Chapter Six

49.8K 1.8K 182
                                        

Losing my mind

Berry's

"Do you think that went well?"

Magkasama pa rin kami ni Nautica Consunji nang gabing iyon. Almost midnight na kami umalis roon sa mansion nila and up until now, hindi ako makapaniwala sa mga taong nakilala ko. Hindi ko talaga lubusang maisip na nakahalubilo ko ang isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa.

My father will be forever grateful to Adam Consunji and his family. Naging maganda kasi talaga ang takbo ng buhay ng pamilya namin because of them. I am very happy that I have met some of them.

Kunsabagay, nagpakilala na si Nautica sa akin nang gabing iyon pero hindi ko masyadong inintindi ang ibinigay niyang pangalan kasi nga nasa gitna ako nang pinagdadaanan ko niyon.

Nautica Consunji was sitting on the hood of her car while drinking beer. Ako naman ay nakasandal lang sa gilid. I was looking at her.

"Ano? Tingin mo okay iyong kanina?" Muling tanong niya sa akin.

"Okay naman. Mukhang hindi na galit ang Papa mo. Iyong kapatid niya, iyong Yza, mukhang mabait."

"They're twins. Mas matanda si Mama Yza by ilang minutes." Wika niya sa akin. "Do you think that it's okay?"


"What? Paulit – ulit ka, Nautica." Natatawang sabi ko sa kanya. Kung sabagay, naiintindihan ko rin naman siya. Ganoon din ako noong okay pa kami ni Benedict. The first time I took him home with me, paulit – ulit kong tinatanong iyong kapatid kong si Strawberry kung naging okay ba iyong usapan naming, o kung nagustuhan ba siya ni Dad – pero lahat iyon negatibo ang nagging sagot sa akin ng kapatid ko.

I sighed. I should've listened to my sisters before. Kung alam ko lang noon na ganito ang mangyayarisa buhay ko, sana talaga hindi ko na siya pinakasalan. Hindi naman kasi talaga dapat. Kahit na nag-live in na kami noon, alam kong ayaw sa kanya ni Daddy. He always tells me that he feels that something is different with Benedict pero hindi ako nakinig. Nabulagan ako ng pagmamahal.

"It went fine, Ica. Trust me." I smiled at her. Nagbuntong – hininga siya. Umakto siyang hahalikan ako, buong puso naman akong naghintay pero hindi niya itinuloy. She just sighed. She smiled at me.

"You do realize that I am taking advantage of your weakness, right, Berry? I am just waiting for that moment na mare-realize mo ang ginagawa ko..."

Hindi ako nakakibo. She continued.

"But right after tonight, I saw ow beautiful your soul is and that I wanted so much to believe that everything you are sayong and doing are all genuine."

"I am genuine." Wika ko sa kanya. "I like you, Ica. Mabait kang tao."

"You like me... meaning you want to have sex with me?" Parang nananantyang tanong niya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Don't push it." I told her.

"Baka lang naman makakalusot. Anyway, iuuwi na kita." Sabi niya sa akin. "It's late. Baka hinahanap ka ng parents mo." Wika niya pa. Inubos niya lang iyong alak na dala niya at saka pumasok na kami sa sasakyan niya. I was just staring at her.

Mamula – mula ang pisngi ni Ica. Mapula rin ang labi niya – kahit yata na walang lipstick kay napakapula noon. Ang tangos ng ilong niya tapos ang pinakanakakatawag pansin sa mukha niya ay ang mga mata niya.

She is just really pretty.

"Kaya mo pang mag-drive?" Tanong ko pa.

'Yup. Hindi ko pa naman na-reach iyong limit ko. Saka beer lang iyan no."

Barely NakedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon