Chapter 34 - The Client

3.6K 35 2
                                    

MAAGA PALANG AY PUMASOK NA AKO SA TRABAHO.

Hindi ko na muna inintindi yung mga sinabi sa akin ni ate guardian angel at yung mga pang-aasar sa akin ni Mika at ng mga tao sa bus.

Marami akong gagawin ngayon. Maraming bagong clients. Inutusan ko din ang assistant ko na si Rachel na asikasuhin ang mga ibang clients kasi hindi ko na kaya harapin silang lahat. Ang hirap din pala kapag sobrang successful ng work mo. Hindi ka na magkandaugaga kapag nagsabay sabay. Pero wala eh! Ginusto ko to eh! Malakas naman ang kita! Napapasaya ko ang pamilya ko kaya ayos na rin sa akin kahit ako na ang mapagod huwag lang si Lola Pie at Jenny.

"Maam Jessica, may isang client dito na ikaw ang gustong kausapin at hindi po ako." Sabi ni Rachel.

"Sino daw?"

"Jeffrey San Juan daw po."

"HA?!"

Si Jeff! Bakit siya nandito? At bakit ako pa ang gusto niyang kausapin? Hala? Ito na ba yung second chance? NO! NO! NO! Ayokong umasa! Mamaya niyan bigla akong umasa tapos biglang magpakasal silang dalawa! Paano na ang puso ko niyan! Saklap! Kaya hindi ako aasa! Walang second chance! Pang movies lang yon!

"Sige papasukin mo." Sinabi ko.

Hinatid na ni Rachel si Jeff sa office ko at lumabas na rin si Rachel kasi madami pang ibang clients. Pa-special naman ito si Jeff! Hindi porket ex ko siya ay pwede nalang siyang sumingit sa line up ng clients no! Pero pinasingit ko pa din! Ano bang nangyayari sa akin! NO! NO! Hindi ako umaasa! This is just work! Baka pinasingit ko lang siya kasi kahit papaano ay friends naman kami. YES! Yun lang iyon! Friends kasi kami!

"Hi Jess!" Masaya niyang sinabi.

Gumawa ako ng pekeng ngiti na parang vice ganda na ewan. Yung usually na nakikita sa 9gag.

"Magpapatahi sana ako ng tux ko sa iyo for my wedding. Ayoko dun sa assistant mo. Gusto ko sana ilagay mo ako sa priority list. Gusto ko ikaw mismo ang magdesign nito. Gusto ko rin ikaw mismo ang sumukat sa akin. Alam mo na, perfectionist lang. Wedding ko kasi pinag-uusapan dito."

"Ah. Okay. Hehe. Sure. Sure."

Bakit ganon? Parang nagseselos ako? Hindi ko alam pero bakit nakaramdam ako ng sakit? Napatigil ako at tinignan ako ni Jeff ng malapitan. Para bang nakita niyang nagselos ako? OH NO! Hindi! Erase! Erase!

"Are you okay?"

"Ah yes. Hehe!"

"Para kang may sakit. Are you not feeling well?"

"YES! NO! I mean no!"

"Kailan mo ako susukatan?"

"Now na! tara!"

Sinabi ko na ngayon ko na agad siya susukatan. Para tapos na! Para hindi na siya bumalik dito. Habang sinusukatan ko siya. Naiimagine ko nanaman yung katawan niya! Yung dating niyayakap ko! Yung dating kinukurot kurot ko lang, ngayon ay mapupunta na sa iba. Nakakalungkot mang isipin pero ito na ang realidad. Tatanggapin ko nalang pero hindi ko talaga maiwasang masaktan. Habang sinusukatan ko siya ay hindi ko naiwasang magtanong.

"Anong name ng fiancée mo?"

'Jess.."

"Ha?"

"Jesslyn. Hehe."

"Ah."

"Paano kayo nagkakilala?"

"Tagal na. Pagdating ko palang sa States."

"Oh, really. Jeff, I'm happy for you."

"Thanks, Jess."

I am really happy for him. Kitang kita ko sa mga mata niya na masaya siya habang sinusukatan ko siya. Na para bang excited na siyang ikasal. Sino ba naman ako para pigilan ang pagiging masaya ng mahal ko. AY? MAHAL KO? OO. MAHAL KO bilang kaibigan nalang.

Binigay ko na rin lahat ng kailangan niya. Buti nalang na may designs ako agad na naka-ready. Pumili na rin siya ng designs na gusto niya. Binigyan ko siya ng mga latest designs ko. Tinapos ko na lahat ng transaction niya sa akin ngayong araw. Para naman hindi na talaga siya bumalik dito sa shop ko. Ayaw ko na rin kasi siyang makita lagi kasi baka naman mainlove ako at tuluyan na akong maging haliparot na mistress ni Jeff. Hindi ko rin kasi alam kung hanggang saan ang kayang pigilin ng aking sarili.

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon