The more you hate, the more you love.
@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-
Khiel has first love? Bakit hindi ko alam yun? Kailan pa? Arisa? Who's she? Nakakainis! Ayaw ko ng ganito wala akong kaalam alam, this can't be! what if maging sila ni Arisa? What if ligawan ni Khiel si Arisa? What about me? Paano na lang ako? Should I court Khiel now? Pero paano ko siya liligawan kung siya mismo ang umiiwas sa akin!
" CRISTINA FOCUS! You're spacing out again. " sigaw sa akin ng photographer.
I'm on shoot right now. After class kasi minsan may photo shoot na naka schedule ako. " Stop pacing out, I wanna go home! And I can't stand wearing this shirt. " an irritated kid said through gritted teeth. Sino pa ba kung hindi ang masungit na kapatid ni Khiel na si Dryx. Buti pa 'tong si Dryx kahit masungit namamansin, e yung Kuya niya masungit na nga, deadma ka pa sa kanya. Model din kasi 'tong si Dryx, ewan ko kay Khiel bakit hindi siya nagmodel edi sana siya ang kasama ko ngayon na nag popose dito hindi itong si Dryx. Bata pa 'tong si Dryx, highschool student pa lang pero kung umasta parang kasing edad niya si Tito Theo. Nagtataka nga ako kung saan nagmana ang magkapatid na 'to samantalang ang bait bait ni Tito Theo and Tita Astra.
Nag shu-shoot kami for sports wear na ipapaskil sa harap ng Star Mall, na mall nila Dryx. Buti pa sila may Mall samantalang kami na mayaman wala.
" Okey! Pack up! Bukas ulit, be here at 5. " paalala sa amin nung photographer.
Pagkatapos sabihin ng photographer yun. Bigla akong napasigaw. " Aaahhh! Ayaw ko ng mag-isip! " I said out of frustration.
Ang hirap mag-isip ng mag-isip na wala ka namang clue. Kainis kasi si Darcy bakit kailangan niya pang sabihin sa akin na first love ni Khiel yun! And so what naman kung first love niya, hindi importante ang first love ang importante ang LAST LOVE na naglalast! At ako yun!
" Lunatic. " dinig kong bulong ni Dryx. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay iritadong nakatingin sa akin.
" Anong sinabi mo? " kinunutan ko siya ng noo at sinamaan ng tingin. The hell! Me? Lunatic? Baka gusto niyang ipakain ko siya sa namayapang si Lolong!
" Crazy. " and he rolled his eyes on me! Bwisit 'tong batang 'to a!
" Isa pa, babatukan na talaga kita. "
" I don't understand why Kuya are always talking about you. Tss.. wala namang espesyal sa'yo. " nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hinabol ko siya hanggang sa dressing room niya. Malinaw naman ang pagkakadinig ko, he's talking about me!?
" Anong sinabi mo? Ulitin mo nga. " habol ko sa kanya sabay hawak sa balikat niya.
" What!? " Asar niyang tanong, sabay tanggal ng kamay ko sa balikat niya.
" The one you said a while ago. "
" Lunatic. "
" No! The other one. "
" Crazy. Lumabas ka na nga, magbibihis na ako, nangangati na ako sa damit ko. " iritado niyang bulyaw. Ang arte, napaka comfty kaya ng suot naming sports wear, at isa pa hindi kami pinapasuot ng kahit ano na hindi malinis at hindi komportable.
" I won't leave hanggat hindi mo sinasabi yung huli mong sinabi. " pangungulit ko. Bahala siyang mainis.
" That Kuya is talking about you? " mas lalong namilog ang mata ko at lumapad ang ngiti ko. Oh my ang gorgeous ko talaga!
" Anong sinasabi niya tungkol sa akin? " excited kong tanong.
" Ask him. Labas! " utos niya.
" Ayaw ko nga. " pagmamatigas ko at umupo ako sa couch na nasa dressing room niya. I won't gonna leave here until hindi niya sinasabi.