! Let's celebrate!"

Binigyan ako ni Mika ng isang glass ng wine. Hindi naman talaga ako umiinom eh. Kaya naman tinaggihan ko. Alam rin naman ni Mika na hindi ako umiinom kaya hindi na rin niya ako pinilit.

"Congratulations, GBFF!" masaya kong sinabi. Pero pilit.

"That's right girl! You have to smile!"

"Tama ka nga!" Pilit ko nanamang sinabi.

"Girl! I know what happened to you and Jeff is really devastating.. Kung ako rin, I really don't know what will I do. Pero you have to move on. Maybe hindi lang talaga siya ang para sa iyo. Maybe someone will be there for you pero hindi pa siya pinapakita ni Lord. Just stay happy, okay? I don't want seeing you sad."

"Magmamadre nalang ako."

"Girl! Are you crazy? Don't say that just because iniwan ka ni Jeff! Ang pag mamadre ay hindi basta basta. You have to be really into it to be a sister. Hindi yun basta basta lang pinupuntanan kasi broken hearted ka."

"I really don't know what to do...binababad ko na ang sarili ko sa work pero hindi ko pa rin maiwasan maisip."

"Because you are still holding on to it. You have to let go and set yourself free. Start a new life."

"I think you're right."

"Girl, you have to fully let go to be able to recover. We are here for you. We will help you. Kaya ka hindi nakaka move on, kasi you still have a part of you that holds on to the possibility na magkakabalikan kayo ni Jeff."

"Is it wrong?"

"No.. What I'm saying is----"

"I can't let go if I am still hoping." Pagsingit ko sa sinabi ni Mika.

"Correct! You got it girl! And since you got it! We have a gift for you!"

"Ha?!"

Binigyan ko ni Mika ng magnet na may hugis na letrang M. At binigyan din ako ni chester ng magnet na may hugis na letrang Y. Tapos bigla na silang nagpaalam sa akin at sinabing uuwi na sila. Ang aga aga pa naman pero hinayaan ko nalang silang umalis kasi baka naman magdadate pa sila. Baka naiinis sila na kasama nila ako. Ewan ko lang.

Nakalayo na sila pero hinabol ko sila at tinanong.

"Mika! Anong ibig sabihin nitong mga magnet na ito? Bakit hugis letrang M at Y."

Nagkatinginan sila ni Chester. Parang hindi nila inexpect na hahabulin ko sila. Parang hindi rin yata nila alam ang isasagot sa tanong ko.

"Miks?" Pagtanong ko.

"Ah! Girl! Didn't you get it? Binigyan kita ng MY shaped magnet para tuluyan mo nang makalimutan si Jeff! Yeah! It means that MY means 'myself'. You have to love yourself ngayon. You don't have to think about Jeff anymore. Kasi pag naalala mo ang magnet, siyempre you always remember Jeff right? Pero this time, bibigyan kita ng MY magnet para tuwing maaalala mo ang magnet, you will remember yourself. Okay? Okay?"

"Ah. I see."

"Okay girl! We ally gotta go! Bye!"

Kiniss ako ni Mika sa cheek at umalis na sila ni Chester na para bang nagmamadali sila. Siguro may party yatang pupuntahan o kung ano man. Hinayaan ko nalang sila. Kilala ko rin naman si Chester eh. Alam kong wala naman siyang masamang gagawin sa GBFF ko.

Pero ang nakapagtataka, sila ang pangalawang nagbigay sa akin ng magnet. Una, yung guard sa airport. At letter din yung binigay nung guard. May tatlong magnet na ako na puro letters. Isang E, M at Y. Ano naman kaya ang ibig sabihin ng mga magnet na ito? At bakit mga magnet pa talaga? Paano ko naman kaya makakalimutan si Jeff kung puro magnet ang binibigay nila sa akin? Ano ba talaga!

Pinaglalaruan ba ako ng universe?

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon