Love Me Back Khiel : 5

444 16 16
                                    

Love Me Back Khiel : 5

Hindi naman mali ang magmahal nagkamali ka lang ng taong minahal <\3

@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-

Pagkadating ko sa bahay ay sumalubong agad sa akin si Mommy. Anticipated na naman niya ata na sawing palad ako.

Umupo ako sa tabi niya. " Tumawag si One sa akin, nagsosorry na hindi ka nabantayan ng mabuti. Namumugto yang mata mo, anong masakit? Yang sugat sa braso mo o yang puso mo? " kilalang kilala talaga ako ni Mommy, for sure alam na netong sawi na naman ang puso ko.

" Dapat sanay na ako dahil ilang beses niya na akong binusted, pero kasi masakit talaga Ma. " inilagay ni Mommy ang kamay niya sa balikat ko.

" Normal lang naman sa kabataan ang masaktan pagdating sa pag-ibig. Pero kasi anak, hindi mo dapat pinipilit ang love, hindi mo hinahanap at huwag na huwag mong hahabulin, dahil kung ginawa mo iyon, mas lalo itong hindi magpapakita. If you and Khiel are really destined for each other, hayaan mo na ang tadhana diyan, gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan maging kayo. " she said while stroking my back.

" Should I stop chasing him then? "

" Ikaw dapat ang sumagot diyan. Aakyat na ako sa kwarto. Matulog ka ng maaga. "

--

Kasama ko ngayon ang driver ko at papunta kami sa Star Mall, tumawag kasi sa sakin yung manager ko, may bago daw akong project. Ayaw ko na sanang pumunta dahil wala ako sa mood, hindi din maganda ang pakiramdam ko.

Hanggang ngayon, pilit ko pa ding isinasaksak sa utak ko ang mga katagang sinabi ni Mommy sa akin kagabi. Siguro nga tama siya, na ihinto ko na, ihinto ko na ang kahibangan at kabaliwan ko kay Khiel. Pero ang hirap kasi, simula bata ako, si Khiel lang pinag nasaan ko. Pinagnasaan? Teka! Hindi ah! That's so gross!

Ah basta! Bwisit na kupido! Bwisit na tadhana! Bwisit!

*screeeechhhhhhhhhhhhh…………* halos masubsob naman ako sa kinauupuan ko ng biglang nagpreno ang driver ko.

" Ma'am okey lang po ba kayo? " kinalma ko muna ang sarili ko bago sumagot. Okey? Halos magalusan ang mukha ko! Naku naman! Kung hindi lang kami close nitong driver ko, at kung hindi lang ako eksaherada binungangaan ko na si Manong!

" Bakit po ba? Ano pong nangyari. " imbes na sagutin ko siya, mabuting tanungin ko na lang kung anong nangyari.

" May banggaan po ata, traffic po Ma'am. " banggaan? E bakit halos isubsob na niya ako sa sasakyan? May sama ba siya ng loob sa akin? Siguro naman wala, mabuti naman ang pakikisama ko sa kanya at isa pa, since birth ata siya na driver ko.

" Ma'am mabuti pa po, mag bus na lang kayo, ihahatid ko na lang po kayo sa kabilang kalsada, sa tingin ko matagal pa po nilang maayos ito. " napasandal ako sa upuan ko, at napabuntong hiningi.

Gaadddd! Bus? Si Manong naman! Bibinggo na siya, model ako, tapos bus? Paano kung may makakilala sa akin? Edi dinagsa na ako? Aish!

" Ma'am eto po, just in case na may ganitong aksidente, lagi pong nandito sa kotse ito. " inabutan niya ako ng isang itim na cap, balak niya talaga akong paalisin.

" Manong naman, hindi po pwede, hindi ako sumasakay sa bus. "

" Ma'am sorry, no choice po talaga. Male-late kayo, sabi pa naman po ng manager niyo bagong model daw po makakasama niyo, Ma'am nakakahiya naman kung late kayo tapos yung kasama niyo hindi. " napasandal ako sa kotse at napapikit. Sinabi nga ng manager ko na bago ang makaka tandem ko ngayon sa shoot. Ano ngayon kung maghintay siya? Pero wala sa bukabolaryo ko ang ma-late, professional ako kahit na model lang ako.

Love Me Back Khiel [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon