Kung hindi tayo para sa isa't isa, pwes gagawin kong iisa lang tayo.
@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-
Kasama ko si Raine ngayon sa library. Parehas kaming may free time kaya naisipan naming magkita muna. Si Raine din kasi hindi pala kaibigan, may mga friends siya sa Korea pero dito sa Pilipinas ako lang talaga ang one and only friend niya.
" Anong ginagawa mo? Kanina ka pa nakayuko diyan at busy sa sinusulat. Ano ba yan? " hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagsusulat. Nagulat ako ng bigla niyang hinugot yung papel sa akin.
Lukot na lukot ang noo niya ngayon habang tinitignan ang nakasulat sa papel na kinuha niya sa akin. " Ano 'to? Honey? Darling? Boyfie? Heart? Yam? Dhie? Anong kabaduyan 'to Ina? "
" It's not baduy. Endearment yan. Nag-iisip na ako ng endearment namin ni Khiel. Tingin mo bagay sa amin yung? Hmmm... kung buko pandan kaya? "
" Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. "
Nginusuan ko lang siya. Palibhasa hopeless romantic, loveless, single, kaya hindi alam ang mga ganyang bagay. Ang sweet kaya ng may endearment, nung minsan narinig ko si Tita Astra na tinawag si Tito Theo na Sweety. And I find it so kilig! Sina Mommy kasi ng tawagan nila ay Mommy and Daddy lang din, walang ka spark spark, boring kumbaga.
Hinablot ko yung papel sa kanya at inirapan siya. Gusto ko sana siyang kwentuhan sa nangyari sa akin sa bahay nila Khiel last night pero sobrang nahihiya ako. Ayaw ko namang isipin ni Raine na napaka head over heels to the max to the point na kailangan kong patungan si Khiel. Gusto kong kiligin dahil for the very first time nagkaroon kami ng body contact pero yung ganun yung posisyon namin at nakita pa kami nila Tita Astra at Tito Theo ay sobrang nakakahiya. Kahit naman model ako at halos irampa ang mukha kong maganda sa maraming tao ay may hiya pa din naman ako sa katawan kahit 0.01% lang.
Habang nag-iisip ako ng kung ano pa bang endearment ang pwede sa amin ni Khiel, ay bigla na lang may umakbay sa akin.
" Ina, sa sabado may pool party sa bahay sama kayo ha. " tinanggal ko yung akbay niya at tinignan ng masama si One. Badtrip e, ayaw ko sa lahat yung inaakbayan ako lalo na pag hindi si KHIEL! Feeling close kasi 'tong si One sa akin.
" I'm busy. May photoshoot ako sa Saturday. " pero ang totoo wala naman. Why would I go to that party? Kung nandun si Khiel pwede pa, but knowing Khiel, I never saw him attend in any kind of party. Pati nga sa birthday party ng Dad niya wala siya, nakakulong lang siya loob ng bahay, sa pool party pa kaya ni One.
Kasama pala niya si Darcy na ngayon ay umupo sa tabi ni Raine. Si One naman umupo sa tabi ko, kahit nakatuon ang tingin ko sa paper na pinagkakaabalahan ko ay nararamdaman kong nakatingin si One sa akin.
" Sayang, pumayag pa naman si Khiel na sumama. " mabilis akong napatingin kay One at nakipagtitigan sa kanya. Nakangiti siya sa akin na parang alam niya kung anong sasabihin ko.
" Actually na cancel pala yung photo shoot ko, anong oras ba sa Saturday? " nginitian naman ako ni One ng nakakaloko. Alam na alam niya talaga kung paano ako papayag. Asar naman, masyado nang halata na gustung gusto ko si Khiel. Kailangan at kahit papano magpakipot ako.
" 7:30 sa bahay, sama kana din Raine. " tinanguan naman siya ni Raine, psh. Panigurado kaya lang naman ako niyaya ng One na 'to ay para makasama si Raine, hindi niya pa kasi sabihin sa akin na type niya si Raine para mailakad ko siya.
On the second thought wag na lang, mag fo-focus na lang ako kung paano mapapasa akin si Khiel.
" Sige na ladies alis na kami, basta sa Sunday. " hindi ko na sila pinansin pa, nakatuon ako sa papel na pinagkakabisihan ko.