I'm not the jealous type, but what's mine is mine. End of story.
@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-
Sinundan ko si Khiel hanggang sa makarating kami sa isang garden. Eto ba yung student's garden? Maganda dito malilim, mapresko at nakakarelax. May mga punong malalaki at may mga nakakalat na bleachers. Umupo siya sa isang bleacher na malapit sa malaking puno. Ipinatong niya ang kanyang likod sa upuan at pumikit.
Tumabi ako sa kanya pero hindi siya nag effort na tignan kung sino ang tumabi sa kanya. Is he always like this? E paano kung halikan ko kaya siya? Wala lang din kaya sa kanya?
Napapikit din ako sandali, ibang iba ang ihip ng hangin dito, ang sarap sa pakiramdam. Walang ibang estudyante, kaming dalawa lang ni Khiel. Kulang na lang kumanta ako ng You and Me sitting on the tree K-I-S-S-I-N-G para maging oh so romantic na ang lahat. But I can't do that, I'm here to comfort him. To comfort him nga ba? E baka mainis lang din siya sa akin.
Sa halos humigit limang minutong katahimikan ay nagsalita na ako. Grabe wala talaga siyang balak na pansinin ako. At isa pa ayaw kong mapanisan ng laway. Kadiri!
" Broken hearted? " patanong kong sabi. He suddenly opened his eyes pero hindi niya pa din ako tinitignan. Bakit ba hindi niya ako matignan tignan. May mali ba sa mukha ko? Ganun ba ako kapangit sa kanya kaya hindi niya makayanang tignan ako? Hindi niya kasi subukan para mainlove na siya sa akin.
" Okey lang yan. Nandito pa naman ako para mahalin ka. " nanlaki ang mata ko sa sinabi ko at naitakip ko pang kamay ko sa bibig ko!
What the heck!? Did I actually say that? Pero tama lang yun, para alam niyang nandito ako at hindi ko siya sasaktan kung sakaling pinili niya ako. Mas maganda naman ako kumapara kay Arisa, model kaya ako.
Hindi siya umimik. Ano bang dapat kong sabihin para pansinin ako ng Khiel na 'to. Bigla siyang tumayo, nalukot ang mukha ko sa lungkot. Aalis na agad siya? E hindi pa kami nakakapag moment. Asar naman! Ano bang ginawa kong mali para iwas iwasan niya ako ng ganito?
Akala ko maglalakad na siya palayo, pero nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
" Mainit na dito. Tara na ihahatid kita sa room niyo. " napatayo ako bigla sa kinauupuan ko. Sinampal sampal ko pa ng kaunti ang pisngi ko baka kasi nag de-day dream lang ako. But hell no! Hindi ako na nananaginip! At mas lalong hindi ako bingi! Tama yung pagkakadinig ko, gusto niya akong ihatid sa room ko!
First conversation namin ito! I will never gonna forget this day, this place and this bleacher!
Ipinasok niya ang kanyang kamay sa bulsa ng pantalon niya at naglakad na siya, sumunod ako sa kanya. Biglang umurong ang bibig ko, feeling ko naging bobo ako panandalian wala akong masabi at walang kahit anong letra ang gustong kumawala sa bibig ko.
Naglalakad lang kaming tahimik. I can sense na ang daming mata ang nakatingin sa amin ngayon. Raine should see this! Finally, never nangyari 'to! I swear, nung highschool kaya kami hanggang tingin lang ako sa kanya, paano lalapit palang ako nagre-ready na siyang lumayo. Tahimik kaming naglalakad papunta sa building ko at feeling ko inihahatid niya ako sa altar ng simbahan.
Hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng room ko, all this time nakatingin lang ako sa kanya. Kung pwede ko lang ihinto ang oras I will makasama ko lang siya ng matagal. He actually did! He actually send me on my room.
" Thanks, salamat sa paghatid. " tumalikod na siya sa akin at naglakad palayo, pero bigla siyang huminto nakatalikod pa din siya sa akin. Ipinagilid niya ang ulo niya sa side, pero hindi pa din niya ako tinitignan. Kahit naglalakad kami nakatingin lang siya sa harap.