Chapter Thirteen

55.6K 2.1K 184
                                    

Into places

Berry's

Nakalabas na ako ng ospital at kahit hindi pa ako okay na okay ay nagpasa agada ko kay Daddy para magpunta ng presinto at mag-file ng reklamo para sa dati kong asawa. My family is supportive. Alam kong hinding – hindi nila ako iiwanan. Ganoon kasi kami, we never abandon each other – kahit nga si Thomas Edison na hindi naman namin kadugo ay itinuturing naming pamilya. Kahit hindi ako sinuwerte sa buhay pag-ibig at sa mga taong mahal ko, swerte ako sa pamilya ko.

Wala na akong balita kay Nautica. She probably went to Mikee that day – siguro okay na okay na silang dalawa ngayon. Siguro, nagkabalikan na sila – and just thinking about it makes me the saddest.

"Berry, kamusta na si Ica? Napansin kong hindi na siya dumadalaw sa'yo. Nag-away ba kayo?" Dad asked me one morning whole we were having breakfast. He was reading the news. Nakaalis naman na si Straw at ang Mama ko.

"She's fine." Sabi ko na lang. Ibinaba niya ang news paper at tiningnan ako.

"Berry, it doesn't matter. Wala akong pakialam sa sexual preference mo, kung gusto mo si Ica, then so be it. Napag-usapan na rin naman ito ng Mama mo. We're fine about it. It's weird but if it makes you happy, then wala tayong dapat pag-usapan." Wika ni Daddy sa akin. I felt grateful. Napakahirap naman kasi ng sitwasyon ni Ica. Ayokong maramdaman iyon ganoon sa pamilya ko – buti na lang at hindi.

Kahit naman hindi na kami nag-uusap ngayon, nag-aalala pa rin ako sa kanya. Alam ko kung gaano kahirap para sa kanya iyong ganito. Hindi pa rin siya tanggap sa kanila. It saddens me also, why are they refusing to see the goodness in her? Napakabakt ni Ica para makaranas ng ganito.

I sighed again.

"Sana dalawin ulit tayo ni Ica." Wika pa ni Dad. I suddenly felt the same.

Nang matapos kumain ay nagpaalam na ako kay Dad na pupunta sa clinic ko. I wanted to see my people andmy animals. Dinalaw naman ako ng mga assistants ko and they assured me that everything is fine, iyon nga lang hindi pa rin ako mapakali. I decided to go to our clinic in BGC. Doon ako nabugbog. Inaamin kong may takot pero kailangan kong I – conquer ang takot na nararamdaman ko.

Lumabas ako ng bahay at nag-abang na lang ng taxi. I noticed that there was a black Ferrari parked near our home. Ang ganda noong kotse. It might be worth millions. Napansin kong umandar iyon- baka aalis na but to my surprise, huminto iyon sa harapan ko at mula sa driver's seat ay bumaba ang Papa ni Nautica. Si Mr. Yto Consunji.

"Good morning, Miss De Lara. Can we talk?" He asked nicely. Napatango na lang ako. I smiled at him. Umikot pa siya para pagbuksan ako ng pinto. When we were both inside, he drove. Napakatahimik ng atmosphere naming dalawa. Inaamin kong kinakabahan rin ako kasi wala akong ideya kung bakit ako gustong makausap ni Mr. Consunji.

We went to a coffee shop. We settled in a table near the window. I sighed. Starbucks reminded me so much of how I met Ica. Nagbuntong hininga si Mr. Consunji.

"You know, Nautica was a surprise baby." Panimula niya. "My wife and I stopped trying to have a kid after Rael. Okay na kasi kami sa tatlo. We have two boys and a girl, but Ica came. Four months na iyong tyan ni Niki nang malaman namin. Ica was conceived in our love city – sa Paris."

"That's so... " Hindi ko masabi ang susunod na sasabihin ko. I could see how emotional this was for him kaya napatitig lang ako kay Mr. Consunji.

"Ica is my baby girl, Miss De Lara and right now, I couldn't see my baby girl because of all the changes happening in her life right now. I miss my baby girl, Miss De Lara."

Barely NakedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon