Love Me Back Khiel : 4
Kunyari deadma, pero kinilig naman.
@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-
( AFTER ONE MONTH NAKAPAG-UDATE DIN! KALERKI! )
MOMMY ASTRA POINT OF VIEW [ Namiss ko talaga si Astra, kaya papasingitin ko muna siya… ( sa mga hindi pa nakakabasa ng Out of Reach si Astra po ang bida dun )
" Sweety, pagsabihan mo naman yung mga anak mo, bakit ba naman kasi lahat sila ay nagmana sa'yo.? " nasa kitchen ako with my husband Theo, nung isang araw ko pa siya kinukulit about Khiel. Pati yung bunso naming si Dryx, I can't believe na may dalawa akong anak na bakulaw na weirdo, grabe lang… kasi Theong Theo sila! Wala man lang side ng Astra, kagandahan ko lang ang namana nila sa akin.
" They're still young, soon makakahanap din ng babae si Khiel. " sagot niya sabay upo, I'm preparing a dinner for my family, hindi pa bumababa yung dalawang boys dahil tinawag palang sila ng yaya nila.
Nag-aalala lang ako kay Khiel, never ko pa siyang nakitang nakipag-usap sa mga babae, kinakabahan ako na baka mamaya gay pala ang anak ko, guguho ang mundo ko pag nangyari yun!
" Pero sweety, nakita mo naman siguro kung paano niya pandirihan ng tingin si Ina. Si Ina yun sweety, she's so gorgeous, lahat ng kabataan ay nahuhumaling sa ganda niya but our Khiel, bwisit na bwisit siya kay Ina. Or maybe I should find a girl for Khiel, what do you think? " sasagot pa sana si Theo sa akin nang biglang dumating yung dalawa kong gwapong gwapong anak!
Tahimik silang umupo at pinagmamasdan ko lang silang dalawa. Napansin naman ni Dryx na nakatingin ako sa kanila.
" What's wrong Mom? Do we have a problem here? " tanong ni Dryx, at tumango tango ako. At bigla kong naalala yung mga letters, chocolates, flowers and text messages.
" How many times do I have to tell you Dryx na huwag ibibigay ang address ng company and my cellphone number, ang daming nagtetext sa aking mga babae, pati chocolates at mga bulaklak, hindi ko na alam kung kaninong empliyado ko ibibigay ang mga 'yon. "
Kung yung anak kong si Khiel mailap sa babae eto namang si Dryx, sakit sa ulo, ang daming babae ang bata bata pa.
" It's not me Mom si Charles yun, siya ang nagbibigay ng number mo. " depensa niya. Si Charles na pinsan niyang model din, kapatid ni Xander si Charles na ka age lang ni Dryx.
" Sige na abswelto kana atleast hindi ka bading. " napatingin naman si Theo sa akin. Alam niya siguro kung anong nasa isip ko, hindi ko namang pinag-iisipang bading si Khiel, sa gwapo ng anak kong yan! ang kaso kasi, bakit ayaw niya kay Ina?
" Sweety… " hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko kay Theo ay bigla na namang nag react ang dalawa kong gwapong anak.
" Mom! Will you? Aish… " sabay nilang react. Ewan ko ba sa dalawang anak ko, diring diri sila sa tawagan namin ni Theo ang sweet sweet kaya, palibhasa walang alam sa sweet things.
" Hayaan mo na yang mga anak mo, kumain na tayo. " sambit ni Theo, ngumuso ako sa inis. Anong hayaan? Hayaan na maging bading ang panganay ko? NO WAY!
" Sweety enough, if you want gagawa tayo ng bago, a girl by this time. " dagdag pa ni Theo. Alam niya kasing naiinis na ako, kilalang kilala na talaga ako ng asawa ko.
Bigla na lang nagtayuan si Dryx at Khiel.
" At san kayo pupunta? " pigil ko sa kanila. Hawak hawak nila ang mga pinggan nila.
" I'll eat on my room. " sagot ni Khiel sabay alis.
" Next time you do your sweet things. Sa kwarto na lang, nakakasuya. " sambit ni Dryx sabay alis din.