This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental.
Copyright © JULY 2014 by Alley_Granger
All rights reserved
This is not a sequel of Out of Reach.
SIMULA
I want him PERIOD EXCLAMATION POINT
@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-
" Let's all give him warm of applause. Our Head Master Mr. David Hallington. " pasigaw na sabi ng emcee.
Kanina pa ako inip na inip sa kinatatayuan ko, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa ng ganitong get-up sa unang araw ng pasukan. Orientation day kasi namin, ibig sabihin humigit kumulang kalahating oras akong tatayo, at humigit kumulang kalahating oras akong magtiyatiyagang pakinggan ang sasabihin ng kung sino mang speaker yan.
Kung hindi lang talaga magagalit si Mommy I won't gonna attend this orientation! Nakakainis kayang makinig e wala din namang kwenta ang sasabihin nila, for sure puro 'welcome to the chuchu' 'enjoy your chuchu' lang ang sasabihin nila, alam na alam ko na ang mga style ng mga yan.
Kinalabit ko ang bestfriend kong mukhang inip na inip na din, iginawi niya tingin niya sa akin naniningkit pa ang mga mata nito na animoy bwisit na bwisit sa ginawa kong pangangalabit, singkit na nga mas lalo pang sumingkit. Palibhasa koreana.
" Raine may dumi ba ako sa mukha? Am I ugly? " tanong ko sabay alis ng tingin sa kanya, nakita ko pang pinalaki niya ang mga singkit niyang mata. Bigla bigla ba naman kasi akong magtatanong kung panget ba ako? E understood naman na maganda ako. Ako yata si Cristina Jade Estefan. Model, makinis, maputi, matangkad at higit sa lahat MAGANDA!
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na tinignan niya din ang lalaking kanina ko pa tinitignan. " Wag mong masyadong titigan baka matunaw. " sagot niya sabay balik ng tingin sa Head Master ng school na ngayon ay nagsasalita na.
Mabuti na lang at kahit papaano nandito siya, kahit papaano may silbi ang pagtayo ko dito, at kahit papaano nakikita ko ang taong nagbibigay ng kulay ng buhay ko. Hindi kaya ako bagay na tumayo dito kasama ang maraming estudyante.
" Kung nakakatunaw ang mga titig ko, malamang matagal na siyang tunaw. " sagot ko sa kanya na nakatingin pa din kay Khiel. Kainis! Kung pwede ko lang dukutin ang mga mata ng ibang babae sa paligid ko at kung pwede ko lang tahiin ang mga bibig nila ginawa ko na. Dinig na dinig ko sa paligid kung paano nila pagpantasyahan ang lalaki ng buhay ko!
I'm a college student, Raine and I are bestfriend since elementary, si Khiel nung highschool ko lang siya naging schoolmate, pero bata palang kami gusto ko na siya. Our parents are business partners, sinama ako ng Mom ko nun dati sa bahay nila Khiel, I was a grade six student that time at noon palang sanay na ako sa atensyon, bata palang kasi ako model na ako, sanay akong sinasabihan ng simpleng 'Hi' ng kahit sinong estranghero, sanay akong mapapatitig ang mga tao sa akin tuwing dadaan ako , pero si Khiel ni tapunan ako ng tingin hindi niya ginawa, kahit pa dumaan na ako ng ilang beses sa harap niya, para lang akong invisible sa mga mata niya.
And too many to mention, hindi ko masikmurang alalahanin lahat ng pang-iisnab at pambabaliwala niya sa akin. Sa ganda kong 'to siya lang ang hindi nagka interes!
" Welcome students, enjoy your stay here at Phoenix University. " dinig kong sabi ni Head Master, actually sa lahat ng sinabi niya, lang ang narinig ko, isa-isa naman ng umalis ang mga estudyante kami ni Raine naiwan pa din, alam kasi niyang ayaw kong nakikipag-siksikan sa mga tao.